Eleventh Dream

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ko si Owen na naglalakad kasama si Amanda. Papalapit sila dito at nakangiti siya sa akin.

"Hi!" bati niya sa amin ni Lilian habang nakangiti pa rin.

"H-hello," sagot ko naman.

Naupo si Owen sa tabi ko at si Amanda naman ay sa tabi ni Lilian.

"Owen, ba't 'di mo kasama 'yung mga friends mo?" tanong ni Lilian.

"Ah, si Gerald, may tennis training. Varsity kasi 'yun kahit hindi halata. Si Howard naman, sinundo ng Mama niya at mukhang nagpapasama sa mall," natatawa-tawang sabi ni Owen. "By the way girls, do you want to have miryenda? My treat!"

"Game! Libre eh!" mabilis na sagot ni Lilian.

Ito talagang isang 'to, basta libre!

"Ako rin, go ako!" sabi naman ni Amanda.

Isa pa 'to!

Tumingin si Owen sa akin at nginitian ako. "Angelique?"

"Sorry. Pass muna ako! Need kong tulungan si Nanay eh."

"Eh, sayang 'yung libre! Takas ka muna! Saan ba 'yan?" tanong ni Lilian.

"Oo nga, Angelique!" dagdag pa ni Amanda.

Tiningnan ko si Owen at nakangiti siya sa akin, "Please? Sama ka na?"

Napabuntong hininga ako at nginitian ko siya. "Sorry, hindi talaga pwede. Kailangan ako ni Nanay eh. Next time na lang siguro."

"Ganun ba? Sige, okay lang. Marami pa namang pagkakataon."

Tinapik ni Owen ang braso ko at nagpaalam na sila sa akin. Dumiretso na rin ako sa bahay para magpalit ng damit at nang makapunta na ako sa palengke.

Wala kasi ngayon 'yung kasama ni Nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke kaya kailangan ko siyang tulungan.

Nakakainis naman na kahirapan 'to. Naging hadlang pa sa chance ko kay Owen.

Pagkatalaga ako yumaman, hindi ko na hahayaan na si Nanay na magtinda sa palengke.

Dahil hapon na ay konti na lang din ang bumibili sa amin. Nag-stay kami sa palengke hanggang alas-sais ng hapon atsaka kami umuwi.

Pagdating naman sa bahay, mabilis akong naligo at kumain dahil tambak pa ako ng homeworks na dapat kong gawin.

Pero bago 'yun, chineck ko ang phone ko kung may message ba si Owen. Wala. Siguro napasarap ang kwentuhan nila ng mga best friends ko.

Natapos ko na't lahat ang assignment ko pero wala pa ring message sa akin si Owen. Wala naman akong karapatan na maghintay ng text message niya eh. Hindi naman kami. But somehow, nalungkot ako.

Ewan. Nasanay siguro ako na gabi-gabi siyang may message sa akin. Simula kasi nung magkakilala kami, lagi niya akong itinetext ng 'good night' gabi-gabi.

Baka walang load?

Siguro naman nawawalan din ng load ang mga mayayaman?

Isinarado ko ang notebook at libro ko at saka ko inilagay sa bag. Matapos 'yun ay tumabi na ako kina Kuya at Nanay na parehong mahimbing nang natutulog.

Mayamaya lang din ay nakatulog na ako.

~*~

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon