Chapter 129: Before the Rain

Start from the beginning
                                    

Simula noong nasa Battle Cry kami ni Dion, hindi pa kami nanalo sa ALTERNATE kahit ilang beses na kaming nagkakatapat sa mga tournament. Can't blame them, Sandro is a great Captain. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako tinulungan din noong nagsisimula pa lang ako sa Esports.

"Hey," Umupo si Dion sa tabi ko. "Grabe, nakakaubos ng social battery ang mga interviews."

"Iba talaga kapag Cutie Player ng Nueva Ecija." I chuckled.

"Don't start with that corny title." Naiiling na sabi niya.

"Bakit? Unique kaya! Ang lakas maka-housemate sa PBB. Isipin mo, sa lahat ng Esports Player dito sa Pinas ay ikaw lang ang may ganoong title." Hindi naman din nagagalit si Dion kapag naririnig niya iyon. Nahihiya lang siya. Blushing Dion is one of my top Dion's expression. Lalo kapag namumula na ang tainga niya sa hiya.

If I will rate Dion's expression, may top 3 akong favorite.

Number 3 will be the "happy sa small things Dion". Well it's an expression he make kapag nakukuha niya 'yong mga bagay na gusto niya. Kapag dumadating ang in-order niya sa Shopee, when he unbox a new toy, or kapag nasa-satisfy 'yong cravings niya. The way he smile and giggle is making me feels good vibes din. At saka, he rarely show this emotion with other people.

Number 2 will be this one, "the blushing Dion". Kapag nahihiya siya kapag tinutukso. The way kung paano niya kamutin ang batok niya at napapailing siya sa hiya is just too cute. Especially kapag umakyat na 'yong pula ng mukha niya sa tainga niya at napapayuko na siya, ibig sabihin noon ay hiyang-hiya na siya.

Number 1 will be the "Mysterious Look Dion". Ang OA man ng bansag na 'to pero it's something na feeling ko na ako lang ang nakakakita. They way he looked at me sometimes like I am the most important person in his life. 'Yong titig niya kapag nagkukuwento or tumatawa ako. I can't explain it pero that's my number one. An expression na kapag ginawa niya na ay aakyat na ang kilis sa pisngi ko.

Ang worst naman ay ang "Bugnutin Dion". God, do I need to explain? 'Yong nakakunot niyang noo tapos 'yong matalim niyang tingin kapag inis na... as in ang lakas makapasa ng negative energy! For example, kapag ginigising siya ng sobrang aga. Automatic na nakadikit ang magkabilang kilay niyan at hindi mo makakausap ng ilang oras. That's the worst Dion.

"What do you think about their performance?" Tanong ni Dion at napansin ko na lang na pumapalakpak na ang mga tao dahil tapos na mag-perform ang sikat na love team sa Pinas ngayon.

"Hindi ko napanood. I zoned out."

"Sus, sino sa atin ngayon ang kabado?" Natatawa niyang tanong.

"Iniisip ko lang na huwag muna sana nating makatapat ang Black Dragon." Pagsisinungaling ko. Ayoko naman sabihin na ni-rank ko ang favorite expression ko ni Dion. Baka gawin niya pang pang-asar sa akin iyon ay mahirap na.

"Okay, thank you sa mga performer natin ngayong araw. Grabe! Opening pa lang ng tournement natin pero ramdam ko na ang hype ninyong lahat." Hanz said at malakas na nagsigawan ang buong crowd. "We are trending in twitter at mainit na pinag-uusapan sa iba't ibang social media platforms. I hope that we can maintain this hype hanggang sa malaman natin kung sino ang magiging Season 4 champion."

"Magaling talaga 'tong magsalita." bulong ni Dion sa akin.

"Kinukuwestiyon mo pa ang hosting skill ni Hanz, napaamin nga niya tayo sa isa sa mga interview niya." Bulong ko pabalik at parehas kaming natawa ni Dion.

"Okay, now, dadako na tayo sa isa inaabangan ngayong araw. This will be announcement kung sino-sinong teams ang magkakatapat-tapat sa unang araw ng match bukas? For some of our staffs, pakidala ang mahiwagang bunutan sa center stage please." Umakyat na ang kaba ko noong marinig ang sigawan ng fans.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now