"May naka-assign na interview sa'kin mamaya. Hindi ako pwede mag-absent. Gagawan ng article 'yon, e." Namomroblemang sabi ko sa kanila. Pero mukhang wala naman na talaga akong choice. Sobrang daming tao sa labas, hindi lang lima 'yung nandoon sa bilang ko.

"Talk to her na lang muna. She'll make intindi naman if you said na you have sakit and you can't do the interview today." Suggest ni Drebs.

Hindi naman na ako sumagot dahil concerned na talaga ako at wala na talaga akong choice kung hindi 'wag nang bumaba. Natatakot din naman akong bumaba roon.

"Sige. Mauna na kayo. Message kayo kapag nandoon na kayo ha? Bukas na lang ako papasok." Paalam ko sa kanilang dalawa at ibinaba na 'yung tawag.

Sumilip pa muna ako sa labas para panoorin na makalayo 'yung kotse ni Drebs. Pumasok ako ulit sa loob ng kwarto para magbihis ng pambahay bago ko tawagan 'yung president ng club namin.

Gusto kong sumigaw out of frustration at inis na hindi ko alam. Iniisip ko na kung ganito 'yung mga nangyayari, at kung makagawa man ako ng paraan ngayon, paano bukas at sa mga susunod na araw? Hindi naman pwede na hindi na ako papasok lagi.

Basta ko na lang ibinagsak 'yung katawan ko sa kama at tinawagan si Klara. She's Klara Silvestre, our club's president and also my classmate. She's nice and understanding. Kaya alam ko na maiintindihan niya at papayagan niya ako, lalo na kung idadahilan ko na may sakit ako.

Pero nakakahiya, kasi aside from she has a lot on her plates na rin as a president of our club, I'm aware to myself too that I'm lying. Madadagdagan 'yung gagawin niya, or nila, dahil sa'kin.

"Uy, Pres." Bungad ko sa kaniya pagkasagot niya ng tawag after ng ilang ring. Hininaan ko pa nang sadya 'yung boses ko para sa alibi ko na may sakit kunwari.

"Hm?" Mahinang sagot niya. Medyo maingay na sa background niya kaya for sure, nandoon na siya sa Araneta.

"Isang interview lang naman naka-assign sa'kin ngayon, di ba? Baka kasi hindi ako makapunta riyan ngayon. May sakit kasi ako, e." Mahabang sabi ko sa kaniya, stating my reason agad para alam niya na.

"Oo, isa lang. Pero kung may sakit ka, pwede ko naman saluhin muna 'yung interview mo. Dalawa kasi 'yung sa iba. Baka mabigatan sila masiyado kapag sa kanila ko pa ibibigay 'yung sa'yo." Paliwanag niya sa'kin. As expected, pumayag siya at willing pa na saluhin 'yung part ko kahit na isang tambak din 'yung gagawin at ifa-finalize niya.

"E, 'di ba ifa-finalize mo pa 'yung newspaper last season? Sabi mo last meeting hinahanap na sa'yo 'yon." Nag-aalalang tanong ko. Wala yata talaga akong takas, baka nga kailangan ko talagang pumasok. "Bukas na 'yon ipapasa, natatandaan ko." Dagdag ko pa sa naalala ko bigla. Lalo na ako nakonsensiyang hindi pumunta roon.

"Oo. Pero pwede ko naman i-cram. Ayaw ko naman pilitin mo na pumasok nang may sakit ka. Baka kung mapaano ka pa." Paliwanag niya ulit.

Kahit kailan talaga, napakaselfless niya. Ako pa inaalala niyang baka mapaano. E, siya rin naman may chance na baka mapaano kung ica-cram niya 'yung newspapers namin dahil for sure kulang pa 'yung magdamag doon.

"Papasok na lang ako. Kaya ko pa naman." Natatawang sabi ko pa. "Uuwi na lang ako after ng interview para makapagpahinga siguro. Don't worry about my part na. I'll do it." Mahabang sabi ko ulit.

Ilang beses pa niya akong tinanong kung sigurado raw ba ako. Pinipilit naman niya na kaya naman niya i-manage 'yung oras niya pero hindi na ako pumayag. Nakokonsensiya na rin ako.

Code: SynéchiseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin