Ika-Dalawampu't apat na Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Naku naman, nilalagnat na nga ang lakas lakas pa ng aircon.

"Ms, Ms wake up na po"

"Hmmm"

"Ms gising na po, alauna na at kailangan mo na pong kumain para makapaggamot ka na po"

Unti unti nitong minulat ang mata niya at medyo nagulat pa nang makita ako sa harapan niya

"Hey what are you doing here? You have class don't you?" Mahinang wika nito

"May meeting po sila Ma'am at ikaw naman po di nakapasok kaya wala pong klase ng hapon" sagot ko.

"Ahm sabi po ni Patricia may sakit po kayo kaya di kayo nakapasok, kaya naisipan ko pong dalawin ka" wika ko nang matahimik kaming dalawa.

"Nagluto po ako ng Sinigang, ihatid ko nalang po ba dito o aalalayan ko kayo papuntang kusina?"

"Im not hungry, you can now go home don't worry about me Im fine here" masungit na wika nito.

"Wala po akong gagawin sa bahay, atsaka hihintayin ko nalang po si Tito Greggy bago umuwi para po may kasama kayo rito"

"Tara na Ms. Para makakain ka na po at makapaggamot"

"Hindi nga ako gutom" wika nito, ngunit biglang tumunog ang tiyan nito kaya natawa ako. Tinignan niya ako ng mataray na tingin kaya pinigilan ko ang tawa ko.

"I guess you're lying Ms, hahatidan nalang po kita ng food dito kung ayaw mo pong umalis dito" makulit na wika ko. Napahinga siya ng malalim at inirapan ako

"Sasama na ako palabas, hindi naman ako baldado"

Habang palabas kami ay inaalalayan ko siya maglakad pero ayaw nito

"I can walk on my own okay? Mauna ka nalang kung nababagalan ka sakin" masungit na wika nito

"Tama nga po si Tito Greggy, mas masungit po kayo pag may sakit" bulong ko

"What did you say?" Sabay taas ng kilay

"Wala po hehe, sabi ko po ang bait niyo ngayon parang hindi kayo yan" wika ko.

Nang makarating kami sa Dining ay agad ko siyang pinaghain.

"Damihan mo po kain at mukhang mas pumayat ka, diet ka ba lagi? Or di lang nahaharap kumain dahil sobrang workaholic?"

"Sadyang sexy lang ako noh" sabay irap nito.

Ano bang sakit nito? Lagnat o sakit sa mata? Palaging umiirap eh, kung tusukin ko kaya ballpen mata nito para di na makairap.

Charot.

"Who cooked this?" Tanong niya

"Syempre ako po, may iba pa po bang tao dito?"

Di na niya ako inimik at kumain na lang. Nangingiti pa ako nang mapansin na kumuha ito ng dagdag kanin.

"Why are you smiling like that? Pinagttripan mo ba ako?"

"Naku hindi po ah, natutuwa lang po ako na mukhang nasarapan ka sa luto ko"

"Well masarap naman siya, good for you" simpleng wika nito at nagpatuloy na sa pagkain.

Mabilis lang akong kumain dahil hindi pa naman ako gaanong gutom, agad na akong kumuha ng gamot ni Ms at inilapag sa gilid niya

"Maayos na ako lily, hindi na kailangang maggamot pa"

"Naku Ms hindi po iyan pwede, kailangan niyo parin pong maggamot"

"Alam ko ang katawan ko at alam kong di ko na kailangan uminom niyan"

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon