Number 7. 

May nag-set ulit ng bola papunta sa kaniya. Napaawang ang labi ko nang tumalon ulit siya at hinampas ang bola. He got nice posture. How could someone jump like that? Ang galing! Ang taas! Parang lumilipad!

"Alia!" Napatayo ako nang makita ang friend ko noong high school. Si Sean. Captain siya ng volleyball team dito. Yayakap sana siya sa akin kaso pawis siya kaya huminto rin siya kaagad. 

Nang marinig ang pito ay lahat sila lumapit sa bench. I was overwhelmed by the number of men surrounding me. Natahimik tuloy ako at pinaglaruan na lang ang panukat sa kamay ko habang pinapaliwanag ni Tito na susukatan sila para sa bagong uniform. 

For some reason, nagtama ang tingin namin ni number seven. Ngingitian ko na sana siya nang bigla niyang iniwas ang tingin niya at tumalikod. Umakbay naman sa kaniya ang isang teammate nila habang tumatawa at tinuturo ang mukha niya. Iyon 'yong setter niya kanina.

Parang siya ang pinakaseryoso rito. Kanina rin, habang naglalaro, ay wala siyang expression sa mukha niya.

Nakapila na lahat ng players kaya naging abala rin ako sa pagsusukat. Kapag tapos nang sukatan ay bumabalik na rin sila sa pagwa-warm up nila. 

"Hello," bati sa akin noong setter, medyo natatawa. "Nakita na kita sa campus dati. Taga-Fashion Institute ka 'di ba?" 

"Yes po," sagot ko dahil pakiramdam ko ang rude kapag sinabi ko lang na 'Oo.' Parang nagsusungit ako! 

"Kasama mo 'ata 'yong partner mo noon."

Napakunot ang noo ko habang nagsusukat ng balikat niya. 

"Huh? Single ako..." Sino ang nakita niya? Iyong ex ko ba? Wala na! Break na kami noon! 

"Ah, ganoon ba?" Lumingon siya sa likuran niya kung saan nakakrus ang braso ni number seven at tahimik na naghihintay ng turn niya. "Single ka nga pala! Sorry, akala ko lang!" Nilakasan niya pa! 

"Okay lang, ano ka ba..." Sobrang lakas niya mag-sorry. Okay lang naman 'yon! Hindi naman big deal sa akin! 

Pagkatapos ko siyang sukatan ay umalis na siya sa pila at sumunod na ang number seven. Siya na ang last. Akala ko ay babalik na sa training iyong setter pero nanatili siyang nakatayo sa gilid para manood. Ano naman ang papanoorin niya? 

"Uy, King, tingnan mo, turn na ni Seven, oh!" At nagtawag pa siya ng isa pang teammate. Pareho na silang nanonood ngayon habang sinusukatan ko 'yong player. Tumatawa pa silang dalawa. Ano kaya ang nakakatawa?

"Wow, liit naman ng waist. Huminga ka kasi, Seven," sabi noong King tapos nagtawanan na naman sila. 

Seven ba talaga ang pangalan niya o dahil sa jersey number niya? Baka nga Seven talaga. Ang galing naman kung ganoon. 

Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakita kong nakaiwas siya ng tingin. Bahagya siyang kumamot sa bridge ng ilong niya gamit ang middle finger niya. 

"Seven talaga ang name mo?" Hindi ko na napigilang magtanong habang naglilista ng sukat niya. 

He cleared his throat before answering. "Yes." 

"Ang galing naman." Ngumiti ako at tiningnan siya ulit. "Ang cute ng name mo." 

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaawang ang labi. 

"Okay na." Binigyan ko siya ng thumbs up. Itatanong ko pa sana kung anong year niya na kaso bigla na lang siyang tumalikod sa akin at nagmamadaling bumalik sa court. Tumatawa siyang sinalubong noong dalawa niyang kaibigan. 

Ka-kambal ni Chae iyong isa sa mga volleyball players. Iyong isa sa mga libero nila, number ten. Axel Yap. May isa pa silang libero for sub. May alam din ako sa volleyball dahil mahilig akong manood ng mga sports competition noong high school. Nakakatuwa kasi. Iba-iba ang galing ng mga players. 

Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)Where stories live. Discover now