"Oo naman, gagawa ako ng castle natin! Ikaw yung magiging prince..." sabi ko sa kanya, natawa naman sya
"Deanna!" parehas kaming napalingon ni Peter sa tumawag sakin
Si Jema...
"Ate diba sya si---"
"SShhhh! Wag kang maingay Peter..." bulong ko sa kanya
Nang makalapit samin si Jema napatingin sya kay Peter
"Kapatid mo?" tanong nya sakin
"Yup... Si Peter" pakilala ko kay Peter
"Hi Peter! ang cute cute mo! Ako si Jema" sabi ni Jema sa kanya, pagkatapos pinisil nya sa pisngi si Peter
"Ay! hehehe thank you po ate ganda..." sabi ni Peter kay Jema, tumingin sakin si Jema
"Bolero tong kapatid mo Deanna..." sabi sakin ni Jema, natawa uli ako, "Anong ginagawa nyo?" tanong nya samin
"Gumagawa ng castle" si Peter na ang sumagot
"Ah, pwede makisali?" tanong ni Jema habang nakangiti
"Oo naman ate ganda, sali ka po.." sabi ni Peter, napapangiti nalang ako dahil halos si Peter na yung nakakausap ni Jema
Habang gumagawa kami ng castle hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Jema, nakangiti lang kasi sya at sobrang nakakahawa iyon, inabot din kami ng ilang oras bago mabuo yung castle.
Maya maya nagulat ako ng bigla may bumato sakin ng buhangin kaya kunot noo akong napatingin sa dalawa
"Hahahah!" tawa nilang dalawa
Aba! pagkaisahan ba naman ako ng dalawang to...
"Ahh ganon? ganyan gusto nya ha!" sabi ko pagkatapos kumuha ako ng buhangin, agad naman silang tumakbo, naghabulan kaming tatlo sa tabing dagat hanggang sa mapagod kami
"Ayoko na hahah, gusto ko ng magpahinga please..." pakiusap ni Jema pero hindi ko sya tinantanan
"De! Anong ayaw, hindi pa ako nakakaganti eh!" sabi ko, huminto sya sa pagtakbo at humarap sakin
"Oh sige! gumanti kana.." sabi nya, itinaas ko yung kamay ko at akmang ibabato sakanya yung buhanagin kaya napapikit sya, pero imbis na ibato yung buhangin lumapit ako sa kanya at mabilis syang hinalikan sa noo.
"Okay na! nakaganti na ako... haha" sabi ko, halatang nagulat naman sya sa ginawa ko
"E-ehh??" nakita kong namula yung pisngi ni Jema
"Ate, nakita ko yun! haha" sabi ni Peter
"Hahaha ano ka ba, friendly kiss lang yon!" sabi ko kay Peter, kinindatan ko sya kaya natawa sya, pagkatapos tumingin ako kay Jema at hinawakan ko yung kamay nya, "tara nood tayo ng sunset..." aya ko sa kanya, hinila ko sya paupo, tumabi na din samin si Peter
"Napagod ako!" sabi ni Peter, parehas kaming natawa ni Jema
Habang nanonood kami ng sunset nagulat ako ng biglang ihilig ni Jema yung ulo nya sa balikat ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
"Ang ganda no?" tanong sakin ni Jema
"O-Oo ang g-ganda..." utal na sagot ko, napalunok din ako dahil kinakabahan talaga ako.
Kalma self...
"Deanna, gusto mo bang tumambay mamaya?" tanong sakin ni Jema
"S-Saan?" tanong ko sakanya
"Nakikita mo yung duyan na yon?" tanong nya sabay turo sa duyan na nakakabit sa puno
"Oo" sagot ko
"Dun tayo mamaya... kung gusto mo lang naman" sabi nya
"Hmmm osige, pupunta ako mamaya dyan" sabi ko sa kanya
"Talaga?" tanong nya sakin
"Oo" sagot ko
Maya maya nagpaalam na samin si Jema, medyo dumidilim na din kasi, kami naman ni Peter bumalik na din sa hotel.
Habang naglalakad kami pabalik sa hotel tumingin sakin si Peter
"Ate, ang ganda pala talaga ni Ate Jema, kaya pala naging crush mo sya eh" sabi nya sakin habang nakangiti
"Ahahah maganda talaga sya, lalo na kapag nakasmile diba?" tanong ko sakanya
"Oo, feeling ko tuloy crush ko na din sya" sabi ni Peter, kunot noo naman akong tumingin sa kanya
"At parang may balak kang agawin sya sakin ha... haha!" sabi ko sa kanya, napakamot naman sya sa ulo nya habang nakangiti
Pagpasok namin sa room namin nakita namin si lola na nag aayos ng mga gamit.
"Oh mga apo, nag enjoy ba kayo sa dagat?" tanong samin ni lola
"Opo lola" sagot namin habang nakangiti
"Maligo na kayo at ng makapagpahinga at makakaen na tayo, maaga daw yung tour natin bukas eh" sabi ni lola samin
Pinauna ko ng maligo si Peter dahil baka sipunin sya.
"La, pwede po ba akong tumambay sa labas mamaya? kasama ko po si Jema, promise hindi po ako magpapagabi sobra" paalam ko kay Lola
"Basta mag ingat, maraming loko loko ngayon..." sabi ni lola sakin, napangiti naman ako
"Opo, kasama ko naman si Jema" sabi ko sakanya
"Osige, pero hindi ko na papayagang lumabas si Peter" sabi nya
"Opo, hindi ko sya isasama" sabi ko
Nang matapos maligo ni Peter ako naman yung sumunod, halos 30 mins. din yung tinagal ko sa CR, pagkatapos kong maligo agad kaming kumaen.
_________
Update uli.. 🥴
Part 5
Start from the beginning
