Mananakot pa! edi tumalon sya! kakainis ha!

Spplaaaaashh!!! - (oh tunog ng tubig yan haha!)

Maya maya narinig kong may tumalon sa dagat kaya napatingin uli ako sa likuran ko.

Nagulat ako ng wala na sa likod ko sa Deanna, tumayo ako at tiningnan ko kung saan sya tumalon.

Aba! tumalon nga ang gago!

Mga 1 min. na ang lumipas hindi pa sya umaahon kaya nataranta na ako...

Naku baka magpakalunod nga!

"Hoyyy! Deeeeanna! Oo na pinapatawad na kita umahon kana dyan!" inis na sigaw ko, kaso hindi padin sya umaahon, kaya nataranta na ako ng sobra, napakamot ako sa ulo ko

"Hoyyy!!! Deannaa! ano ba??? Isa! Wag ka ngang mag biro ng ganyan!!" sigaw ko uli

Sa sobrang taranta ko tumalon na ako sa dagat para hanapin sya, kaso nakalimutan kong hindi pala ako marunong lumangoy.

Sinasagwan ko yung kamay ko pero hindi talaga ako marunog kaya sumigaw ako, nakakainom na din ako ng tubig..

"A---Aaahhhhh!! tulong!!" sigaw ko, mayamaya may naramdaman akong humawak sa bewang ko, inalalayan nya ako habang lumalangoy sya, pinahawak nya ako sa bato para may makapitan ako, nang maramdaman nyang hindi ako kumportable sa hinahawakan ko inalalayan nya uli ako papunta sa may mababaw na tubig, nang maka ahon na kami sa tubig inis akong nag lakad papunta sa buhanginan, kinuha ko yung tsinelas ko at inis kong binato iyon sakanya, nakailag naman sya. 

"Papatayin mo ba ako sa nerbyos ha??! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na gumawa ng mabuti ha??!" sigaw ko sa kanya

Naiinis ako sobra, muntik nanaman kasi akong malunod

"E-Eh ikaw kasi eh! a-ayaw mo akong patawarin... buti nga niligtas uli kita eh..." sabi nya, inis akong tumingin sa kanya at nagpamewang.

"Ulit???" inis na tanong ko, tumango naman sya

"O-oo... d-dalawang beses na kitang sinasagip diba?" tanong nya sakin

"Alam mo din ba na sa dalawang beses na yon ikaw din naman ang may kasalanan, hindi ako, diba?!" inis na tanong ko din sa kanya, natawa naman sya

Hala! Tawanan ba naman ako....! bastos talaga...

"hahahaha sorry na kasi..." sabi nya, nagpa cute sya sakin, "please... peace na tayo.." sabi nya at nag peace sign sya sakin habang nag papacute, nakatingin lang ako sa kanya

Bakit parang biglang nawala yung inis ko sa kanya??

Tinaas baba nya yung kilay nya

"Please Jema..." sabi nya habang nakanguso, parang bata na humihingi ng sorry, nilahad nya uli yung kamay nya sakin, napapikit ako at natawa. 

Ewan ko ba, pero ang pagkaka kilala ko sa sarili ko pag inis ako, inis talaga ako eh, walang makakapag patawa sakin, pero sya? bat nya ko napapatawa?

Pasalamat ka cute ka.... char!

"Sige na nga---" aabutin ko na sana yung kamay nya para makipag shake hand kaso binawi nya ang kamay nya at pinisil yung ilong ko...

"Arraaayyyy!!!" sigaw ko

"hahahahahaha bleehhh!!" pang aasar nya sakin, sabay takbo, "Habulin mo ako..." asar nya sakin, napapikit naman ako dahil nainis nanaman ako

"Deeeaaannnnaa!!!! pag ikaw nahuli ko lagot ka sakin talaga!!!" sigaw ko, at hinabol ko na sya,, nag habulan lang kami sa buhanginan..

Nang maabutan ko sya, bigla kong hinawakan yung kamay nya at kinagat sa braso

"Arrraayyy Jema tama na! hahahaha" sabi nya, hindi ko parin binitawan yung pagkaka kagat ko sa kanya, "Jema tama na sorry... hindi ko na uulitin..." sabi nya, binitawan ko yung pagkaka kagat ko sa kanya at tumingin sa kanya ng naiinis.

Kita ko sa mukha nya na nasaktan talaga sya..

"I-Ikaw kasi... sorry na..." sabi ko habang pout

Tiningnan nya lang ako pagkatapos ngumiti sya

"heheheheh ok lang... ok! Friends na tayo??" tanong nya at nilahad ang kamay nya, tiningnan ko yung kamay nya, nakangiti kong inabot yun.

"Friends...." sabi ko, binitawan ko agad yung kamay nya dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

Nakita ko na hinihimas nya yung braso nya habang nakatingin sakin.

"heheh may lahing aso ka pala.. hahaha nangangagat ka.." asar nya sakin habang natatawa

"Ikaw kasi eh.." sabi ko sa kanya

Umupo sya sa buhanginan, tumabi naman ako sa kanya. 

"Makulit ka pala... sa room kasi ang tahimik mo, daig mo pa yung pipe, haha!" sabi ko sa kanya

"Ako? depende sa taong kasama ko, kapag hindi kasi ako kumportable tahimik lang ako, pero kapag kumportable ako lumalabas yung kakulitan ko..." sagot nya

"So ibig sabihin kumportable ka sakin?" tanong ko sa kanya

"H-Hindi ko alam, haha... w-wala kasi akong magawa dito eh, kaya siguro ganon.." sagot nya

Akala ko pa naman kumportable sya sakin...

"Diba ikaw yung janitress sa school? sorry kung natanong ko" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at ngumiti

Ang cute nya pala kapag nakangiti...

"Akalain mo nga naman... akala ko sobrang taray at arte mo, pero marunong ka din palang humingi ng sorry hahaha! Oo ako nga yung janitress doon sa school natin, after class nag tatrabaho ako.." sagot nya

"Judgemental ka kasi!" sabi ko, natawa naman sya "Bakit ka nag tatrabaho? Nasaan yung mga magulang mo?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sa langit

"Nasa langit na.." sagot nya, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya

"S-Sorry.." sabi ko

"Okay lang... matagal na silang wala, bata palang ako, kaya naman lumaki kami ng kapatid ko sa lola ko.." kwento nya, tumango tango naman ako

"Sinong kasama mo dito ngayon?" tanong ko uli sa kanya

"Lola ko tapos yung bunso kong kapatid" sagot nya

"Eh bakit hindi sila yung kasama mo ngayon?" tanong ko uli sa kanya

"Kasi sumakit yung tyan ng kapatid ko kaya binabantayan sya ng lola ko, hayaan mo ipapakilala kita sa kapatid ko kapag gumaling sya mamaya" sabi nya sakin, napangiti naman ako

Akalain mo yun? Hindi ko ineexpect na makakasundo ko itong babaeng to, dati kasi hindi ko talaga naiimagine na makakausap ko sya ng ganito, ang tahimik nya kasi sobra sa room namin, pero hindi ko maitatangging matalino sya... 

Hindi natapos yung kwentuhan naming dalawa dahil tinawag na ako ni Ate Jov, kakaen na daw kasi kami ng lunch. 

"Sige Deanna, mauuna na akong umuwi ha... kakaen na daw kasi kami.." paalam ko sa kanya

"Sure.." sabi nya

Dibale, marami pang time para makipag kwentuhan sa kanya...
________

Update uli...

UnexpectedWhere stories live. Discover now