Nang matapos ko syang hilutin nag kwentuhan nalang kami..
Maya maya natulog na din kami.
KINABUKASAN...
Pagkatapos naming kumaen, tumambay muna ako sa kubo kung saan ko nakita si Deanna kahapon.
Inaya ko yung dalawa kong kapatid kaso ayaw nila, mangingitim daw kasi sila.
Ang arte diba?
"Haaaayyy! boring naman!" yamot na sabi ko, sabay lingon sa likod ko para tingnan yung dagat, kaso pag tingin ko sa likod ko, nakita ko si Deanna na nakatingin sakin, nang makita nyang nakatingin na din ako sa kanya agad nyang iniwas yung tingin nya at nag lakad na sya palayo, sinundan ko lang sya ng tingin.
Anong problema nito?
Medyo malayo na sya ng nakita ko syang tumigil sa pag lalakad at lumingon uli sa akin, tiningnan nya lang ako, inirapan ko naman sya at hindi ko na siya tiningnan.
May balak nanaman sigurong masama yon! Hindi ko akalain na masama din pala yung ugali nya kahit na mahirap sya...
Nang hindi ako makatiis, tiningnan ko uli sya, nakatingin parin sya sakin, nagkatinginan lang kami... maya maya tumalikod na sya at nagpatuloy na sya sa pag lalakad.
Parang tanga lang...
Hay! makapunta na nga lang sa gitna ng dagat dun sa may batuhan, dun sa pinuntahan ko kahapon, mas maganda ang view ng dagat doon at tahimik.
Kumuha ako ng bangka at hinila iyon sa dagat, nang mailagay ko iyon sa dagat sumakay na ako at nag sagwan.
Nang makarating ako sa may batuhan itinali ko yung bangka pagkatapos dahan dahan akong bumaba sa bangka at naupo sa batuhan.
Mahirap na baka mahulog nanaman ako kapag gumalaw yung bangka..
Habang nakaupo ako nakatingin ako sa malayo..
Hayyy ang ganda talaga dito... next time isasama ko si Kyla dito.. pati si Bea... ang tahimik... nakakarelax...
"Jema...." biglang may tumawag sakin, pag lingon ko nakita ko si Deanna na itinatali yung bangka nya sa bato kung saan ko itinali yung bangka ko, napakunot noo ako..
"Bakit ka nandito??! May masama ka nanamang gagawin no?? pag titripan mo nanaman ako??" inis na tanong ko sa kanya, napanguso naman sya
"Trip agad??" tanong nya, "wag ka ng magalit, sorry na sa ginawa ko kahapon... u-uhmm friends na tayo..." sabi nya, mas lalong kumunot yung noo ko
"Friends?? wala akong kaibigan na tulad mo... at ayaw kong maging kaibigan yung katulad mo!" inis na sabi ko, napayuko naman sya
"Sorry na talaga sa nangyare kahapon... sorry na..." sabi nya habang magkadikit yung dalawang palad, "gusto mo tatalon ako dito sa dagat para mapatawad mo ako, magpapakalunod ako sige ka" banta nya sakin, tiningnan ko sya saglit
Aba! takutin ba naman ako...
"Weehhhh? marunong ka kayang lumangoy!" irap ko sa kanya pagkatapos tumingin uli ako sa malayo
"sorry na kasi..." sabi nya
Ang kulit ha...
"Ako Deanna tigilan mo ko ha... hindi ako nakikipag biruan sayo, pinagbigyan na kita kahapon!" inis na sabi ko sa kanya
"Ayaw mo akong patawarin? Sige tatalon ako at magpapalunod dito..." banta nya uli, napatingin uli ako sakanya
"Edi tumalon ka!" inis na sabi ko pagkatapos tumingin uli ako sa malayo
Part 4
Start from the beginning
