Chapter 1

147 8 2
                                    

Chapter 1

"I love SEX" Buong pusong deklara ko sa mga kaibigan ko at sabay sabay silang napaismid at umirap. Unlike most girlfriends hindi sila ang klase ng mga kaibigan na suportado ang lovelife ko. In fact, they are so against our relationship and they are very vocal about it.

Against sila sa relasyon namin ni SEX hindi dahil sa nagseselos sila because my boyfriend is a heartthrob. Ayaw nila kay SEX para sa akin because he is a heartthrob. Magulo ba? Ganun talaga. Simula pa lang kasi ng relasyon namin ni SEX magulo na. Doon nagsimula ang pag ayaw ng mga kaibigan ko sa kanya. May pinaghuhugutan sila, at ang pinaghuhugutan nila ay 8 years ago pa. Kung kelan naging kami ni SEX.

I was third year high school at that time at nagkataong pinagmerge ang dalawang section ng third year para sa exam namin sa Chemistry. Tuwang tuwa ako kasi makakasama ko sa isang kuwarto si Seb. Dati Seb pa ang tawag sa kanya at hindi pa SEX dahil siguro masyado pa kaming mga bata noon para bigyan siya ng palayaw na SEX. Tinutukso din ako ng mga barkada ko dahil daw mapapalapit na din ako sa wakas sa crush ko. Aaminin kong crush ko si  Seb simula first year high school kami nung nagtransfer siya sa school namin. In fact, crush ata siya ng halos lahat ng mga babaeng estudyante sa school.Suportado ako ng mga kabarkada ko sa crush ko sa kanya. In fact, nagpaubaya na sila para daw at least sa barkadahan namin, wala akong kaagaw kay Seb. Pero kung nung crush ko si Seb ay todo suporta sila sa akin, nung naging kami naman, todo ayaw nila kay Seb. Ang raso, masasaktan lang daw ako.

Paano nga ba naging kami? Pati kasi ako naguluhan at hindi makapaniwala na nung araw nang exam na yun ay naging kami daw. Hindi ko nga alam na kilala niya ako o alam niya ang existence ko. Siguro nga nung araw na yun ay sinuswerte o baka naman minamalas ako.

Magkatabi kami ng upuan ni Seb nung exam kasi alphabetical ang seating arrangement. Xi ang apelyido niya at Yolo ang sa akin. Wala ako sa sarili dahil masyado pa akong overwhelmed na kasama ko siya sa iisang room at mas lalo akong nalula nung umupo siya sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung masasagutan ko pa ang exam namin dahil sobra akong kinikilig.

Pero ang nakakawindang sa lahat ay nung kausapin niya ako.

"Miss, may extra ballpen ka?" Na blangko ako bigla.

Shit! Kinausap niya ako! Sebastian Enoch Xi just talked to me!

Hindi ko alam ang sasabihin, natataranta ako.

"Miss..." Ulit niya at wala sa sariling binuksan ko ang pencil case ko at binigay sa kanya ang extra pen ko. Nagpasalamat ako na madami akong extra ballpen dahil ginawa na akong hiraman ng mga kabarkada ko.

"Salamat." Ngumiti siya at bumalik sa upuan niya. At that time,  gusto ko nang mahimatay.

Buong exam akong nakangiti na parang tanga. Nagtataka pa nga ata ang mga kaklase ko dahil parang tuwang tuwa pa ako sa exam namin. Siguro nga inspired ako kasi ang bilis kong nasagutan ang exam. Nauna ata akong natapos sa lahat pero hindi ko agad pinasa ang papel ko. Gusto ko pang magtagal na makatabi si Seb.

Mabilis din naman siyang nakatapos. Pang lima ata siya sa mga naunang magpasa ng testpaper niya. Nanghinayang ako pero hindi pala dapat dahil pagbalik niya sa upuan niya, lumapit siya sa akin at ibinalik ang ballpen ko.

"Salamat sa ballpen Alleyn." Nakatingin siya sa name ko na nakasulat sa testpaper ko. Ako naman, nakatulala sa kanya. Hindi na naman ako makapagsalita.

"Mula ngayon girlfriend na kita." Sabi niya sabay alis. Hindi agad nag sink- in sa isip ko ang sinabi niya pero napanganga ako nung marealize ko yun pagkatapos ng ilang segundo. Gusto kong magtitili pero nasa loob pa ako nang room.

InsensitiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon