Maikling Kwento tungkol sa pag ibig

10 0 0
                                        


Ako'y nagising sa sigaw ng aking Mama, "Charles! Gumising kana! Maligo kana! Kumain! At gumayak dahil ngayon ang unang araw mo sa bago mong eskwelahan!", Agad akong tumayo at sinabing, "Ito na ma kikilos napo!". Naligo, kumain at gumayak na si Charles at staka umalis patungo sa kanyang bagong eskwelahan.

Andaming maingay sa paligid dahil unang araw ng pasukan sa kolehiyo, kaya naman agad na nahiya si Charles dahil ito ay mahiyain. Pumasok ito sa campus at staka hinanap ang kanyang silid aralan. "Ito na siguro ang aking silid aralan", agad itong pumasok ngunit hindi nya namalayan na meron palang lalabas sa silid aralan pag bukas ni Charles ng pinto ay agad siyang nauntog sa isang matangkad na lalaki na tila ay kanyang kaklase, agad na humingi ng tawad si Charles ngunit hindi ito pinansin ng kanyang nabangga. "Ang sungit naman nitong lalaki nato" sabi ni Charles sa kanyang isip, umupo si charles sa unahan sa pinaka dulo at ito'y nagbasa ng nobela habang naghihintay sa kanilang guro.

Ilang sandali lamang ay agad na pumasok ang guro sa sa silid aralan, "Magandang Umaga Class!" agad na tumigil si Charles sa pagbasa at agad nitong binati ang kanyang guro, "Magandang Umaga po Ginang....?", "Nelson anak." tugon ng guro, "Muli, magandang umaga po Ginang Nelson." bumalik si Charles sa kanyang upuan at bago sila mag simula ng kanilang aralin, naisip ng Guro na magpakilala si Charles sa kanyang mga kaklase dahil siya lamang ang estudyante na bagong lipat sa campus. "Charles, Bakit hindi mo ipakilala ang iyong sarili sa harap ng klase?" sabi ni Ginang Nelson. *Tumayo si Charles* "Magandang umaga, ako nga pala si Charles bagong lipat sa eskwelahan na ito." Pagkatapos ng pagpapakilala ni Charles ay agad na nag patuloy sa pagtuturo ang kanyang guro.

Pagkatapos ng klase ni Charles ay naghahanda na ito upang pumunta sa pangalawang klase, ngunit hindi nya alam kung saan ang klase ng iyon kaya nag tanong si Charles sa isa niyang kaklase, "uhh excuse me, alam mo ba kung saan ang ating susunod na klase?" Sabi ni Charles, "ikaw ba yung bagong estudyante dito?" sagot nito, "ah oo ako yon, hindi ko kasi alam kung saan banda ang klase" sabi ni Charles, "kung ganon sumabay ka na lang sakin, ako nga pala si Victor" tugon ng kanyang kaklase. Sabay silang pumasok sa kanilang klase. Natapos na ang klase at naisip ng kanilang guro na itinalaga si Victor upang libutin ang eskwelahan kasama si Charles. Naglibot sila sa buong Eskwelahan hanggang sa maging matalik silang magkaibigan. Lagi silang gumagala ng magkasama, lagi silang naguusap, nakain ng tanghalian at napasok sa kanilang mga klase.

Isang araw nadulas si Charles at agad itong nasalo ni Victor, nagkatitigan sila ng biglang nag biro si Victor, "baka magustuhan mo ko nyan", "huh? Umasa ka" sagot ni Charles, nagtawanan ang dalawa at nagpatuloy papunta sa kanilang susunod na klase. Pagkatapos ng klase ay may sinabing anunsyo si G. Nelson, "magkakaroon ng iba't ibang clubs ang ating eskwelahan, umaasa ako na lahat kayo ay may sasalihan". Natuwa ng husto si Charles dahil umaasa siya na mayroong club para sa mga magagaling gumamit ng instrumento dahil siya ay may talento sa pagtugtog. Matapos ang anunsyo ni G. Nelson ay agad na tinanong ni Victor si Charles kung ano ang nais salihan ni Charles sa anunsyo ni G. Nelson. "Charles! May naiisip ka na ba na iyong sasalihan sa anunsyo ni G. Nelson?" tanong nito, "Uhmm meron na, nais ko sanang sumali sa music club", sagot nito "ahh! Mahilig ka sa pagkanta?" tanong ni Victor, "oo pero mas hilig ko ang pag tugtog" tugon ni Charles, "ikaw ba Victor ano ba ang iyong sasalihan?" tanong ni Charles, "nais ko san sumali sa art club dahil hilig ko ang pag guguhit." Sagot ni Victor, namangha si Charles sa sinabi ni Victor kaya kinulit nito si Victor upang ipakita sa kanya ang mga iginuhit ni Victor. "Patingin ako ng iyong mga guhit Victor!", "Ayaw ko nga", "Bili na!", walang nagawa si Victor kundi ipakita kay Charles ang kanyang mga iginuhit kaya naman sinama ni Victor si Charles sa kanyang bahay upang ipakita ang kanyang mga iginuhit. Pagpunta nila sa bahay ni Victor ay agad na bumungad ang mama ni Victor. "Anak sino ang iyong kasama?" tanong nito, "si Charles ma, kaibigan ko" tugon ni Victor, "Hello po tita, magandang hapon po" sabi ni Charles. Natuwa ang mama ni Victor dahil si Charles lang ang pinapuntang kaibigan ni Victor sa kanilang bahay, nakita ni Charles ang mga gawa ni Victor at namangha ng sobra, makalipas ang ilang oras na pagkwekwentuhan ay umuwi nadin si Charles, habang naglalakad si Charles pauwi ay naaalala nya ang pinag usapan nila ni Victor, hindi nya namalayan na sya ay nahuhulog na pala sa kanyang kaibigan. Nagpatuloy ang kanilang pagiging matalik na kaibigan, patuloy silang nag usap hanggang sa tuluyang mabuo ang nararamdaman ni Charles kay Victor.

Isang beses ay nag pasya si Charles na umamin kay Victor kaya poag tapos ng kanilang klase ay sinama nya si Victor sa isang lugar kung saan silang dalawa lang ang nandoon, "Victor... May sasabihin ako sayo", "ano yon Charles?", "nais ko sanang sabihin na gusto kita", "huh? Paano..?", "hindi ko din alam, bigla nalang kita nagustuhan", "pasensya ngunit kaibigan lamang ang tingin ko sa iyo.." tugon ni Victor, umalis si Victor. Simula noon ay iniwasan na ni Charles na makipag usap kay Victor, Lumipas ang ilang linggo at hindi pa rin ang uusap ang dalawa, nagkaroon ng bagong kaibigan si Victor habang si Charles naman ay nag focus sa kanyang pagtugtog. Lingid sa kaalaman ni Charles si Victor pala ay pinagmamasdan sya, kay isang araw hinila ni Victor si Charles sa banyo at tinakpan nito ang labi ni Charles, hindi na nagawang magpumiglas ni Charles, "gusto ko lang sana malaman mo na hindi ko na kayang hindi tayo mag usap dahil mahal na din kita" sabi ni Victor, dahil sa sobrang karupukan ni Charles bigla nitong niyakap si Victor at sinabing "hindi kita tinigilang mahalin". Mag mula non ay naging mag kasintahan ang dalawa.

Pag graduate ni Victor at Charles ay umamin sila sa kanilang mga magulang tungkol sa kanilang dalawa, hindi humadlang ang kanilang magulang sa pagmamahalan ng dalawa. Lumipas ang ilang taong pagsasama ni Victor at Charles, naisipan ni Victor na dalhin si Charles sa lugar kung saan umamin si Charles ng nararamdaman kay Victor. Nagtaka si Charles kung bakit sya dinala ni Victor doon ng biglang lumuhod at nag salita si Victor, " Pangako

Alam kong mahirap ang umasa
Ngunit kaya kong ipangako na hindi ka aasa
Mga bituin sa langit ay nagsi ilaw,
Ikaw ang nagsilbing linaw,

Aking puso'y napukaw
Nung ika'y dumating sa aking buhay,
Sa iyong munting sayaw
Tila ba'y nakisama ang mga dyosa sayo hanggang sa dulo ng tulay.
Pangako aking sinta
Ika'y iibigin hanggang sa aking huling hininga."

Naiyak si Charles sa tulang ginawa sa kanya ng kanyang kasintahan, "sobrang kinilig ako sa tulang iyong ginawa", "hindi mahaba ang tula na aking nagawa ngunit ang dahilan kung bakit kita dinala dito ay para tanungin ka kung nais mo ba akong pakasalan?", tugon ni Victor, nilabas nito ang singsing na kanyang hawak. Natuwa ng sobra si Charles at sinabing "oo! Papakasalan kita" tumayo si Victor upang isuot ang singsing sa kasintahan at sabay niyakap at hinalikan. 

TransfereeWhere stories live. Discover now