Tutal ako naman ang nakakita ng condo, siguro naman, okay lang sa kanya na dito ako. Mahilig talaga kasi ako sa sunset. Parang nakakakalma.

Narinig ko na  may nag-oopen ng pinto kaya pumunta na ako sa living at inabangan ko sya.

“Narda. Hi.” Sabi nya pagkakita nya sa akin. Simple lang ang pananamit nya. Tshirt, shorts and sneakers lang. Yung buhok nya nakapusod kaya ang liwanag ng mukha nya. Nakabackpack sya. Ang cute. Tapos may hawak syang laptop.

Kung saan sya nanggaling ngayong umaga, hindi ko alam.

Ngayon ko lang sya nakita nakatayo, actually. Mas –

“I’m taller than you pala.” Sabi nya.

Yun na nga.

“Konti lang kaya!” Sabi ko naman. Ay di man lang pala ako nag-hi. “Ay! Ang ibig ko sabihin, hi pala Regina.”

Pumasok sya ng pinto at nagmasid sa condo. Ngayon lang kasi nya din nakita. Nadescribe naman daw sa kanya ni Noah.

“I like it. Nice place.”

“Ahh oo. Hehe.” Ang awkward ha.

“Bale dalawa bedroom sya..” Simula ko.
Di pa ako tapos, e naglalakad na sya papunta dun sa room para tingnan ito.

“Can I get the bigger room? I think mas madami gamit ko sayo at isa pa..”

Nanlaki naman ang mga mata ko, “Wait wait wait!!” Di ko sya pinatapos.

Tapos tumingin sya sakin.

“Kinuha ko tong condo dahil sa room na yan. So baka naman, pwedeng ako na dyan?” sabi ko.

“I’ll pay more? At konti lang gamit mo oh. Ang dami kong books.” She said.

“May books din naman ako ah.”

Meron naman talaga. Pero mga tatlo lang.

Tinaasan nya ako ng kilay. Pero hindi ako magpapainda.

“At hindi ako lilipat dito kung hindi dahil sa view na yan. At nireserve talaga to ng may-ari para sakin!” pagrarason ko. “Kaya pwedeng ako na dyan?”

“Narda. I need that room!”  

“E kung para sa mga gamit mo, e di sayo na yung kalahati ng living room.” Sabi ko naman.

“Okay. Just to make you understand. We, Vanguardias need to have a connection with nature. It’s different for everyone. I need that room!” Nagtaas na sya ng boses.

Hindi naman kataka-taka kung magkapikunan kami talaga dito. Ang aga aga pa kasi. Bad trip na.

“Ha? E wala naman ka-nature nature dito sa city. E di bilhan kita ng cactus! Lagay mo dun sa kabilang room” Nagtaas na din ako ng boses.

“Ugh!! The last thing I need are plants! What I meant is the light!” Sabi nya.

“Aagawin mo pa ang sunset ko!” Sabi ko. I know, walang sense pero andyan na e.

“Wow ha.” Sabi nya. Lalo tuloy ako napikon.

“At tsaka kung kailangan mo talaga yan, bakit hindi mo man lang sinabi before, para nakapag-isip isip naman ako kung gusto ba kita isama dito?!”

“Noah told me na hindi mo kayang kunin tong condo kung ikaw lang mag-isa!”

“Kahit pa! Nakamindset na ako o. Alam mo bang nakakapikon yun?! Hindi ko naman maiisip na pilitin dito kung wala yan! At wag mo akong ma-trivia trivia ng about sa Vanguardia kasi wala ako alam. Di kita maiintindihan!! Ako na kasi dyan!”

VANGUARDIAWhere stories live. Discover now