Nasa Tric na ko pero para siyang sirang plakang paulit ulit na tumutunog sa tenga ko.
"I miss you"
"I miss you"
"I miss you"
"I miss you"
Di ko namalayan na nasa bahay na pala ako. Binuksan ko yung gate tapos pumasok na ko ng bahay.
"Oh bat parang bumagsak ang langit at lupa sayo? Nakita mo nanaman si Martin no? Sabi ko sayo papahiramin ko na ng mukha un sa aso ee" Yan ang kuya kong gwapo. Napaka over protective kong kapatid. Galit na galit siya kay martin kahit na magbarkada sila.
"Di ah! May nakita lang akong kawawang pusa. Duguan. Naawa nga ako" Jan ako magaling. Ang magsinungaling.
"Kawawa nga yung pusang un. Nakita ko din un ee. Mukhang iniwanan siya." Alam ko na kung anong patutunguhan neto.
"sa tingin mo?"
"Oo, naku, kawawang pusa. Makakahanap dun un ng pusang tutulong sakanya"
"Kuya, okay lang ako. Pramis!" LIAR!!!
"Ikaw na pusa ka, esta bata ka haha" Sabi ko na. Laking pasasalamat ko at may kapatid akong ganyan. Nginitian ko lang tapos umakyat na.
Andito na ko sa kwarto ko. Nilapag ko yung bag ko at binuksan ko yung laptop ko. Gumawa lang ako ng konting research about dun sa isang subject namin. Nagonline din ako sa messanger ko. Ang tagal ko na kasing di to binubuksan simula nung naghiwalay kami ni Martin. Nagpaka antisocial ako. Lahat ng Social networking account ko, pinagbubura ko. Biglang may nagpop up na msg sakin...............................
martindlr: Alex......
Sh*t. natulala ako sa msg niya. Di ko alam kung magrereply ba ko o hindi. Gusto ko sanang di na lang pansinin pero nagulat ako sa isa pa niyang sinabi.
martindlr: I miss you. alam kong narinig mo yung sinabi ko kanina. Gusto kitang kausapin. Gusto kitang makita ulit.
Oh sh*t talaga!! Di ko alam kung ano bang mararamdaman ko ee. Magaglit ba ko o kikiligin?
alexdlr: Martin tama na. Tapos na lahat satin. Please layuan mo na ko.
Ay mas grabeng oh sh*t talaga to!! Di ko pa pala pinapalitan ung screenname ko. Anaknalahatngmayanak!! arghhhhhh!!! Martin dela Rosa kasi yung name niya, syempre makapalmukha ko, nilagyan ko din ng dela rosa yung sakin. Oh dba?? Grabee!!
matindlr: magusap tayo bukas. please? miss na miss na kita babe.
Wala na kong balak magreply sa sinabi niya. Naglogout na ko sa msgnr ko. Tinapos ko na din yung ginagawa ko at pinatay yung laptop. Napatingin naman ako sa kama ko. Andun pa din kasi yung piglet na binigay niya sakin. Mahilig din kasi ako magcollect ng piglet, fav ko kasi un. Naalala ko pa yung time na sobrang gusto ko yung piglet na coin purse na nakita namin sa mall. Nagulat na lang ako paguwi namin bigla na lang niyang binigay yun sakin. Etooo nanaman ako.
Haaaay. Ayoko ng isipin. Ayoko na talaga. Humiga ako at pupmikit. Pumikit sa lahat ng sakit.
