CHAPTER 55 - NEW FRIEND?

Magsimula sa umpisa
                                    

*BLAG*

*BLOOGS*

"Kahapon ko pa kailangan ng punching bag, bakit ngayon lang kayo dumating?" sabi naman ni Sky sabay sipa dun sa isang member ng Chenalulu Gang

*BOOGS*

*POW*

At nagumpisa nanaman po ang gang fight daily exercise sa school namin.

Si Max, ayun at patawa tawa habang vinivideo na nakikipagupakan ang mga kasama niya. Natuto na yan sa video tactics namin.

Si Ash naman ayan na po at muli nanaman tayong papakiligin.

"Good morning Mille." sabi niya with a smile

"AYIIIIIIIIEEEEEEE!" good morning lang yan pero kung kiligin kami para kay Mille. Wagas! Ewan ko ba, kay Carse lang talaga kami irita pagdating sa lovelife. Hahaha!

"Pagpasyensyahan mo na sila." sabi ni Mille na feeling ko ngayon ay kinakabahan

"Wala lang yun. Nga pala, nag almusal na ba kayo?"

"Hindi pa!" inunahan na namin sa pagsagot si Mille, kasi naman manlalaglag yan.

"Sakto." sabi ni Ash ng nakangiti "Wait lang ha." umalis na muna siya at tinapik si Max kaya sumunod sa kanya si Max palabas. Pinabayaan lang talaga ng dalawang yun ang iba pa nilang kasama.

Agad din pumasok sina Ash at Max. Ayan at may mga dalang pagkain!!!

"WOW! Libreng foods!" sabi ni Daryll

"Kaya naman botong boto kami para sayo." sabi naman ni Lhei

"Tara na sa room?" tanong ni Max

"Alright!" sigaw namin tsaka na kami nagpuntahan sa room

Pagdating sa room, ayun at unahan kami sa pagkuha ng foods. Masarap talaga ang libre! Hohoho!

Nakita ko namang hiyang hiya ang itsura ni Mille. Nakaupo siya sa tabi ko na parang di makapaniwala sa nangyayari.

Nilapitan siya ni Ash "Are you okay?"

"Oo. Okay naman ako." sabi niya ng nakangiti

"This is for you." sabi niya sabay abot ng isang tupperware

"Girls, look!" sabi ko at nagtinginan naman silang lahat kay Mille

"Oy anu ba kayo?!" nahihiyang sabi ni Mille sa amin

"Home made?" tanong ni Jesx

"Yes, akong nagluto niyan." sabi ni Ash na halos magpanganga sa amin. Ang ganda kasi ng itsura ng pagkain, parang japanese cuisine siya, parang masakit sa puso kung kakainin mo siya kasi maaawa ka sa sobrang ganda niya.

"Salamat." sabi ni Mille na parang inakyatan ng lahat ng dugo niya sa mukha sa sobrang pula

"You're always welcome. Sana magustuhan mo ang luto ko para sayo." sabi ni Ash na halos magpakilig sa amin lahat. Masaya rin talaga ang makikilig. Haha!

"Ito bang sa amin niluto mo rin?" tanong ni Carse

"Ah hindi. Yung kay Mille lang. Binili ko lang yan." medyo natatawa pa si Ash sa pagsagot niya nun sa amin

"Ai wala! Si Mille na talagang loooooooooooong hair!" sabi ni Lhei

Habang sa kasarapan ng pagkain ko, bigla nalang akong muntikang masamid ng makita ko si Cliff na papasok na sa room.

Nakakainit naman ng ulo! Buti nalang talaga at may libreng foods.

Nagkatinginan kami pero agad din kaming umiwas ng tingin sa isa't isa. Alam niyo ba ang mas nakakagalit? Yun yung parang wala naman sa kanya yung nangyari kahapon. Akala ko pa naman yung tipong sa mag koreanovela na napapanood ko na hahabulin ka nung lalaki tapos magmamakaawa siya sayo na patawarin mo siya, pero hindi ka pala kasi koreanovela ang buhay. *sigh*

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon