Nakapulupot lamang ang kamay ni Alexis sa bewang ng kaniyang kaibigan at nakangiti itong kinakantahan ang dalagang si Astrid.



Samantalang si Astrid naman ay pinulupot nito ang kaniyang kamay sa leeg ni Alexis habang matamis na nakangiti.




Kulang na lamang ay magdikit na ang mukha nila dahil sa maliit na espasyo nalang ang namamagitan sa kanilang dalawa.




Binitaw ni Alexis ang isang kamay nito upang ayusin ang hibla ng buhok ni Astrid at inilagay ito sa likod ng kaniyang tenga.




Nakatitig lamang lamang ang dalaga kay Alexis habang ginagawa ito.




Hindi kasi nito alam kung ano magiging reaksyon niya sa galaw na ipinapakita ngayon ng kaniyang kaibigan.




Take my hand
And gently close your eyes so you could understand
That there's no greater love tonight than what I've for you
Well, if you feel the same way for me, then let go


Napapikit si Astrid at  tsaka sumandal sa balikat ng kaniyang kaibigan para damahin ang pagkanta nito.




Biro lamang ni Astrid na pangit ang boses ng kaibigan noong nag volunteer ito sa pag kanta.



Sa katunayan nga ay gustong-gusto nito kung paano siya haranahin ng kaibigan minsan.




Ganiyan lang talaga ka sweet ang kaniyang kaibigan kaya alam niyang wala itong malisya.



Sa kaniyang pananaw ay normal lamang na gawain ng magkaibigan iyon minsan. Wala namang mali roon.


We can journey to a garden no one knows
Life is short, my darling, tell me that you love me
So we can fade into the night, and you'll know



Hindi parin  tumitigil ang magkaibigan sa pagsayaw  kahit natapos na ang tugtog na pinapakinggan at sinasabayan nila.



"I love you, Astrid." Mahinang sabi ni Alexis sapat na upang marinig ng kaniyang kaibigan.


Agad naman siyang hinarap ni Astrid at ngumiti ng matamis. "I love you too, Lexi."  Astrid said and she kissed her beat friend's lips.



Smack lamang iyon ngunit halos mapa talon na sa saya si Alexis.



Kumalas na ang dalaga at nagtungo sa bench upang uminom nang tubig.



Habang ang dalagang si Alexis naman ay sapo sapo ang kaniyang dibdib dahil sa pagbilis ng tibok non.


"Sinusundo na yata ako ni San Pedro." Tanging nasabi na lamang nito habang parang tangang nakangiti sa kawalan.


MA. ALEXIS PENELOPE


Narito parin kami sa gymnasium, nakaupo ako rito sa sahig. Habang si Astrid naman ay nakaunan sa hita ko, napagod kase ang mahal ko.



Pero hindi ko parin mapigilang hindi mapangiti dahil sa pag bigay nito ng smack kiss saakin kanina.



Kung sakaniya normal lang iyon, para saakin may malisya iyon!



"Alexis.." pagtawag nito saakin, kaya agad naman akong yumuko para tignan ito.



Hinahaplos ko ang buhok nito.



"Uhm?" Kunot noong tanong ko rito.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now