Hindi niya na hinintay ang magiging sagot ko. Pinaglingkis niya ang mga daliri namin at dinala ko kwarto.

Binitawan niya ang kamay ko at na-miss ko agad ang init 'nun. My dinukot siyang susi sa bulsa at binuksan ang isang drawer sa ilalim ng study table. Nilabas niya mula doon ang itim na laptop at USB.

Inilipag niya ang mga iyon sa study table at mina-ne-obra. Umilaw ang laptop at dahan-dahang umangat ang tingin niya sa akin. Hindi pa man siya nagsasalita ay lumapit ako sa kanya. Agad siyang tumuwid ng tayo at umatras para makahakbang ako sa harap ng laptop. Doon niya sinalpak ang USB.

"Tingnan mo ang laman ng USB,"

Sinunod ko siya at tumambad sa akin ang napakaraming folders. Nangunot ang noo ko sa mga pangalan ng folders.

'Alliana Bautista'

'Anastasia Asunscion'

'Analiza Rodriguez'

'Alyza Billones'

'Brenda Lyn Perez'

'Bena Lou Carlos'

'Blaire Evangelio'

Ang dami. May iilan pa sa baba. Iba't-ibang pangalan na nag-uumpisa mula A to Z. Sa tantya ko, mga nasa lampas 30 siguro lahat iyon.

Nanginig ang mga labi ko. Maluha-luha kong tinitigan si Lucas. "Hindi..." Napatabon ako ng bibig. Malambot lang ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ko ang folder... at tama nga ang hinala ko. Pinindot ko ang video at nag-play ang video record ng pang-hahalay ni Ronald sa isang babae.

Nagwawala ang babae pero hawak niya sa kamay habang nakapatong sa ibabaw nito. Nawasak ang puso ko sa mga hikbi at sigaw. Humihingi siya ng tulong at nagmamakaawang tumigil na si Ronald.

Mabilis na sinara ni Lucas ang laptop. Nanatili akong nakatulala. Hinayaan lang ako ni Lucas at nanatili sa tabi ko. Hindi niya ako hinawakan pero ramdam ko ang mainit na yakap ng kanyang presensya.

Nilingon ko siya. Buong katawan ko nanginginig sa takot, awa... galit. I had never been this angry before. I was so angry to the point that it brought calmness.

Magbabayad sila sa mga ginawa nila.

"Kailangan na 'ting ipakulong s-silang lahat. L-lahat ng barkada ni Ronald..." Hinawakan ko ang braso ni Lucas. Hindi ko alam bakit sa kanya ako nagmamakaawa. Siguro dahil siya lang ang may kapasidad at kapangyarihan para mapagbayaran nila Ronald ang kahayupan nila sa kanilang biktima.

Masama ba akong tao kung nawala bigla ang bigat sa loob ko na hanggang ngayon ay kritikal at hindi pa gumigising ang mga hayop na 'yun? Masama ba akong tao kung hilingin ko na na sana ay hindi na muling magising si Ronald? Na kulang pa ang pagsaksak ko kay Andy?

Alam kong may kasamaan sila sa puso, lahat naman tayo, hindi ko lang inaasahan na ganoon kadilim at ganoon siya kahayop.

Kung hindi ko ito maisasawalat, hindi ako patutulogin ng konsensya ko.

Hinawakan ni Lucas ang leeg ko at pinatingala sa kanya. "I already hired a legal team for this," mahinahon niyang saad. Pinunasan niya ang luha kong pumapatak. "They're the best in their fields. It's good that I became involved in this. This is the opening that we need to expose all his crimes,"

My heart is aching for all the victims of rape. Siguradong lahat sila ay kolehiyo pa. Kolehiyong may mga pangarap tapos bigla lang wawasakin ng mga taong katulad ni Ronald.

Nanginig ang labi ko. Hinawakan ko ang braso niya. "Salamat Lucas," hikbi ko. "Kung hindi ka dumating s-siguro..." nanlabo ang mga tingin ko sa luhang umaagos sa mata.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now