Rapist si Ronald. Siguradong pati na ang mga barkada niya. Humahapdi na ang braso ko sa pagbaon ng kanyang kuko sa balat ko.

"Bitawan mo ako!" Pumiglas at nagsusumigaw ko. Natahimik ang buong unit pero walang ni isang nagtangkang ipagtanggol ako o pigilan si Ronald.

"Pag hindi ka tumahimik makakatikim ka sa akin," banta ni Ronald.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Ronald?!" pakiusap ko at buong lakas siyang tinulak siya palayo.

Napaatras siya at mabilis kong sinunggaban ang oportunidad na tumakbo palayo. Sa isang iglap ay nahablot ni Ronald ang akin buhok. The grip and force of his hand feels like his tearing away my hair from the scalp. Tuluyang tumulo ang mga luha ko sa hapdi at sakit.

Marahas niyang sinalampak ang ulo ko sa pader. Bahagyang nandilim ang hininga ko at sa lakas ng pagkakabunggo ay bumigay ang aking tuhod. The impact constricted my lungs, hindi ako makahinga ng maayos.

"Tinatanong mo bakit ko ginawa ito?" marahas niyang bulong sa tenga ko. Hindi ko magawang ihiwalay ang ulo sa pader dahil mahigpit niya itong idinidiin. "Because I know you're going to be a good fucking whore!" sabay halakhak niya.

"Ronald..." hagulhol ko.

"What Vittoria?" he mocked my tone. Nilamon na siya ng droga. May puting pulbura pa na naiwan sa ilong niya. Ronald is possessed and he is beyond rational judgement.

"Si Macey?" bulong ko.

"Ohh..." nanunuya niyang nguso. "Don't cry baby girl." Pinahid niya ang pumatak kong mga luha nanggagalaiti kong iniwas ang mukha sa kanya.

"Wag mo akong hahawakan!" sigaw ko. "Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ko sa mga taong nakatayo sa paligid. Nang magtama ang mga mata namin ay iniwas lang nila ang tingin at tumalikod.

Jesus Christ. Tao pa ba ang mga nandito?

Malakas na humalakhak si Ronald. "Tingin mo tutulungan ka nila? They're scared of my Dad, whore. Congressman Villafuerte will do anything for his only son," marahas niyang bulong.

Muli niya akong kinaladkad habang hawak ang buhok ko. Nadaanan ko si Drew at imbes tulungan ay nakakaloko lang siya sa aking ngumisi.

"Pagkatapos mo d'yan bro ako naman. Let me taste her. Everybody's hook up with you Vittoria, let's see if that pussy really is delicious,"

"Sure." Sumaludo pa si Ronald sa kanya.

Napatakip ang isang kong kamay sa bunganga. Naduduwal ako sa pinaggagawa nila. Paano nilang naaatim ang ganitong gawain? Lalo na sa isang babaeng walang kalaban-laban?

"Gusto mong makita si Macey?" tanong niya. Napahawak ako sa kamay niyang nakasabunot sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko sa luhang umaagos.

Halos hindi na ako makalakad ng maayos. Guyod-guyod niya na lang ako sa paghawak sa ulo. Huminto kami sa isang pinto at sinipa niya itong binuksan.

Humantad sa amin si Andy na kinukubabawan si Macey. Nakasuot pa silang dalawa ng damit pero ang kamay at labi ni Andy ay naglalakbay sa buong katawan ng tulog na si Macey.

Humagulhol ako ng iyak at buong pwersang sinugod silang dalawa. Tinulak ko si Andy palayo sa katawan ni Macey. Niyugyog ko ang katawan niya. "Macey! Macey gising!" alog ko sa kanyang balikat.

Umungol lang siya pero nanatiling parang lantang gulay ang katawan.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko kay Andy na ngayon ay nanggagalaiti ng nakatingin sa akin. Katulad din ng kay Ronald ang mukha niya. His eyes are bloodshot.

"Macey..." makaawa ko at tinapik-tapik ang pisngi. Anong pinainom nila kay Macey? Sigurado akong ginamitan nila siya ng droga.

Ungol lang uli ang sagot niya. Nag-umpisang naglakad si Andy palapit sa akin. Hindi ko kayang makalabas dito. Nakaharang si Ronald sa pintuan at hindi ko pwedeng iwan si Macey.

Sweet Vittoria ReignsWhere stories live. Discover now