Hindi na ako napag protesta ng bigla syang tumalon sa tubig. Nahihiya man ay hinubad ko na rin ang T-shirt at Maong shorts ko.






I was left with Red One Peice Swimsuit. Tumalon rin ako at lumangoy palapit sakanya bago kumapit sa leeg nya.






"Malamig no?" Naghilamos sya bago hawakan ang bewang ko.






"Oo, pero masarap sa pakiramdam--" napatigil akong magsalita ng mapansin kong nakatitig lang ito saakin.






"B-bakit?" Naiilang na sagot ko. I don't know how to act.





Ngayon lang kami ulit nagkalapit ng ganito na hindi nagtatawanan o naglolokohan.






Bigla itong lumapit halos mag dikit na ang labi namin kaya napaatras ako at napakalas sakanya.






No. Hindi pwede. I can't let her do that.







Magkaibigan kami hindi ba?







"B-bumalik na tayo sa cabin..nilalamig na ako" Sambit ko at lumangoy palapit sa bangka at iniwan siya roong nakatulala.






Hindi sa naga assume. Pero ito ang nararamdaman ko, may gusto siya saakin?







Kaya ba ganon siya ka clingy saakin dahil may gusto siya?






Anong gagawin ko? I confront siya? Palayuin o ako mismo ang lalayo?





Hindi naman sa ayaw ko sakaniya. Hindi rin ako nandidiri kung baliko man siya.




Ang issue rito ay magkaibigan kami, hindi niya ba alam iyon? Hindi siya pwedeng mahulog saakin dahil magkaibigan kami.



MA. ALEXIS PENELOPE




Medyo kababalik lang namin sa Cabin, nasa banyo kase si Astrid pinauna ko na itong maligo baka magkasakit eh.





Abala akong tinititigan ang bracelet na nakasuot sa aking pala pulsohan, agad naman akong napangiti. Ang ganda kase talaga, kinikilig pa ako dahil couple kami ng bracelet ni Astrid.






Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ko chineck ang Instagram account ko, ang daming nag heart sa pinost kong pictures namin ni Astrid.






Nagbasa naman ako ng mga comments.




@Hambur_Jade
Aba! May pa couple bracelet ang mga ferson!




@callmeamara.
Label muna bago couple bracelet.





@PresidentZiiii
Kaya pala hindi kayo pumapasok, nauna na pala kayong nagbakasyon.






At marami-rami pang kalokohan ang kinomment ng mga kaibigan ko, ang titino nila grabe.





Linapag ko nalang ang cellphone ko, narinig ko naman ang pagpihit ng doorknob galing sa banyo kaya napalingon ako rito.





Iniluwa nito ang katatapos lang maligo na si Astrid, napatingin ito sa gawi ko kaya binigyan ko ito ng matamis na ngiti. Sinuklian lang nito ang ngiti ko ng pilit na ngiti?





May nagawa ba akong masama? Kanina rin kasi ay halos hindi sya magpahawak sakin nung pabalik na kami sa cabin.






"Ayos ka lamg ba, Astrid? May masakit ba sayo?" Nag aalala kong sambit at lumapit sakanya. Akma ko itong hahawakan sa noo ngunit lumayo sya.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now