Nagsitayuan na ang lahat at kumilos. Paakyat kami sa HB Hall ng magsalita si Crizy. "Ria parang kinakabahan ako." Salita nya at humawak sa kamay ko. "Hindi naman siguro tayo bubulyawan ni Ms. Veloscio. Saka wala lalong mangyayari kung hindi natin susubukan." Tugon ni Roux. Parang ayaw ng umakyat ni Crizy.


"Halika na! Okay lang yan. Kaya natin to! Basta isang team tayo." Hinikayat ko sya paakyat. "Sige na nga!" Ngumiti na si Crizy. "Tara na!" Hinawakan ni Roux ang kamay ko. Ikinagulat ko ang ginawa nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ng magtama ang mga tingin namin sa isa't isa. "Okay ka lang ba? Tayo na!" Sambit nya.


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Baket ganto ang nararamdaman ko parang may mga kabayo na naguunahan sa dibdib ko? Anak naman ng tinapa oh! Baket ganto nararamdaman ko.Umakyat na kami nakarating kami sa 3rd floor ng HB Hall. Pumunta kami sa room 302. "Excuse me! Miss nandito ba si Ms. Veloscio?" Tanong ni Roux sa babaeng nagsasalamin sa may pinto. "Anong kelangan nyo?" Tanong nya at lumingon samin.


"Gusto sana naming makausap si Ms. Velscio. Galing kami sa open high. Importante lang." Saad ko sa malambing na boses. "Ay ganun ba? Antayin nyo na lang sya bumaba sya saglit eh." Sabi nya.


Inantay namin si Ms. Veloscio sa tapat ng kanilang pinto. Nasa hallway kami ng may malanding boses akong narinig. Nakakairita talaga ang boses neto eh. Iniipit pilit, pabebe! "Tignan nyo nga naman kung sino ang nahagip ng mata ko. Yung feelingerang maganda na kaibigan ng BOYFRIEND KO!" Diniin pa ang boyfriend.


Hindi ko sya pinansin may problema pa kami at ayaw ko ng gulo. Ngunit hindi ata marunong makaramdam ang impaktang to. Sa sobrang pampam nya hindi sya titigil hanggat hindi sya pinapatulan.


"HOY RIA! Alam mo ang sakit mo sa mata!" Sigaw nya dahilan para makahatak sya ng atensyon. Ako? Deadma! Wa pakels ako sa kanya. Pero hindi ata to magpapatinag, Matigas talaga ang muka.


"Bingi ka ba? O napapahiya ka na? Bat ka ba naging friend ng BOYFRIEND ko? Eh! Ang flat chested mo na nga payatot ka pa ang lake pa ng salamin mo." Sabi nya habang naglalakad palapit samin. Akmang susugod na si Crizy pero pinigilan ko sya.


"Aerin! Wala akong oras makinig sa mga papuri mo. Marami kaming kelangan gawin. Kung gusto mo magset ka ng meeting sa assistant kong si KC para sa mga papuri mo. Tutal boyfriend mo sya baka magka free pass ka." Sabi ko na nang aasar. Iiwas na sana kami ng hinawakan nya ko."Ang kapal mo naman para sabihin na assistant mo lang ang boyfriend ko. Panget ka naman!" Sabi nya sa pinakamaarte nyang boses. Aba! Sagad ka na ah! Hindi mo ba alam close kami ni satan.


"Baket ba kelangan kong maging maganda para maging kaibigan ni KC? Hindi naman ako nag aapply na girlfriend. Saka ano naman kung alalay ko lang si KC hindi mo ba tanggap pang alalay lang ang beauty mo?" Nangaasar kong sabi sa kanya. Tatalikod na sana ko kaso hindi nga pala ko pwedeng umalis kasi si Ma'am Veloscio ang sadya namin hindi sya.


"Layuan mo na si KC ko! Hindi ka bagay maging friend nya panget ka." Saad nya. Nginitian ko sya at lumapit ako sa kanya. "Matakot ka kapag naging maganda ako lahat ng sayo baka maging akin. Pero don't worry titirahan naman kita yung mga patapon nga lang kagaya ng mga kasama mo ngayon." Sasampalin nya sana ko ng...


Pinigilan ni Roux ang kamay nya. "Wag kang magkamaling hawakan kahit dulo ng daliri ni Ria o wag kang magsubok na dumampi yang kamay mo sa balat ni Ria at ako ang makakalaban mo." Nagsmirk si Roux at nagsalita muli. "Wala akong pake kong girlfriend ka ng bestfriend ko. Saktan mo si Ria at ng masira lahat ng pangarap mo." Binitawan ni Roux si Aerin.

The Story Of Us || Young Love Book 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें