Chapter 1: Looks can be deceiving

Magsimula sa umpisa
                                    


Naging magkaklase kami nitong summer sa isang subject. Tingnan niyo, pangit yung kapalaran naming dalawa. Hindi kami meant to be. Ilang buwan yung lumipas bago ko siya makita! Hindi kasi nag kukrus literal yung landas naming dalawa. Pero nung unang kita ko pa lang sa kanya.. bumigay na ko. Dun na ko nagsimulang maniwala sa mga sabi–sabi nila! Gwapo naman kasi talaga at mukhang mabait! Ang tahimik niya lang tuwing class namin. Nasa itsura niya rin na parang ang talino niya at alam niyo yun. Boy next-door, boyfriend material. Dun ko siya naging 'crush'.


Gentleman, gwapo, magaling magbasketball, mabait at mayaman daw siya. Eto na naman. Tuwing sinasabi ko yung linyang yun feeling ko nagsisinungaling ako e. Hay nako. Sino nga namang bang babae ang hindi magkakagusto sa ganung tao diba? Pero kahit na isang beses hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkausap. Kaya ayan nalinlang ako.


Pwera nga lang ngayon araw na to. Hindi ko na hahayaang maloko pa ko!


Mabait? Anong pinagsasabi nilang mabait?! Gentleman? Okay lang sila? Tiningnan niya nga lang yung libro kong nahulog eh! Ganun ba umasta ang isang gentleman? Tanggap ko sana kung walang kwentang tao yung nakabangga ko eh. Pero ang tsismis dito sa campus puro magaganda yung sinasabi tungkol sa kanya, kesyo daw mabait siya at gentleman! Diyos ko 'no! Alam ba nila yung pinagsasabi nila? Alam ba nila meaning nun?


Baka naman ibang Peter Lo yun? O di kaya maling tsismis yung nakarating sa akin? Niloloko ba nila ako? Ano naman bang mapapala nila pagsinabi nila saking mabait, gwapo, gentleman at magaling siyang magbasketball? Sa tingin nila makikipag kompitensya ako sa kanila sa pag hahabol dyan sa lalaking yan?? Mabuti sana kung si Piolo Pascual siya o kaya si John Lloyd.  Pero, hello? Si Peter Lo.


Nako, grabe talaga! Buti na lang at hindi ako nagkagusto sa kanya—fine, oo na. Nagkagusto nga ako sa kanya dati. Nakakahiya ako! Bakit ba ako nagkagusto sa ganung klaseng lalaki? Utu-uto nga kasi ako! Tuwing nakikita ko pa naman din siya noon ay parang laging nag slow motion yung paligid namin. Hay, masyado akong nadala sa tsismis.


Naging kaklase ko pa naman din siya noon! Bakit hindi ko nalaman ng mas maaga na pangit ugali niya?? Buti na lang at hindi ko pa siya pinapatayuan ng rebulto sa kwarto ko! Mabuti na lang at hindi pa ko umaabot sa point na sinasamba ko na siya.


Sabi nga nila 'looks can be deceiving'. 


Nung dumating na yung magaling kong kaibigan. Dumaan kami saglit sa mall dahil may binili siya. Nilibre niya rin ako ng makakain. Hindi ko na lang kinuwento sa kanya yung mga nangyari kanina. Matanong 'tong babaeng to. Hahaba lang yung storya pag ganun! Kaya Yumi, relax.


"Yumi! Wala ka ba talagang balak mag ka-boyfriend?" bigla niyang tinanong sa akin.


"Ano ka ba Mariel. Grade six pa lang tayo kilala mo na ko. Alam mo naman siguro yung mga pinag daanan ko diba?"


"Oo nga pala. Malas kasi yung Paolo na yun eh! Anong karapatan niyang iwanan ka at bumalik sa ex niya? Pa-fall! Cute lang siya no! Pasalamat na lang siya at pinatulan mo pa siya no!"


"Para naman kasing ang ganda ko 'no!" sabi ko sa kanya, "Pabayaan mo na lang yun. Tagal na rin naman nun eh."

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon