Pag-ibig sa Libro

21 3 0
                                    

Ako'y abala sa pagsusulat ng libro nang pumasok sa silid ang aking asawa.

“Hindi ka pa ba tapos dyan, mahal ko?" Bulong nya na tila nababagot na.

“Hindi pa. Madami-dami pa ito.” Sabi ko naman sa kanya.

Lumapit sya sa akin saka tinignan ang sinusulat ko

“Kwentong pag-ibig.” Sabi nya saka ngumisi. "Batid kong papatayin mo ang mga bida dyan, Haliya. Huwag mong paasahin ang iyong mga mambabasa."

“Hoy! Hindi kaya!” Naiiritang sabi ko ngunit imbes na lumayo ay naramdaman ko syang itinali ang aking buhok saka ipinatong ang ulo sa aking balikat.

"Kailangan ko din ng lambing mo, Mahal ko." 

“Ybrahim, huwag ngayon." Sinubukan ko syang pigilan ngunit hinapit nya ako papalapit sa kanya.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo, Haliya. Hindi ka pa kumain." Paalala nito sa akin.

"Galit ka ba?" Mahinang tanong ko.

"Hindi ako galit, mahal ko. Nag-aalala lang ako sa'yo. Batid kong ang ginagawa mo ay para sa trabaho ngunit sobra sobra naman. Wala ka nang oras para sa sarili mo." Bilin nya sa akin.

"Halika na, magtungo na tayo sa ating silid. Bukas mo na ito tapusin hmm?" Sabi nya bago isinara ang laptop ko.

"Tignan mo nga naman, kung hindi pa kita pinilit ay hindi ka pa titigil." Sabi nya sa akin.

"Paumanhin. Hindi ko lang namalayan." Hingi ko ng tawad. Tama naman sya. Sa dinami-dami ng bagay na malilumutan, pag-aalaga pa sa sarili.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Halika nga dito." Sabi nya saka ako hinigit para sa isang mahigpit na yakap.

Nakahiga kami ngayon sa aming kama.

“Eccorei diu." Sabi ko bago sya hinalikan.

"Mahal na mahal din kita, Haliya." Sagot nya naman bago tinakpan ng kumot ang aming katawan.

Nagising ako dahil sa masangsang na amoy na galing kusina.

Agad akong nagtungo doon at naabutan ko ang aking asawa.

Tinignan ko ang kanyang niluluto. Nakakasuka ang amoy.

Halos talunin ko na ang Daan patungo sa lababo.

Tumakbo naman si Ybrahim palapit sa akin saka marahang hinahaplos ang aking likod. "Ayos ka lang ba mahal ko? Nais mo bang dalhin kita sa hospital?"

Kita mo ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"A-ayos lang ako. Masama lang ang aking pakiramdam." Sagot ko naman sa kanya. Ayaw kong lubos syang nag-aalala.

"Huwag ka nang masyadong magpuyat." Babala at muling paalala nya sa akin sa isang nag-aalalang tono. "Kain na tayo?"

"Paumanhin, mahal ko, ngunit hindi ko nais ang pagkain." Tapat kong sinabi sa kanya

Tatayo na sana ako upang magtimpla ng gatas ngunit nakaramdam ako ng matinding hilo.

Napahawak na lang ako sa mesa

"Tanakreshna!" Rinig kong sabi nya. Ramdam ko rin ang pagbuhat nya sa akin habang ako'y unti-unting kinakain ng dilim.

"Ybrahim." Tawag ko sa kanya.

Napatayo naman agad sya mula sa pagkakaupo. Hinawakan nya naman ang aking kamay. "Maayos na ba ang iyong pakiramdam, aking Haliya?"

"Gising ka na." Saad ng doktor at ngumiti.

"Dok, maayos po ba ang aking kabiyak? May sakit ho ba sya?" Tanong agad ng asawa ko sa kakarating lang na doktor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SarkosiWhere stories live. Discover now