Kainis talaga ang babaeng ito, akala ko talaga-- hays.


•••••


Sino naman kaya ang sinasabi nitong makakahalikan n'ya kuno sa panaginip n'ya. Sinong crush n'ya kaya 'yon.



Bat' curious ka? Selos ka ba? Sagot ng isip ko. Siraulo, curious lang ako kase 'di naman pala kwento si Akexis kung sino nagugostuhan nito.





Para tuloy akong tanga na nakikipag-talo sa isip ko, hays! Makaligo na nga.



MA. ALEXIS PENELOPE


Nakakainis talaga! Kikiss na ako ni Astrid sa panaginip ko kanina huhu! Humiga ako sa kama at nagpagulong-gulong.




Nang mapagod akong magpagulong-gulong sa kama ay bumangon na ako, luminga-linga ako para hanapin si Astrid.





Saan na naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?





Agad naman nasagot ang tanong sa isip ko, dahil narinig ko ang pagtulo ng tubig sa banyo. Naliligo na pala s'ya kaya naman namili na ako ng masusuot, kapag natapos s'ya ako naman ang susunod maligo.






Umupo na muna ulit ako sa kama at tumulala, tagal pa naman maligo ng babaeng 'yon.





Kulang nalang matanggal na kutis n'ya kase sobra kung maglinis ng katawan 'yon.




Narinig ko ang pagbukas at pag sarado ng pinto sa banyo, tapos na siguro s'ya. Naglakad ito sa harap ko kaya naman sinundan ko ito ng tingin.





Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan nito, ang kinis talaga ng babaeng 'to. Mahihiya na ang mga dumi na dumikit dito.






Makinis na sexy pa, maganda ang hubog ng katawan ni Astrid. Kaya maraming nagkakandarapang lalaki sa babaeng 'to. Sus katawan nga lang ang habol nila e, lalaki momintz.





Nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla ako nitong tinawag.




"Alexis paki kabit nga ng bra ko, hindi ko maabot e." Saad nito habang nakatalikod saakin.





Ikakabit? Gags! Kahit kinakabahan ay tumayo na ako at lumapit sa likuran nito.





Nanginginig kong hinawakan ang lock-an ng bra nito, kalma Alexis, ikabit mo lang saglit kaya h'wag kang manginig!





"Sa pinakauna mo i-lock ah." Utos nito





Huminga muna ako ng malalim tsaka ko na ito linock, pagkatapos kong i-lock ay tinungo ko na ang banyo. Success





Sinimulan ko nang linisan ang katawan ko, para mapakalma ko na ang sarili ko. Lakas talaga epekto ni Astrid sa'kin, iba na yata 'to.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now