Chapter 5

10 1 0
                                    

Nakauwi kami ng hindi nakakabalik si Papa, nakakapagtampo dahil yong unang lalaking pinapahalagan ko, hindi ko maramdaman kung kami pa ba ang inuuna niya o may iba na?

Ayaw kung isipin yon pero hindi naman ako manhid, lalo na siguro si mama kung anong nangyayari sa tatay ko.

Ang sabi nila dapat kapag nagmamahal ka meron ang pundasyong ito para magtagal ang relasyon niyo.

Love. . .

Trust. . .

Patience. . .

Faithfulness. . .

and. . .

care.

Pero kahit na meron yan bakit kailangan paring magloko?

Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao bakit siya pa ang kasama ko ngayon at naka-saksi sa problema ng pamilya ko?

Yong taong makulit at mahangin, siya pa ang kasama ko ngayon sa panahong kailangan ko ng masasandalan.

"Alam kong mawawala din ang problemang pinapasan mo ngayon"aniya habang nakaupo kami sa labas ng bahay ni tita

Kahahatid niya lang sakin pero hindi parin siya bumabalik ng bahay nila at piniling samahan muna ako.

"Salamat"nakayuko ngunit sincere na pagkakasabi ko "Sanay na akong nag-aaway sila..p-pero hindi ko matatanggap kung may ibang babae si papa"nangilid ang luha ko

I slowly stamp my feet to divert my attention para hindi bumagsak ang aking luha.

He cleared his throat "Ladies and gentlemen please around of applause for Daniel Padilla" nagtataka akong tumingin sa kanya.

Tumayo siya sa harap ko "Tenenew tenew" umpisa niya na parang nag g-gitara

Pinipigilan kong matawa "Adik sayo..Adik sa akin...tila sawa na saking mga kwentong marathon"

'Parang tanga'

"HAHAHAHAHA...T-tama na parang inipit na ibon yong boses mo"napahawak ako sa tiyan dahil sa pagtawa

Naupo siya "Grabe ka naman hahaha libre lang 'yon. May Daniel Padilla na kumakanta sa harapan mo"confident pa sya ha.

"Mahihiya si Daniel kapag narinig niya yong boses mo"

"Oo, baka mag back out siya at ako ang ipapalit sa concert niya sa araneta"taas noong sambit niya

"Grabe! Taas ng bilib sa sarili"umiling na sambit ko

"Syempre, wala nang ibang tataas sa sarili ko kundi ako lang hahahaha"tugon niya

umiling ako't hindi makapaniwala "Sabagay"

Hindi na nagtagal ay nagpaalam na siyang uuwi. Ganon din ako, pumasok na ako't naligo. Dahil maya-maya ay magigising na sila.

Lumipas ang mga araw at buwan na hindi ko namamalayan. Nakapag enrol nako sa University of Southern Mindanao halos 30 minutes ang byahe pero okay lang basta makapag tapos ako ng pag-aaral.

Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha kong course. Matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng CPA title kaya sisimulan ko na ngayon.

"Good morning, Auntie. Naayos ko na ho ang schedule ko. Monday to Wednesday po ang klase ko kaya may araw po na hindi ko mababantayan si Grae."paliwanag ko. Nakuha ko na kasi ang schedule at ID ko handa na ako para bukas.

"Okay lang, hindi ka iba samin..mag-aaral ka nang mabuti Denise. Kaya ko pang alagaan si Grae"nakangiting aniya. Nahihiya man ako pero ngumiti nalang ako't nagpasalamat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love at First Sight Where stories live. Discover now