ASTRID KEITH JONES


Kinapa-kapa ko sa may gilid ko kung may katabi pa ako pero wala akong nakapa, saan na naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?



Kinuha ko ang cellphone ko para icheck kung anong oras na.




Ang aga pa pala, kaaga naman magising ang babaeng 'yon.




Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para gawin ang aking morning routine, nang matapos ay lumabas na ako ng silid ni Alexis.





Pababa palang sana ako agad akong natigil dahil nakita ko ito na nagluluto sa kusina, tanaw kase mula dito sa kinakatayuan ko kung ano ang ginagawa nito sa kusina.





Tumigil muna ako sa pag hakbang para pagmasdan ito, kaya pala maaga nagising dahil magluluto pala. Napangiti naman ako dahil kumakanta ito na may kasama pang sayaw.





Ang likot talaga ng babaeng 'to baka mamaya mapaso pa ito sa kalikutan e.




Pinatay na nito ang kalan, tapos na siguro s'ya magluto. Agad naman itong lumabas ng kusina at nagtungo sa labas, hindi yata ako napansin. Hmp




Pagkalabas nito ay agad kong tinungo ang kusina, ano kayang linuto n'ya? Binuksan ko ang kaserola para malaman kung ano ba ang linuto n'ya, chicken curry pala. Hmm ang bango





Kumuha ako nang bowl tsaka nagsandok ng ulam at linapag ito sa mesa, kumuha na rin ako ng dalawang plato at kubyertos. Pinagtimpla ko na rin ito ng gatas, ayaw kase non sa kape.





Kabaligtaran ng akin mas prefer ko ang black coffee.





Pagkatapos kong iset ang mga pagkain ay lumabas na ako para tawagin ito, ayon nasa may bakuran pala nagdidilig.





"Alexis! Good morning." Masiglang bati ko rito, agad naman ako nitong hinarap at ngumiti.





"Good morning, mahaaal! Kanina ka pa d'yan?"





"Kadadating ko lang, halina't kumain na tayo. Hindi mo ako ginising edi sana natulungan kitang magluto." Nakangusong wika ko





"Eh ang sarap pa ng tulog mo eh kaya hindi na kita ginising." Napangiti naman ako sa sinabi nito.





Tumalikod ito at pumitas ng bulaklak, tsaka muli akong hinarap na may ngiti sa labi.




"For you mahal oh." Nakangiting inabot nito saakin ang bulaklak na pinitas nito.




Mula junior kami hanggang ngayon, ugali niya parin mag bigay ng bulaklak.




"Lagot ka nagpitas ka sa halaman ni tita, tatadyakan ka non. Pero thank you" natawa lang ito sa sinabi ko, pumasok na kami at tinungo ang kusina.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now