Ikawalong Kabanata

Depuis le début
                                    

"Sus osige na iend call ko na at magpprepare na ako ng sarili, pahinga ka na ha? I love you teptep"

"Magiingat ka palagi, loveyoumost jiji ko!" Wika niya sabay endcall.

------

"Good Morning Manang Estela, pinapapunta po ako rito ni Ms. Irene gising na po ba siya?" Wika ko ng labasin ako ni Manang nang magdoorbell ako sa bahay nila Ms.

"Maganda Umaga hija, maagang nagising si Ma'am at nagbake para sayo. Halika at pasok na tayo"

Sinundan ko si Manang hanggang makapasok kami, ito ang pangalawang beses ko na makapunta rito pero namamangha parin ako sa ganda ng bahay nila.

"Lily! Good Morning!" Rinig kong malakas na boses, lumingon ako at nakita si Ms. Na tumatakbo palapit sa akin.

Agad niya akong niyakap at mukhang tuwang tuwa siya

"Im glad na pumunta ka, I bake some cookies and macarons"

"Naks naman Ms sexy mo ah kaya pala baliw na baliw si Sir Greggy sayo" natatawang wika ko, paano ba naman kasi eh nakablack sando siya at white short shorts.

"Bolera, tara na nga" sabay hila niya sa akin patungong kusina.

"Ano bang gagawin natin Ms at pinapunta mo ako rito?"

"Wala lang, gusto ko lang"

Wow, lakas ng trip ni Ms.

"Asan po si Sir Greggy?"

"Nako, pumasok sa company yun. Nagb-busybusyhan ang lolo mo"

"Ikaw rin naman lola ah, mukhang busyng busy ka diyan" biro ko sabay tawa, hinampas niya naman ako.

Luh kung tatawa, tawa lang walang hampasan.

"Try this, careful mainit pa" wika niya at inilapag sa mesa ang platitong naglalaman ng cookies

Dahan dahan ko naman hinati ang cookie at tinikman nung medyo lumamig na, infairness masarap ah. Magpatayo kaya ako ng bakeshop at siya gawing taga bake? Hehe

"How was it?"

"Masarap po, tara magbusiness tayo" wika ko kaya natawa siya.

"Luh pinagtatawanan ako, wag ganun bad yun"

"Ikaw kasing bata ka kung ano ano naiisip mo"

"Sus ayaw mo lang akong maging business partner eh, edi don't" sabay taray ko sakanya kaya hinampas niya ako

"Mga kalokohan mo talagang bata ka, halika at tumungo na tayo sa itaas"

"Bakit po?"

"Anong bakit? Magmmovie marathon tayo, bumaba nalang tayo pag tanghalian na" tumango naman ako. Hinila niya ako pero binalikan ko muna yung mga cookies at macarons para naman may kainin kami noh.

"Ito yung kwarto niyo Ms? Grabe mas maluwang pa ata ito sa tinitirahan ko eh" umiling naman siya at di na ako sinagot, basta talaga usapang yaman parang ayaw niya pagusapan. Wow down to earth yern? Humble?

"What are you doing there? Come here" wika niya sabay tap ng bed nila.

"Luh ako? Wag na po okay na ako dito sa couch"

"Halika na dalian mo" wala na nga akong nagawa kundi tumabi sakanya sa kama nila.

Swinitch niya ang aircon at ang malaking tv nila, nagplay siya sa netflix ng magandang palabas at nagfocus kami dun.

Wala pa sa kalagitnaan yung panood ng maubos ko yung pagkaing dinala ko, medyo nauuhaw na ako pero nahihiya naman ako magsabi tutok na tutok pa naman ito sa movie.

Path of a Lost FlowerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant