"Ginagawa mo na rin iyan, eh."



"Kakantahan?"



"Yucks! Hindi ka nga marunong kumanta. Ayaw ko n'yan." Madiin itong umiling. Gago to ah.




"Eh ano ba gusto mo?! Ikaw na magsabi" pairap na sabi ko rito, daming reklamo e.




"Ipagluto mo ako ng fried chicken, with sauce ah." Ngumiti ito ng nakakaloko.



"Ang demanding mo naman gorl, o' siya sige na! Pakopya na ako para matapos na."



Agad niya namang binigay sa'kin ang kaniyang papel, kumuha naman ako ng papel sa bag n'ya at nagsimula na itong kopyahin.




Nang matapos ko itong kopyahin ay binigay ko na ito sakanya para macheck n'ya na.



"Iyong fried chicken ko ah? 'pag iyan 'di mo ginawa. Maaga mong makikita si San Pedro sunbaenim." Inirapan ko naman ito sa sinabi nito, napaka demanding talaga.




Sarap ipa meet kay San Pedro pero h'wag na pala. Kapag nawala s'ya wala na akong pagkukopyahan. Kawawa naman ako diba?



"Alexis sabay na us uuwi ah? Doon na ako kakain sainyo. Baka makalimutan mo fried chicken ko eh."



"Oo na! Paulit-ulit amp nakakarindi."




Halos magkalapit lang kase ang bahay namin ni Astrid, kaya minsan doon s'ya kumakain sa bahay namin.




Wala namang problema doon, mas gusto ko pa nga eh para may kasama ako sa bahay lumamon. At para makasama siya.




Lumabas na kaming dalawa ni Astrid nang room, nagugutom na kase ako eh kaya inaya ko itong kumain. Habang naglalakad kami ay may humarang na shokoy.




"Hi po ate, may nagpapa abot po." wika ng batang shokoy at linahad ang hawak nitong bulaklak.




Kinuha naman ni Astrid ang bulaklak at tsaka ito inamoy na may ngiti sa labi. Ngiti-ngiti ka d'yan eh kinuha lang naman nila  'yan sa may simenteryo.




"Pakisabi sakaniya thank you" nakangiting saad nito, tinanguhan lang s'ya ng batang shokoy at umalis na.




" Alam mo beh halos araw-araw may nagbibigay ng flowers sa'kin." Kinikilig ma wika nya. Pft.




"Mamatay na nagtanong- aray ko naman!" Ang sakit, hinampas ba naman ako ng libro. Kabanas.   "Btw, tara sa rooftop mamaya." Anyaya ko rito habang iniinda ang hampas nito.





Alam ko na maraming nagbibigay sakaniya ng bulaklak.




Gaya nga ng sabi ko, maraming nagkaka gusto sakaniya kaya hindi na ako magtataka pa.




Kaya ko naman ibigay sakaniya iyan, kung gusto niya ibigay ko sakaniya mga pananim ni mama na bulaklak eh.




"Panira ka talaga kahit kailan, tss. At saka sa susunod na tayo tumambay sa rooftop may aasikasohin ako, eh." Pairap na saad nito at pumasok na sa Cafeteria, sumunod naman ako rito agad.





"Ako na mag order, ano ba sa'yo?" Tanong ko rito



"Sandwich at water nalang, thank you."





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now