One time, nagkaayaan kaming magkakaibigan na mag bar. Akala ko hindi sya pupunta kase hindi naman sya ganun. But she looks so devastated that night, grabe ang alak na ininom ni girl. Sa akin tuloy sya binilin ng mga kaibigan namin na ihatid si karylle pauwi. Kaya naman bilang mabuting kaibigan niya, inalalayan ko sya nung gabing yun. 

"Karylle, tama na yan uuwi na tayo." pag pipigil ko sa kaniya habang inaagaw ko ang baso mula sa kamay nya.

"Hindi, kaya ko pa naman vicey. Mas kaya ko pa ito kaysa sa gagawin niyang pang iiwan sa akin." 


Muli ko na namang nakita yung pag luha niya, "Gusto ko na tanungin ang sarili ko kung ano ba naging pagkukulang ko bilang asawa niya. Bakit ginaganito niya ako na dapat mas intindihin nya ako ngayon, kase sa ganitong sitwasyon ko sya mas kailangan." 

After that night, may nagbago. Mas palagi kami magkasama. Mas naging clingy sya sa akin. 




"viceyyy " Narinig ko na ang boses nya at alam kong nasa living area na siya. Bumaba na ako at nakita ko sya sa kitchen na naglalagay ng mga fruits sa tray at may iba pa syang dalang pasalubong para sa akin.

"Hi vicey . Ano gusto mo kainin? I will cook." lumapit pa sya sa akin at inabot ang kamay ko. Nilapat niya rin sa bewang niya bago naglakad papunta sa dining. 

"Hindi naman ako nagugutom. Why are you here? Diba may rehearsal ka para sa theater nyo?" 

" I cancelled it for you. Gusto kita makasama today. " ngumiti sya sa akin at muling lumapit. Tinitigan ko sya at ganun din sya sa akin. Nag buntong hininga pa sya.

"Okay fine, aaminin ko na. I have this feeling simula noong araw araw na magkasama tayo. Hindi ko alam yung exact na araw , pero yun ang natatandaan ko. Hindi ko naman gusto, siguro because I am longing for the love na dapat si Yael ang nagbibigay. " yumuko sya pagkatapos niya sabihin yun sakin at nag buntong hininga sya.

"Hindi mo naman ako need mahalin pabalik, atleast nasabi ko yung nararamdaman ko sayo. Naging honest lang ako, vice. "

"Why don't we try? baka mag work." hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin yun sa kaniya. 

Baka nasabi ko lang dahil naawa ako sa kaniya? o baka dahil gusto ko rin? Bahala na, ang gusto ko lang naman makasama sya.


"vice baka nabibigla ka lang."

Tinitigan ko sya at pinisil ko bahagya ang kaniyang kamay niya.

"I meant it." bago ko sya ngitian at niyakap ko. Hinalikan ko sa noo.


Naging secret lovers kami ni karylle. Walang ibang nakaka alam kung hindi kaming dalawa lang. Gusto ko man ipag sigawan, hindi pwede. Hindi pa sila hiwalay. At hindi ko rin maintindihan bakit hinayaan ko ang sarili ko sa ganitong set up. 


At araw araw, nahuhulog ako sa kaniya.





Ilang beses na rin may nangyayari sa amin. And we both want it. She wants it.



"Delayed ako vice." napatingin ako sa kanya. Natigil ko ang pag tatype ng script ko para sa concert ko. Umupo sya sa tabi ko at tumitig sa akin . 

"alam mo kung sasabihin mo sakin na ayaw mo kung sakaling may mabuo, kung hindi ka pa handa okay lang. Pwede naman ako umalis."

"Sino may sabi sayo na ayaw ko? Hindi mo pa nga naririnig yung mga sasabihin ko , masyado ka nag ooverthink dyan. Kung ano man ang maging resulta, tatanggapin ko. "

Ngumiti sya sa akin at niyakap ako, " I love you" 

Ready na ako magkaroon ng pamilya kung ikaw ang makakasama ko habang buhay.


Subalit , hindi natuloy yung pinapangarap ko na magkaroon ng pamilya. Delayed lang sya because of her stress sa work. Wala sya halos tulog, kaya minsan ako na umaawat sa kaniya sa pagtatrabaho lalo na sa madaling araw.




Pero nitong mga nakaraang araw, palagi na rin siyang di natutuloy pumunta sa bahay. Minsan inaaya ko pero di na sya sumasama. Busy daw sya. 

Hanggang sa nakita ko instagram story ni Yael na magkasama silang dalawa. 


 Nagkabalikan na sila. 





"Vice." 


Tinignan ko sya at ngumiti ako, "Karylle"


"we need to talk." 

Tumango ako sa kanya at nag crossed arms ako habang nakatitig sa kaniya.

"I am really sorry. I realized na fell out of love ako, nakapag isip isip na ako. And last week nagkabalikan na kaming dalawa. Nagkaayos na kami, he apologized to me and he explained everything. "

Marahan akong tumango muli. Pinigilan ko ang sarili ko na maluha habang nakaharap sa kaniya.


"I knew it. Hinihintay lang kita na magsabi sakin. And last week he talked to me. Kung pwede daw ba na maging kanya ka ulit. I said no. " 

"I said no kase gusto pa kita makasama. Gusto ko pa makita yang maganda mong mukha, gusto ko pang maging parte ka ng buhay ko. Pero hindi ko expected yung gagawin niya maging kaniya ka lang ulit. he kneeled in front of me at nakikiusap na maging kanya ka. " pumatak ang luha ko ng di ko inaasahan.

"Pumayag ako kase alam ko na this time mas mamahalin ka ng asawa mo, that he will do everything for you. Sinabi ko na sa kaniya e, pag di ka niya napanindigan this time babawiin kita. Sa ayaw at sa gusto niya karylle, kukunin kita. Dahil mahal kita."

Hinigit ko sya at niyakap kong mahigpit bago ko halikan sa noo. 

"  I bought you a necklace as a remembrance na lang , it should be my gift for you kase malapit na tayo mag one year. " kinuha ko sa drawer ko yung necklace at sinuot ko sa kaniya. Naramdaman ko na humikbi sya. Umiiyak sya.


" Always remember me Karylle, and whatever happens, you will always have my  heart. And you will be my forever constant." Hinalikan ko sya sa nape bago sa labi.






Hinding hindi ako nagsisi na kahit sa maikling panahon naging akin ka, Karylle. Bumaligtad man ang mundo, mawala man lahat ang buhok ko ikaw lang ang babaeng minahal ko. 





ViceRylle Collectanea FandonieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ