We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 1

473 8 0
                                        

"Para saan yan?"taas kilay na tanong ni mama. Ngumiti lang ako bago pumasok sa silid ng aking kwarto at nilapag napakaraming kape. Inunat ko ang aking mga buto pago umupo sa munti kong upuan.

"Research na namannnn...katamad"buntong hininga kong sambit. Nakasimangot kong tinitigan ang screen ng aking laptop at walang balak na simulan ang aking gawain. Kahit pagpindot sa keyboard hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa aking mga kamay at pilit akong hinihila palapit sa aking cellphone. Para bang may elemento na nagtutulak sa akin na mag cellphone nalang at huwag nang gawin ang research.

"Hindi! kailangan kong gawin ito...kailangan ko munang maging good ferson."

Nilayo ko ang aking atensyon sa cellphone at tumitig pabalik sa blangkong screen.

"Research... Title"sambit ko habang kinakamot nang marahas ang aking ulo.

Teka lang, bat ako nalang palagi ang gumagawa ng lahat? May mga kagrupo naman ako na mga walang silbi. Parang lumalaki na nga itong mga braso ko sa kakabuhat sa mga pabigat na kagaya nila. Mapagsabihan ko nga para tumino na sila at mag submit ng kanilang ambag. Kunwari naiinis ako para makinig at sumunod sila sa akin.

Inabot ko ang aking cellphone at binuksan ito. Hinawakan ko muna ang aking batok dahil nakaramdam ako ng labis na lamig sa likuran na bahagi. Hindi ko nalang ito inintindi at binalik ang atensyon sa aking cellphone. Nakita kong lumabas ang chat ni mama sa messenger pero hindi ko pa ito nabubuksan.

Bakit naman kaya kailangan pang magchat si mama kung nasa iisang bubong lang kami. Pwede nya naman akong lapitan nalang at ipaabot ang nais n'yang sabihin. Pero baka gusto lang ni mamang ipagyabang ang bago n'yang phone. Pinapamukha n'ya talaga sa akin na mas maganda phone n'ya.

Binalik ko ang tingin sa lamesa dahil may narinig akong kalabog. Si leonard lang pala, ang alaga naming pusa. Kulay puti s'ya at may malaking t'yan.

"Tutulong ka ba sa research ko Leonard?"inis kong sambit. Pero hindi s'ya sumagot at umupo lang sa aking harapan.

"kung hindi, umalis ka na dito. pabigat ka rin" dagdag ko. Pero may napansin akong kakaiba sa kan'ya. Papansin kasi tong pusa na 'to pero himalang tahimik lang itong nakatitig sa sulok ng aking silid na para bang may tinititigan.

Hindi ko nalang s'ya pinansin at binuksan ang chat ni mama. Pero bigla akong napaatras nang mabasa ang kan'yang mensahe. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya o totoo ang kan'yang pinagsasabi.

"Anak, hindi mo naman sinabing may mga bisita ka pala sa kwarto mo...bibili muna ako ng makakain n'yo sa labas" chat sa akin ni mama.

"anong pinagsasabi mo nay?" reply ko sa kan'ya. Wala naman akong kasama sa loob ng silis bukod sa matabang pusa na ito.

"may nakita kasi akong nakatayo sa likuran mo. bigyan mo ng upuan ang kasama mo" sagot ni nanay na nagpagimbal sa buo kong kalamnan. Pati utak ko nagising dahil sa pagkabigla. Pinipilit kong matawa para maibsan ang kaba at takot na aking nararamdaman.

Pero biglang namatay ang screen ng aking laptop at mula sa repleksyon ng screen, may napansin akong kakaiba sa aking likuran.

Marahan kong binuksan ang screen para mawala repleksyon ng nilalang. Pinilit kong huminga ng malalim para kumalma man lang ng kaunti ang aking katawan. Nais kong tumayo pero masyado nang mahina ang aking tuhod dahil sa labis na kaba.

"Anak" sambit ng isang boses. Boses na nagpawala ng aking kaba at takot. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang napakagandang boses ni nanay. Mabilis akong lumingon para lingunin si nanay ngunit....

Ngunit walang tao sa aking likuran

Bakit Ayaw ko nang mag RESEARCH Stories to obsess over. Discover now