"Excuse me but I have suggestions. I already told your dad about this but of course, in the end it will be their opinion matters. I suggest, na bakit hindi ka muna mag abroad ulit Sapphire? I mean, kahit saan? Sa Lola Magda mo?"

Habang sinasabi iyon ni tito Marco ay may idea na agad sa utak ko. Nanliit ang mga mata ko.

"You're suggesting that because I am the one who's in danger right now, right?"

Kasi kung hindi ako ang punterya ni Eli bakit sakin magsusuggest si tito Marco?

Ngumuso si tito Marco at nakipagtitigan  sa anak.

Napamura naman ang kapatid ko. Lalo na at hindi nila pinakita sakin ang death threat note ni Eli na iyon. She's insane!

"Tito kasi-" mas inaalala ko talaga si mommy!

"Papa, Sapphire. Papa."

Lahat yata ng iniisip ko na problema ay nilipad ng hangin na may kasamang paru-paro!

Hiyang hiya akong tumingin kahit kanino! Sa huli ay kay Nathan nalang ako tumingin na nakakunot noo lang.

"Uh, inaalala kopo kasi si mommy."

Tumango si tito. "Hindi siya pababayaan ng daddy mo. Baka lilipat rin sila sa white house nyo sa Tagaytay. Pero sigurado ako na ilalayo kayo ng daddy niyo sa kapahamakan."

Mag aala una na ng mapag pasayahan na tapusin ang usapan. May naka guwardiya sa aming mansion sa palibot at napagsabihan ni Nathan ang guwardiya namin sa bahay na nakatulog kanina.

Naunang umalis si tito Marco at naiwan si Raphael na kanina pang pinipilit ako na matulog na.

Nasa kusina kaming dalawa at kakatapos ko lang mag hot chocolate at siya naman ay kape.

I think he's ready to leave.

Tumayo ako at kinuha ang mga baso namin at nilagay sa sink. Tulog na ang mga katulong at nasa itaas ng mansion si Nathan. Maybe, sleeping?

I cleared my throat ng hinarap siya. Humilig ako sa sink at humalukipkip.

"Umuwi kana. I'm going to sleep now." Now my voice sounds miserable. Fuck it!

Tumango siya at tumayo mula sa kinauupuan. Akala ko uuwi na kaso nilapitan niya pa ako kaya napaatras ako sa sink. Ang galaw niya ay siguradong sigurado at walang atrasan.

Kapag ganito at napapaurong ang determinasyon ko para sa sarili.

Kilala ko na siya noon pa man. When I was a kid, hindi ako naging malapit sa kanya not until when I became teenager. Bawat birthday parties nila imbitado kami. Minsan hindi na ako sumasama kasi... may tagpo na nilapitan niya ako ng sumubok ako uminom ng wine na alcoholic. That's when the time that I felt my heart beat so fast na hindi ko nakasanayan noon.

"Please tell me you are okay." mahina ang boses niya ng tanungin iyon sakin.

Tumango ako. Bakit pakiramdam ko na nararamdaman niya ang tinatago kong nararamdaman?

"I'm okay."

Hinawakan niya ang aking baba at puwersahang iginaya ang tingin ko sa kanyang mga mata.

Namilog ang aking mga mata at kalaunan ay sinikap kong itago.

"May I have a kiss please? I'm just.. tired."

Napalunok ako at hinawakan ang ulo niya. Tumingkayad pako para maabot iyon, at dahil hindi nga, hinawakan niya ako sa baywang para magawa ang gusto ko.

Hinilot ko ang kanyang ulo at napapikit siya ng ginawa ko iyon. Parang may guwang ang puso ko na makita siyang stress, pagod at problemado.

"I-Is this fine?" tanong ko at itinigil iyon. Tila nabitin siya sa paghilot ko pero hindi pwede at baka may makakita sa amin.

"Kiss Sapphire." aniya at hinimas ang baba ko bago ako bumuntong hininga at hinawakan ang kanyang panga para halikan siya.

He welcomed my lips with passionate kiss. Ang init ng kanyang labi ay bumalot sa aking malamig na labi.

Napapaurong ang ulo ko sa bawat atake ng kanyang labi at parang mahihimatay ako kung gaano siya ka sarap...humalik.

"Fuck." mura niya at tumingala ako ng halikan niya ang aking leeg pababa. Nababasa ng kanyang laway ang bawat parte na kanyang mahalikan at napapakurot na ako sa kanyang balikat.

But then he stopped. Hiyang hiya ako ng magmulat at nakaawang ang aking labi. Pareho kaming naghahabol ng hininga.

"I-I have to sleep now." umiwas ako at hindi na tumingin pa sa kanya.

Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito. Kahit sino mang anak ng mayor ang nanligaw sakin noon ay sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito.

Sa tuwing tumitingin ako sa katawan niya ay hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako minsang namilipit sa ilalim niya at pawisan siya sa ibabaw ko. Sa tuwing tumitingin ako sa mukha niya ay napapaisip ako na baka nga napaka swerte ko kung bakit sa lahat na nali-link at patay na patay sa kanya ay ako pa.

Pero habang lumilipas ang panahon natanto ko na mas maraming dapat unahin lalo na ngayon. I will set aside what I feel right now and focus on our situation.

"Promise me you'll never push me again this time." aniya na hindi parin makarecover sa halos isang buwan na hindi kami nagkita dahil ayoko siyang makita muna.

Hinawakan ko ang kwelyo niya at inayos ang kusot doon.

"Don't tell me what to do Raphael. I know what I am doing." seryoso ko siyang sinagot. "Don't be afraid if you are really serious with me. Dahil kung ako talaga, ay ako lang." naningkit ang mga mata ko sa kanya. Titig na titig siya sa kabuuan ng mukha ko.

"Lets focus on something important. Lets see if you are really loyal with your so called feelings for me. Thanks to that. Pero ang dapat unahin ay ang problema."

He cocked his head on the other side tila hinahamon ako. "You know how multi-tasker I am, Montemayor. Kaya kong panatilihin kang nasa mabuting kalagayan habang mahal kita. I don't need to sacrifice anything or anyone coz I can do both."

Fuck!

I look at him coldly and there's amusement in his eyes!

"Damn, you're so pretty." anas niya at napakagat labi siya.

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Where stories live. Discover now