isang yapak pabalik

Start from the beginning
                                    

Ayos lang din namang mag jeep, kaso I find trains more convenient kaya pipilitin ko na rin sigurong habulin. I badly want to go home. Iba ang pagod ngayong araw.

Sumenyas ako para parahin ang jeep dahil siguradong hindi na ako aabot kung lalakarin ko pa ang kahabaan ng UP. Salamat na lang kamo at walang masyadong tao, tatlo lamang kami sa loob.

Habang naghahanap ng barya ay hindi ko namalayang tumigil pala ang jeep. I quickly glanced on my left para makita kung sino ang bagong pasahero.

Kung sinabi ko man kanina na hindi ako makakikita ng magandang babae sa UP, doon ako nagkakamali.

"Bayad po!" Saktong pagkahanap ko ng sampung piso ay nagpaabot na rin ng bayad ang babae.

At dahil mukha akong ngayon lang nakakita ng katulad niya, tinitigan ko muna ang baryang kaniyang pinaaabot bago ito kunin. Parang tanga, Leon.

"Bayad nga po, dalawang... estudyante ka po ba?" Tanong ko sakaniya bago i-abot ang bayad.

"Ay, yes, student."

Malay ko ba kung estudyante siya, may anak na, o magkakaanak pa lang.

"Hello? Opo, pauwi na... Yes, mom, aabot ako sa last train... Quarter to nine pa lang, I'm sure they'll close ng ten p.m."

I had no choice but to overhear their conversation. Dala na rin siguro ng pagod, nakalimutan ni ate na nakaloud speaker siya.

Kung galing man ito ng mob, panigurado hindi 'to nakapagpaalam sa kaniyang magulang. Halata sa boses ng nanay (ata) niya na galit ito at may nakabimbing sermon na sasalubong kay ate pag-uwi.

"H-huh? Yes! I-I'm with someone, of course, of course... Wait I'll tell her to say hi."

Marahang lumingon sa akin ang babae.

"A-ano hi ka raw sabi ni mom."

Ha?

Bakit ako? Kilala ba kita?

"H-hello, tita." Again, I had no choice but to obey because she looked like she was about to cry.

Buti na lang madali lang hulaan na nanay ni ate ang kausap niya.

"Hello rin, kasama ka ba ng anak ko?"

"Kasama ko po anak ninyo, don't worry," I answered confidently.

"Kasama raw.. why is your voice unfamiliar?! What's the name of my child, then?"

Tangina, eto ang mahirap hulaan.

"Si Ateneo po—ay si Theresia... tita."

At sa panic ay nabasa ko ang nakasulat sa kan'yang lanyard at hindi ang pangalan niya. Kung alam ko lang na mapapasabak pala ako sa guessing game edi sana sumabay na lang ako umalis kanila Chel.

"Ok! Bilis-bilisan mo lang ang uwi, Risa. I will lock the doors if you're not home by ten."

Toot toot.

Silence.

I think even the two other people inside the jeepney with us are as confused as I am.

After the chaotic call, Theresia kept on apologizing to me. Siguro pati 'yung driver naluluha na dahil ngayon lang ata siya nakarinig ng taong marunong mag sorry bukod sa misis niya.

She started talking about how strict her mom is ever since nalaman nito na aktibista siya. May curfew siya, which is hanggang 10, hence, the threat na sasarhan siya ng pinto.

"Lagi kang napunta sa mob?" I asked her. We're still inside the campus dahil medyo maraming kasabay na kotse palabas. Bumaba na rin ang dalawa naming kasabay kaya't kami na lamang ang natira sa jeep.

in between the linesWhere stories live. Discover now