Ang kaniyang mga kuko'y humaba katumbas ng limang patalim sa bawat daliri.
" Huwag po!! "
Ang tanging nagawa ko lamang ay ipikit ang aking mga mata sa anumang gagawin sa akin.
Inihahanda na kahit hindi handa ang aking loob..
Malalakas ang aking kaba at nawala sa isipan dahil sa pagsakop ng takot.
Ito naba ang aking katapusan???
Hindi..
Hindi ako nagalos..
O nabahiran sa sariling dugo...
Hindi ito pinahintulutan ng aking ina na mangyari..
Bagkus siya ang sumakripisyo..
Siya ang nasaksak sa mga matatalim na kuko ng mistersyong babae..
Nakita ko ang pagbabago ng itsura ng babae..
Sumisilip sa kaniyang tawa ang mga matitilos na ngipin at pagtalim ng mga tainga.
Mga pula na mata..
Natulala ako sa nakita ko..
Mistulang wala akong naririnig sa aking paligid..
Basta lamang nakatingin sa malamig na bangkay ng aking ina..
Lumuluha ngunit walang reaksyon..
" Erika!! Erika!! Erika!!! "
Napatingin ako sa aking ama..
Itsura niya'y puno din ng takot kahit pa siya'y may hawak na sandata..
Sabay niyang ginapos ang leeg ng babae gamit ng baril habang ang isa nama'y patungo na sa akin.
" Takbo!! anak!!! takbo!!!! "
Lumabas ako ng bahay..
Tumakbo-takbo ako sa aking bilis papalayo..
Narinig ko ang hiyaw ng sakit ni papa..
Pinaslang na siya..
Hindi ako lumingon sa aking kinaroroonan ngunit dala ko ang aking mga luha..
Walang direksyon ang aking tinatahak..
Hindi nagtagal ay dinig ko ang mga paggalaw ng mga puno at pagpitik ng mga sanga, mga daho'y nagsisipag-laglagan.
Sinusundan nila ako sa kanilang hindi pangkaraniwang bilis..
Sa kabutihan palad ay mayroong simbahan sa gitna ng gubat..
Dito ako pumasok..
" Iha! anong nangyari sayo? " tanong ng isang pari
Nakita niya akong duguan..
" Iha? "
Wala akong maisip..
Tila nawalan ako ng kaisipan..
Hindi ko maigalaw ang aking bibig dahil sa mga nangyari kanina..
Ang tanging magawa ko lamang ay tumingin bilang tugon..
----
Kinaumagahan ay lumisan na ako kahit pa'y sinambit ng pari na manatili sa simbahan..
Hindi ko na maisip na ikakamatay ko ang paglisan..
Kung makita man nila ako ay wala akong pakelam..
Wala na din ang aking mga magulang..
-----
Walang nangyari sa aking paglalakad..
Sa palagay ko'y hindi nila ako nasundan..
-----
Hindi ko namamalayang natahak ko na ang kalsada ng siyudad..
Hindi ko alam kung nasaan ako..
Ang nakikita ko lamang ay mga mahihirap..
Mga batang gusgusin..
Mga mauusok na pabrika..
Sa palagay ko, Ito'y siyudad ng Thames. Dito ang lugar ng mga kapuspalad.
-----
Dito na umikot ang aking buhay sa mahirap na siyudad..
Dalawang taon na ang lumipas ngunit tila para sa akin ay kahapon lamang nangyari ang mga iyon..
Hindi ko makalimutan..
Sa aking kwintas ko na lamang maaalala aking mga magulang..
*****
YOU ARE READING
Forever with You [ Revised ]
Romance' Hindi ko inaasahang makikilala ko siya.. Hindi ko inaasahang hahangaan ko siya.. Sa mga nagdaang araw ay nakilala ko na siya.. Kaniyang katauhan at pagkatao. "
I. Prologus
Start from the beginning
![Forever with You [ Revised ]](https://img.wattpad.com/cover/322405855-64-k873980.jpg)