Chapter 55 - Invitation

Start from the beginning
                                    

"I'll start on 'Where is the former Head Master or CEO, and who is she?' Well, she's my mother." I said at marami ang nagulat. "4 years ago, my mother was murdered together with my siblings, that's why nawalan ng maglealead sa university na ito." I paused again dahil hindi ko pa din pala kayang tanggapin na basta-basta lang sila pinatay kaya tumingin ulit ako sa mga kaibigan ko para kumuha ng lakas.

"Since ako nalang ang natitirang tagapagmana, I gladly accept to be the new HM because this university is very important to my mother. At dahil sa pagkawala niya, unacceptable events happened here in JUF. Lalo na ang bullying. I don't like bullies kaya itigil niyo mga kalokohan niyo." I said firmly dahil inis na inis ako lalo na noong natagpuan ko si Aiah na walang malay sa comfort room. "Wala akong pake kung may kapangyarihan o pera kayo dahil hindi ko kailangan 'yan sa university ko!" Inis na sambit ko at nakita ko namang may mga estudyanteng napayuko, guilty.

"This is not a playground that you can easily play with especially the scholar students of this university. Porket hindi pare-parehas ang mga estado niyo sa buhay, kaya niyo ng mang-apak ng iba. Tandaan niyo, pantay-pantay kayo dito. Kung ayaw niyo sa simpleng patakaran ko, you can leave this university." Galit na sambit ko. I'll take care of this university, Mommy.

"That's all what I want. STOP. THE BULLYING." I paused again at nilibot ang tingin ko at huminga ng malalim. "Myrla Jimenea Lim" I said kaya nagsimula na naman ang bulungan. "That's the name of my mother. The name of this school came from her name. I know most of you wanted to know the name of this university." I said kaya tumahimik ang lahat at naghihintay ng sagot lalo na ang mga kaibigan ko.

"It's Jimenea University Foundation. And this was planned and built for those who wants to reach for their dreams without being left behind. This is a place where you can move EQUALLY without someone to judge you lalo na sa estado ng buhay. This was built to give someone a bright future ahead. Kaya sa susunod, ayo'ko na ulit makarinig o mabalitaan na may student na namang hindi nakapasok, or worse, nahospital, dahil napagtripan."

"I'll be a normal student pa rin dahil gusto ko ring makapagtapos kaya you don't have to greet me lagi as a Head Master, but I will be strict at tatayong head master kapag kinakailangan. Are we clear?" I asked at sumagot naman ang mga ito. Ramdam ko rin na natatakot sila sa presensya ko.

"That's all for today. You may now go to your respective class. Thank you and have a nice day." Walang emosyong sambit ko at dumeretso na sa backstage para magbihis dahil ayokong maka-agaw pansin na naka suit ako habang nagkaklase.

End of Flashback



Bigla namang may kumalabit sa akin. Sa table niya pala ako tumabi hehe.

Aiah: "Hindi ka pa ba kakain? Libre ka ng libre, ikaw naman yung hindi nakakakain." Nakakunot na sambit nito at medyo inis ang tono ng pananalita nito. Kanina niya pa kasi ako pinipilit na kumain.

Jhoanna: "Mikha! Bakit dyan ka sa tabi ni ate Aiah? Ako tuloy nahihirapan magtayo-tayo para lumapit sayo." She said and I heard Aiah chuckled.

Gwen: "Malamang! Nabuhay yung kabadingan sa katawan niya kaya ganyan." Sambit nito na ikinatawa nila ate Maloi kaya pinaningkitan ko ito ng tingin.

Stacey: "Ay guys! Since sabay-sabay tayo uuwi mamaya, pwede bang ako magluto ng dinner natin mamaya?" Nahihiyang sambit nito lalo na sa akin.

Sheena: "Really?!" She said at gulat na gulat.

The President's Daughter (Major Editing)Where stories live. Discover now