"Godnight crazypeople rpw. Sleep well."

9:35 pm

Pagkagising ko, kinaumagahan, cellphone agad ang tiningnan ko kung may reply na ba. At agad akong nanghina ng makitang wala paring reply.

"Cresett, baba na makain na tayo." Rinig kong sigaw ni mama mula sa ibaba.

Naghilamos muna ako bago bumaba at tumungo sa dining area. Naka ready na ang pagkain sa mesa kaya nanghihinang umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain, kahit masarap naman ang ulam, at isa sa mga paborito ko wala parin akong gana'ng kumain. Naka tatlong subo lang ako saka uminom ng tubing bago tumayo. Gulat akong tiningnan nila.

"Iyon lang? Tapos na?"Hindi makapaniwala na Ani ni mama at ate na halos magkasabay lang. Tumango naman ako. Sa aming tatlo, ako lagi ang nahuhuli sa mesa lalo na kung masarap ang pagkain at isa talaga sa mga paborito ko.

"Ayos ka lang ba anak, Wala ka bang lagnat?" Tumayo si mama at nag-alalang lumapit sakin, saka chineck ang noo at leeg ko.

"Hindi ka naman mainit. " Aniya.

"Siguradong okay ka lang ba anak? Wala ka bang kahit ano na nararamdaman?"

"Okay lang ako ma, akyat muna ko." Sagot ko at tumalikod na't umakyat.

"Dadalhan lang kita riyan ng lunch." Rinig kong ani ni mama.

Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Saka tamad na kinuha sa side table ang cellphone ko. Tiningnan ko ang messenger ko kung may reply na ba siya. Nakakatampo, wala pa rin. Dumapa ako sa kama at nag-scroll scroll nalang sa facebook. Hindi ko talaga pinapatay ang data ko, lagi itong naka on. Just in case.

At parang nabuhayan ang loob ko ng biglang mag pop sa cellphone ko ang message ng jowa ko. Nawala ang pagkatampo ko sa kaniya. Mabilis ko na iyon pinindot at binasa.

YoUrRiOn: Sorry babe, please forgive me kung hindi agad ako naka reply.Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay, at hindi ko agad namalayan ang selpon ko. I love you!

7:05 am

Ngi-ngiti ngiti ako na nagtipa sa aking cellphone.

ImCreSe: Apology accepted babe, I love you too!

7:07am

YoUrRiOn: Babe?

7:09am

ImCreSe: Yes babe?

7:11am

YoUrRiOn: Uhm... ok lang ba kung mag-meet tayo in person?

7:13am

Napakurap kurap ang mata ko sa nabasa.

ImCreSe: Talaga? Okay lang naman sakin, Why not diba, para naman mas lalo pa natin makilala ang isa't isa. Ngunit saan bang lugar tayo magkikita?

7:15am

YoUrRiOn: Amand Coffee Bar, Miracle Avenue, Villa Dolores Angeles Pamapanga, babe, Doon tayo magkikita, bukas 8:00 am.

7:18am

A/N: Ang Opening Hours po talaga is 1PM-10PM ginawa ko lang umaga.

ImCreSe: Sige babe, Ilang lakad lang naman yan samin.

7:20am

ImCreSe: Baba muna ko, babe maya nalang, kakain muna ako, Ikaw rin.

7:21am

YoUrRiOn: Eat well babe, saka huwag mong pababayaan ang kalusugan mo, ayaw kong magkasakit ka.

7:22am

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now