Mariin siyang pumikit at pilit na nilalarawan ang mukha ni Joaquin at ang magiging mukha ng engkanto. Naaalala niya ang nangyari kay Immaculada, pumasok sa kaniyang isipan ang eksena noong tinanggap ng kaibigan ang kamay ni Joaquin.

Bakit hindi ko napansin agad 'yon? Hindi ko rin agad naarok ang sinabi ni ama na pinaglaruan nga ng engkanto si Immaculada? Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat?

Napayukom ng kamao si Dolorosa, pinagsaksak niya ng pluma  ang papel na kanina'y ginuhitan niya sa sobrang inis.

"HOY!" Tawag ni Dolorosa kay Joaquin na nakahiga ngayon sa damuhan.

Napamulat ng mata si Joaquin ng mata at napabangon. "Via..."

"Huwag mo akong tawagin sa aking unang ngalan dahil hindi tayo magkaibigan!" Giit ni Dolorosa.

"Anong problema mo?

"Ikaw! May tinatago ka palang mabahong sekreto!"

Napangisi si Joaquin sa sinabi ni Dolorosa. "Bakit? Ngayon mo lang ba napagtanto na hindi rin ako pangkaraniwan?"

"Alisin mo ang pinakalat mong sakit! Ano ba ang kasalanan nila sa'yo at bakit mo sila binigyan ng ganoon?"

Napahalukipkip si Joaquin. "Tatanggalin ko lang 'yan, sa isang kondisyon..."

Napatakbo ang kilay ni Dolorosa sa sinabi ng binata.

"...ibigay mo sa akin ang kwintas ng pulang buwan."

"Ano ka, sineswerte?" Nakakalokong sambit ni Dolorosa.

"Kung ibibigay mo sa akin ang kwintas ay mas magiging masagana ang kagubatan." Pakli ni Joaquin.

Ngunit sa totoo lang ay nais makuha ni Joaquin ang kwintas upang mas maging malakas sila sa lahat ng nabubuhay na mga elemento.

"Paano ko naman ibibigay sa'yo? Alam ko naman na bulok na ang istilo mo sa paglinlang!" Palaban na saad ni Dolorosa.

Bigla na lamang pinagalaw ni Joaquin ang mga baging sa lupa dahilan para matumba si Dolorosa, pumulupot sa paa ng dalaga ang mga baging.

Napaigik si Dolorosa sa sakit ng dibdib, narumihan ang kaniyang damit. "Sinusubok mo talaga ako Joaquin!"

Naging kulay dilaw ang balintataw ni Dolorosa at unti-unting tumataas ang mga kuko nito sa kamay at paa. Sinisikap niya na makatayo upang makawala sa baging.

Naririnig na rin ni Joaquin ang angil ni Dolorosa, nagtataka man kung bakit kaya ng dalaga mag-iba ng anyo kahit tirik na tirik ang araw ay hindi siya nagpatinag.

Si Dolorosa naman ay sinugod si Joaquin sanhi ng pagkaputol ng mga baging sa kaniyang paa.

Hindi nakaiwas si Joaquin at nasakal siya ni Dolorosa sa leeg. Pilit niyang gayahin ang kakayahan ng dalaga na maging taong-lobo ay hindi na niya magawa sapagkat nararamdaman na niya ang pagkabaon ng kuko ni Dolorosa sa leeg niya.

"Hinahamon mo talaga ako, Joaquin? Hindi mo pa alam kung paano ako pumaslang!" Galit na saad ni Dolorosa. Dumadaloy sa kaniyang kuko at kamay ang kulay berde na dugo ni Joaquin.

Naramdaman na lang ni Joaquin ang sakit nang ihagis siya ni Dolorosa sa may mga tanim na kawayan at natusok ang kaniyang likod sa matulis na parte nito na tumagos hanggang sa kaniyang tiyan.

"H-hindi pa tayo rito nagtatapos, Dolor!" Saad ni Joaquin at pilit na umaalis sa pagkakatusok sa kawayan.

Agad na sinipa ni Dolorosa si Joaquin sanhi ng pagkatusok pa ng isang kawayan sa dibdib nito.

May lumabas na itim na usok sa bunganga ni Joaquin na parang isang anino ng diablo.

"No es el final Dolorosa, vendré otra vez!" (It is not the end, Dolorosa! I will come again!)

Nakakakilabot ang boses na iyon ngunit wala lamang kay Dolorosa.

Unti-unti na rin siyang bumalik sa dating anyo at napapagpag ng baro at saya. Umuwi siya na parang walang nangyari.

NANG marating ni Dolorosa ang mansyon ay napansin niyang maraming tao.

"Dolor! Saan ka galing?" Tanong ni Immaculada at sinalubong nito si Dolorosa.

"Pinatay ko si Joaquin." Seryosong saad ni Dolorosa.

Napatabon ng bibig si Immaculada sa gulat.

"Nakakainis kasi, kaya pinatay ko na."

"Naunahan mo pala ang nais kong sabihin ko sa'yo na isang engkanto si Joaquin."

"Kapag nabuhay ulit ang hunghang na 'yon, tatanggalan ko na ng ulo." Kalmadong sabi ni Dolor.

Agad na niyakap ni Immaculada si Dolorosa. "Mabuti na lang at hindi ka na paano."

Ngumiti ng marahan si Dolorosa at sabay silang pumasok sa mansyon. Nakita naman niya na abala ang ama sa paggagamot ng mga dalagang napuruhan ng sakit dahil sa kakagawan ni Joaquin.

PAPAUWI na sana si Adrian nang makita si Marco na kasama ang tatlong kaibigan nito.

"Bahay-aliwan ulit tayo, balita ko may mga bagong babaeng bayaran doon." Saad ng kaibigan ni Marco na si Alexander.

"Ano? May mga serbesa roon!" Dagdag pa ng isa na si Enrico.

Agad na napalapit si Adrian sa gawi nila. "Kuya, sabi ni ama na hindi ka dapat magliwaliw ngayon."

"Narito pala ang iyong butihing kapatid na parang hinulma sa isang binibini ang ugali." Saad ni Crisantimo.

Pinipigilan lamang ni Adrian ang sarili na suntukin sa mukha ang kaibigan ng kapatid.

"Sino ka para diktahan ako?" Tanong ni Marco.

Nagtagbo ang kilay ni Adrian. "Kapatid mo."

Hinila ni Marco si Adrian papalayo sa mga kaibigan. "Huwag mo akong pinipigilan sa gusto kong gawin!"

"Hindi naman kita pinipigilan kuya ah? Si ama na ang nagsabi sa'yo kanina hindi ba?"

"Palibhasa kasi ikaw ang matino!"

"Ano ba ang punto ng iyong pananalita? Gusto ko lamang na tulungan ka upang hindi ka mapagalitan na naman ni ama. Kulang pa ba sa'yo ang ginawa ni ama kagabi? Halos ikamatay mo na 'yon!" Sabi ni Adrian at nilagpasan si Marco. "Bahala ka na sa buhay mo!"

Nakita naman ni Crisantimo na papalapit sa kaniya si Adrian at nababakasan ang galit sa mukha nito.

Biglang hinawakan ni Adrian ang kwelyo ni Crisantimo at sinuntok niya ito diretso sa mukha na ikinatumba nito. "Kilatisin mo muna ang kaharap mo!" Ani Adrian at naglakad palayo. Doon niya nailabas lahat ang sama ng loob kay Crisantimo.

Walang nagawa si Enrico at Alexander sa sitwasyon ni Crisantimo. Kahit na si Marco ay natigilan sa ginawa ng kapatid, minsan niya lamang makita si Adrian na magalit.
------

Talaan ng Kahulugan

Balintataw
: Parte ng mata na kung tawagin natin ay pupil.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now