Pangarap(Poetry)

11 2 1
                                        

"Pangarap"

Isang salitang kayhirap abutin,
Salitang taon ang bibilangin,
Ito'y tinibok ng pusong dapat' sundin.

Isa lamang akong mag aaral na nais matuto,
Nang ang mga mithii'y magkatotoo.

Mula pagkabata'y nag sunog ng kilay
Upang humusay at mag tagumpay.

Pangarap ko'y hindi lamang para sa sarili,bagkus ay para sa pamilyang umaasang makaluwag-luwag ang buhay.

Ngunit paano kung sabihin ko'y ikaw ang aking pangarap,Hindi ko kayang umamin dahil ayaw kong lumayo ka sa aking piling.
Nais man kitang pakawalan,ngunit ikaw ang nag sisilbing gabay patungo sa tamang landas na dapat kong tahakin.

Ako'y nawawalan ng pagasa,
Ngunit paano pa kaya aasa kung mismong tadhana ang nagbuklod sa ating dalwa.

Ikaw ang pangarap na hangang panaginip lamang na anumang oras ay pwedeng maglaho na parang bula.

Ngunit ako'y parating narito,
Nag hihintay ng tiyempong magkatotoo ang tilang imposibleng pangarap ko.

"Pangarap"Where stories live. Discover now