Luh! 

"Hindi 'no!" 

Inismiran ko siya at tumalikod na para bumalik sa pag-aaral. Ang kapal niya, ha! Kumain na nga lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ko habang natutulog siya roon sa likuran. 

May pumasok na kaklase namin pero nang makitang kami lang dalawa ni Yori ang naroon ay ngumisi siya at lumabas ulit. Ano ba 'yon?! 

Umiling na lang ako at nagsuot ng headphones para hindi ko marinig ang ingay nila habang nag-aaral ako. Two hours ang break kaya ang dami ko pang oras. Ginawa ko na rin ang mga assignments ko para wala na akong gagawin mamaya pag-uwi. 

Pero... problema ko rin 'yon. Ano na ang gagawin ko mamaya kung tapos ko na ang lahat?

Parang nakaka-guilty na kasi kapag walang ginagawa kapag nasanay ka nang lagi kang may ginagawa. 

Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko nang tapos na akong mag-aral at gumawa ng assignments. Inalis ko na rin ang headphones ko at tumingin ulit sa likod. Nagulat ako nang makitang nakaupo na si Yori sa sahig at nagbabasa na. Akala ko tulog pa rin siya! 

"Tingin mo ba mahirap ang quiz sa ELS next week?" tanong ko.

Akala ko ay magpe-pretend siyang hindi ako naririnig! 

"Hindi."

Yabang! 

"Paano ka nag-aaral?" curious na tanong ko. Baka may makuha akong tips sa kaniya.

"Nagbabasa." 

Obvious ba?! 

Sinandal ko ang braso ko sa sandalan ng upuan habang nakaharap sa gilid ang katawan ko. Nasa likod kasi siya kaya hindi ako makaayos ng upo habang nakikipag-usap.

"May oras ba ang pag-aaral mo?" 

"From seven P.M. until ten P.M. every night." 

"So ano ang ginagawa mo pagkauwi mo tapos maaga pa?" 

"Bakit ang dami mong tanong?" 

"Wala akong makausap."

Kami lang dalawa ang nasa classroom! Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaklase namin!

"Just talk to the wall." 

"Parang pader ka na ngang kausap, eh. Hindi mo na lang sagutin! May bayad ba 'yang hininga mo, ha? Ang hirap mong kausapin!" 

Bumuntong-hininga siya at padabog na sinara ang libro. Naistorbo ko pa 'ata siya. Nagtatanong lang naman! 

"I either help my sister with the restaurant or play games."

"Anong klaseng games? Board games?"

"E-games." 

"Mahilig ka pala roon?" 

Hindi niya ako sinagot at tumayo na lang para ibalik ang libro sa bag niya. Pagkatapos, kumuha siya ng Rubik's cube at umupo na lang, spreading his legs. Parang tamad na tamad siyang nakaupo roon.

"Nasaan na ang glasses mo?" tanong ko ulit. 

"I'm wearing contact lenses." Tinuro pa niya ang mga mata niya.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Humawak ako sa dalawang tuhod ko at nilapit ang mukha ko sa kaniya para makita nang maayos ang contact lenses niya. 

"May kulay?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga mata niya.

Hindi siya nakapagsalita at nilayo ang mukha niya sa akin. 

"Walang kulay." Nakaiwas na siya ng tingin sa akin.

"Hmm, okay. Ayaw mo ng red next time?" Umayos na ako ng tayo at bumalik sa upuan ko. "O kaya green? Or blue? Or grey?" 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Where stories live. Discover now