Huminto siya sa paglalakad nang makitang nasa loob na ng room ang teacher. Napaawang din ang labi ko. Nagsisimula na siyang magturo! Oh my gosh! Late kami?! 

Bakit ko pa kasi siya sinundan?! 

"Mauna ka na!" 

Tinulak ko siya nang mahina pero inalis niya ang kamay ko sa likod niya at sinamaan ako ng tingin. 

"Ikaw na," sabi niya pabalik.

"Ikaw na, kasi favorite ka niyan!" 

ELS teacher namin 'yon! Si Yori ang pinakamataas sa subjects niya kaya super favorite niya! Dapat siya ang mauna para hindi kami pagalitan. 

"Dali na! Kailangan kong habulin 'yong lesson!" 

Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napatingin ang teacher sa amin at natigilan sa pagtuturo. Pati tuloy ang mga classmates namin ay napatingin sa amin! 

"And why are you guys late?" kalmadong tanong ng teacher.

Tumingin ako kay Yori, hinihintay na siya ang sumagot. 

"I took Estella to the clinic, Ma'am." 

Ano?! Bakit ako ang ginamit nito?!

"Why? Is there something wrong, Estella?" 

"Ah... I vomited this morning, Ma'am. Okay naman po ako sabi ng nurse. Nasobrahan lang daw po sa kinain, and then binigyan lang ako ng medicine pampakalma ng sikmura," sabi ko.

Sinungaling. Grabe, hindi pa naman ako nagsisinungaling. Bwisit na Yori 'to! 

"Okay, take your seats." 

Oh, 'di ba?! Hindi nagalit! Gumana naman ang pagsisinungaling ko at paggamit kay Yori dahil favorite student siya sa subject na 'to. Hindi pa nakakaupo ay tinawag na si Yori ng teacher para tanungin tungkol sa pinag-aaralang volcanoes. Nakasagot naman siya kahit kakapasok lang namin. 

"Yiee, may paghatid sa clinic," pang-aasar ni Caitlyn. Friend ko na kaklase ko. Dito lang din kami nag-meet sa school na 'to. 

"Ano'ng mayroon? Enemies to lovers na ba?" Sumunod pa si Ollie. Kaklase ko rin. 

"Hindi 'no! May pinag-usapan lang kami!" tanggi ko kaagad. "Shh, huwag nang maingay. Baka magalit si Ma'am."

Nakinig na lang ako dahil kailangan kong i-pull up ang grade ko dito sa subject na 'to. Hindi sapat kahit mataas ang grade ko. I needed to do better. I needed to study harder. 

Pagkatapos ng ELS ay Oral Comm na, tapos finally, lunch break dahil wala kaming P.E. Every Wednesday at Friday lang ang P.E namin kaya mahaba ang lunch break namin ngayon. Two hours! 

Nilabas ko ang lunchbox ko at sa classroom na lang kumain dahil balak kong mag-aral. Nilabas ko rin ang libro ko at nagbasa habang kumakain ng hinanda sa aking lunch box ni Mommy. Unti-unti nang naubos ang mga kaklase ko sa classroom dahil lahat ay pumuntang cafeteria.

Nahulog bigla ang pencil ko at gumulong sa likuran kaya tumayo ako para pulutin iyon.

"Putek!" 

Gulat na gulat ako nang makitang nakahiga si Yori sa likod ng room. Naglatag pa siya ng kumot sa sahig at ginawang unan ang bag. Nakatakip ang mga mata niya ng panyo na inalis niya rin nang marinig niya ako. 

"What?" tanong niya nang tingnan ako. 

"Wala... Hindi ka kakain?" curious na tanong ko. Kami na lang ang naiwan sa room. 

"Mamaya." 

"Uhm... Okay. Hindi ba masakit sa likod diyan?" 

"Why? Are you worried about me?" Tumaas ang isang kilay niya. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Where stories live. Discover now