I looked at Nicole then looked at my girl then answered, "Azhia is the one I love. I love making love with her and I want to have children with her." sagot ko. "Come back to me, baby... I miss you a lot. Please, I love you."

Sa makalipas na buwan ay tila ba hindi na ako 'yung sarili ko. Para akong ibang tao. Ginugugol ko nalang ang sarili ko sa trabaho sa hospital para lang madistract ako.

"Ayusin mo 'yang ginagawa mo, Khalil. Buhay ng pasyente ang nakataya diyan sa trabaho mo." seryosong paalala sa akin ni Khalid.

"You don't have to remind me that. I know what I'm doing." mariing tugon ko.

"D*mn you, f*cker. Pinaaalalahanan ka lang, nagkakaganiyan ka na." inis na wika ni Kuya.

"Wala naman kasi akong sinabing kailangan ko ng paalala mo."

Hindi na sumagot pa si Kuya kaya nagtungo nalang ako sa kwarto ko para magbasa ng iilang libro. Pagod na ako galing sa hospital dahil sa tagal ng operasyon na ginawa ko ngayon pero heto pa rin ako at magbabasa pa ng mga libro. Hindi kasi ako makatulog kaagad kaya dapat lang na may gawin ako, kundi ay kung ano-ano na naman ang maiisip ko.

"Let's eat, Khalil." rinig ko aya ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko.

"I already ate my dinner!" sigaw ko para marinig niya.

"Just f*cking go out in there then we'll gonna eat! Ilang buwan na tayong magkasama pero ganiyan ka pa rin." reklamo nito.

Tama siya. Ilang buwan na kaming magkasama sa iisang bahay. Hindi ko nga alam kung bakit ba sumisiksik siya rito sa bahay ko e magkatabi lang naman kami ng bahay.

Siguro okay na 'yung ilang buwan no? Siguro deserve ko ng makita at makausap ulit siya?

Nakipag-usap ako sa Daddy ni Azhia. I proved myself to him that I'm deserving to have his only daughter. Matagal ko ring sinuyo-suyo si Tito hanggang sa mapapayag ko ito ng tuluyan at kinasabwat ko. Balak kong magpagawa ng bahay para sa amin at siya ang kukunin kong engineer.

"Good afternoon, Sir." bati ni Architect, tumayo pa para makipag kamay sa akin. Napaiwas ako ng tingin ng may binulong ang lalaking arkitekto kay Azhia.

"Good afternoon, Sir." propesyonal na bati ni Azhia.

"To you, too, Engr., Architect." balik pagbati ko saka bumeso kay Azhia. "You turned me on." bulong ko sa kaniya.

"Why don't you invite them later, Doc?" suhestiyon ni Keann na kararatimg lang.

"May ano, Doc?" chismosong tanong ng arkitekto.

"Hope you two come later on my birthday party." pag-imbita ko. "I'll text the club's name to Engr. Iguico."

"Why don't you just say it now, Doc?" pagtataray sa akin ni Azhia.

"Why don't you just wait for my text later?" pambabara ko kaya napairap ito.

"Sabihin mo naman Doc na ti-triplihin mo ang bayad sa ipagagawa mong bahay kapag um-attend kami." napailing-iling ako sa sinabi ng arkitekto. "Alam mo na Doc, busy kami. Syempre pag-aaksayahan namin ng oras 'yang party mo."

"T*ngina. Isara mo 'yang bibig mo, Dio!" inis na saway ni Azhia.

"No, it's okay." sagot ko.

"W-what do you mean, Doc?" gulat na tanong ni Architect, nanlalaki pa ang mga mata.

"I'll triple the payment... just attend my party later." kaswal lang na sagot ko.

"L-let's start our real business here." tugon nalang ni Azhia.

Nagpakita sila ng magpakita ng mga drawing nila pero wala talaga akong mapili. Hindi ko alam kung gusto ba niya ng malaking kusina o okay na siya sa maliit lang. Kung ilan ba ang gagawin naming anak para mabilang na sa kwarto o kung ano.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadWhere stories live. Discover now