Special Chapter III

291 29 1
                                    

Cole's Pov

Kasalukuyang nasa boracay kami kasama sila Lara , Brei , Jaydee , Abby , Dana , Concon and lastly si Gabb na tahimik lamang sa ngayon , siguro ay naiilang pa din siya sa amin kahit na napatawad naman na namin siya at lalo na ako sa mga nangyari sa amin sa nakaraan.

Napabuntong hininga ako at ibinaling na lamang ang aking tingin sa ibang bahagi ng resort na aming kinatatayuan sa ngayon gayung maya maya ay sasakay na kami ng yacht na pagmamay ari ni jaydee patungong katiklan which is malapit lang naman rito sabi nung kapitan. Ewan ko nga ba kung bakit kinakabahan ako sa maaaring maging kaganapan mamaya gayung magpopropose ako ulit kay Yzabel which is sana maging successful na.

Since hindi ko na din mabilang kung ilang beses na ba ako sinaktan at nireject ng babaeng iyun ngunit kahit ganun? Handa akong tanggapin siya ng paulit ulit. Na kahit gaano katagal maghihintay ako sa panahong matagal ko nang inaasam at yun ay ang makasama siya sa iisang bahay at ang maging masaya.

"Lalim ng iniisip mo pre ah?! Kinakabahan ka ba para sa mangyayari mamaya?" Pagtapik naman sa akin ni Jaydee na kumakain ngayon ng chocolate icecream na kalaki laki , lumalala na talaga ang katakawan ng kapatid kong ito , nag aalala lang ako gayung baka magka diabetes siya sa sobrang pagkain niya ng matatamis na pagkain.

"Oum magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan jaydee , ever since nung nakilala ko si yzabel ay may kakaiba na akong nararamdaman everytime na nakikita or naiisip ko siya" napatingin ako sa may kalayuan gayung lumalalim na din ang gabi at tilay nagsisilbing ilaw ang buwan at mga bituin sa kalangitan na kay gandang pag masdan sa ngayon habang humahampas ang malakas na hangin sa aking mga balat.

"Mahal na mahal mo talaga siya ano?" tanong niya sa akin habang seryosong nakasalpak ang kutsara niya sa may bibigan. Napatango naman ako bilang pagsang ayon sa kanya gayung hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay yzabel magmula noon hanggang ngayon.

"Oo naman higit pa sa buhay ko jaydee , nakakalungkot lang gayung umabot pa ng ilang taon at wala pa ding progreso sa relasyon na matagal na namin nais makamtan. Napapaisip na din ako kung talagang ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko o tama na at tanggapin na lamang ang aming kapalaran---- Aray naman!!" napahawak na lamang ako sa bandang uluhan ko nang biglaan na lamang akong batukan at sipain sa may paanan ng dolphin kong kapatid na seryosong seryoso ang mukha ngayon at nakahawak na nang mahigpit sa kutsara na baka maya maya'y maisaksak niya sa akin sa sobrang seryoso niya.

"Tarantado ka ba?! Ngayon mo pa talaga iisipin ang bagay na yan ah?! Nako drei sinasabi ko sayo na marami na akong sinakripisyo para lamang tulungan ka sa araw na ito kung kaya'y kung may balak ka pang umatras ay pareho ko kayong ilulubog ni Yzabel sa gitna ng dalampasigan!" gigil na wika niya na sanhi upang mapatingin sa amin yung iba naming kasama rito.

"Hoy!! Anong kaguluhan yan ah? Kalmahan mo lang jaydee?" wika naman ni concon habang papalapit sila sa amin.

"Kupal kasi tong si Ate Cole!! Ack nanggigil ako!" singhal nito saka napadakot ng icecream muli upang kumain.

"Bakit may balak ba umatras tong kapre na to sa kasalan mamaya?" mausisang aniya naman ni Lara habang nakaakbay na sa akin at medyo may kabigatan iyun.

"Kung may balak kang umatras edi okay lang sa akin nalang si Yzabel bro!!" singit naman sa usapan ni concon na nagpasalubong ng dalawang kilay ko.

"Gusto mo bang hindi na makalakad concon?" seryoso kong singhal sa kanya na dahilan upang mapahagalpak ito ng tawa , maging yung iba din ay napasabay na.

"Chill , sayong sayo na kaya pakialagaan nalang bro! Kasi kung hindi? Ikaw ang uupakan ko Andrei!" paglapit nito sa akin habang may malawak na ngiti na binibigay sa akin.

My Secret Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon