****

NASA isang restaurant si Andra at Miguel, inaya siya ni Miguel mag dinner. Tumawag kasi ito at mukhang problemado at kung pwede raw silang magkita, kailangan daw nito ng makakausap. Sinundo lang siya nito sa opisina niya kaya sa sasakyan siya nito sumakay. Ginamit naman ni Preyh ang kotse niya dahil nasa auto repair shop ang kotse ng huli.

"Anong problema Miguel?" Tanong ni Andra habang naghihiwa ng steak.

"Wala naman, may hindi lang ako na-close na deal. At malaking bagay 'yon sana sa kompanya kung nakuha ko 'yon." Anito na may mahihimagan ng panghihinayang at lungkot sa boses nito.

"Hayaan mo na Miguel, siguro hindi lang talaga 'yon para sa'yo. Mas meron magandang kapalit 'yon. Believe me." Napangiti naman si Miguel sa sinabi na 'yon ni Andra.

"Thanks Andra, alam mo ba,
Something was definitely different to me now."

"And that is...." Naka-ngiti niyang sabi

"Dati kasi, kapag may problema ako, no one else has been able to mitigate my burden . Pero ngayon, kayang kaya mong pagaanin ang loob ko." Napangiti naman ng husto si Andra sa sinabi nito.

"Even Martina?"

"Hmm! She did, but she made a lot of effort to ease my burden.  But you, in just one snap of your fingers, okay na." Natawa si Cassandra sa sinabi nito.

"Hay Miguel! That's bola na eh."

"Of course not! Totoo 'yon promise."

"Then, I'm happy to hear that Miguel. Kaya pala ako ang tinawagan mo. Maybe I have the ability  to do that, baka pwede kung pagkakitaan yon." She said and they both laughed.

Bigla naman nag ring ang phone niya at agad niya itong kinuha. Nakangiti niyang sinagot ang phone ng makitang si Iñigo ang tumatawag.

"Hello Iñigo."

"Hi baby, I'm going to pick you up. Mag-date tayo." Masiglang sabi ni Inigo sa kabilang linya.

"Oh! I'm sorry baby, I'm with Miguel right now. Nag-dinner kami."

"What!?" Hindi man niya nakikita alam niyang naka busangot na ito. Sa pag iiba palang ng boses nito at ang marahas na pag hinga nito na rinig na rinig niya.

"Ganito na lang. Puntahan mo na lang kami dito sa restaurant. Dito lang kami sa steak house sa malapit sa office."

"Hindi na, I'll go home na lang. Baka nasa bahay na si Gelo."

"Okay, after this uuwi na ako agad. I love you."

"I love you too." Sagot ni Iñigo pero walang sigla ang boses nito. Pinatay ni Andra ang telepono at muling binalik sa bag ang cellphone.

"Miguel I think, I should  go na. "

"Nag seselos ba sa akin si Iñigo?" She just nodded her head in response.

"I can't blame him for that. Kung ako man siguro baka ganun din, at  hindi ko hahayaan mawala ka sa paningin ko kahit saglit lang."  He said

"Hayy! Damn him! He's the luckiest man on earth to have  you. At kinaiingitan ko talaga 'yon." He said and smirked.

"Miguel naman! Masyado mo naman pinapalaki ang tenga ko niyan eh."

"Just stating the fact Cassy." Ginagap ni Miguel ang kamay niya at biglang sumeryoso ang mukha nito.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now