"Ha ha ha si lola talaga oh kung anu ano ang pinagsasabi!..tumatawang saad ni Neil..

"Eh totoo naman!...sagot ni donya Isabel..

"Buti nga at wala kang girl friend dahil kung mayroon ay tiyak na hiniwalayan ka na niya dahil sa sibrang selos nito!,..hmm maiba nga pala ako ng usapan apo ko!....maya maya ay wika ni donya Isabel..

"Ano iyon lola?...kunwari'y tanong ni Neil ngunit alam na nito ang ibig niyang sabihin..

"Talaga bang wala ka paring nobya hanggang ngayon?...nagtatakang tanong ni donya Isabel sa apo nito..

"Yap lola!..as in wala talaga!...sagot ni Neil..

"Huh!...eh bakit hindi mo nalang ligawan si Mia iyong anak ni Mayor Sonny Laserna!,..balita ko at may gusto yata sa iyo iyon dahil minsan ay nabanggit sa akin ni mayor ng magkita kami sa may simbahan!....ani donya Isabel..

"Lola pasensiya na po ngunit hindi ko pwedeng ligawan si Mia dahil wala akong gusto sa kanya at tanging kaibigan lang ang turing ko sa kanya at isa pa po eh saka na muna ang pagkakaroon ng nobya dahil kung talagang darating ang babaeng para sayo ay darating iyon at walang sinuman ang makakapigil!..... pahayag ni Neil na sinang ayunan din ng mag asawa sa huli...

.....

Nagising si Tiffany sa tilaok ng manok at ng buksan niya ang bintana ay nagsisimula ng lumabas ang haring araw kaya naman nag inat siya at ng maalala niya ay hindi na pala siya kumain ng dinner dahil nakatulog siya at pati ang damit niya ay hindi na niya nagawa pang palitan...

Nagtungo siya sa banyo upang linisin ang sarili at ng matapos ay saka nagpalit ng pang jogging na damit na halos kalahati ng dibdib ang lumalabas at ang ikli nito ay labas na ang tiyan nito at ang ikli ng short nito ay kita halos kita na ang kanyang singit...

"Good morning lolo!,,..bati ni Tiffany sa kanyang lolo Simon na halos mapanganga sa hitsura nito..

"Magandang umaga naman apo!,..eh saan kaba pupunta at ganyan ang suot mo?..nakakunot ang noong tanong ni lolo Simon..

"Magja jogging po lolo at nakagawian ko na ito araw araw para ma enhance ang aking sexy figure at nakakatulong din ito para mapanatili ang ating kalusugan!...turan ni Tiffany sa kanyang lolo saka uminom ng tibig na siyang gawain niy asa umaga at hindi siya kumakain ng kahit na ano..

"Oo apo nakakatulong ang pagja jogging sa araw araw sa iyong kalusugan ngunit ang hitsura ng damit mo ay mapanganib sa kapaligiran lalo na sa mga lalaking adik na nagkalat sa paligid!..,iiling iling na wika ni lolo Simon..

"Lolo do you think na magdadamit ako ng kagaya ng mga girls dito sa probonsiya?!....ani Tiffany habnag isinusuot nito ang kanyang sapatos na pang jogging...

"Why not!...mariing sagot ni lolo Simon...

"Of course not lolo!,..and i won't to become a girl like them!...ani Tiffany saka agad na lumabas ng bahay upang tumakbo...

Dahil hindi pa gaanong kabisado ni Tiffany ang pasikot sikot sa probinsiya at lugar ng kanyang lolo Simon dahil bata palang ng huli siyang makauwi ng Pilipinas dahil mostly ng malakas pa ang kanyang mga lolo at lola ay sila ang dumadamay sa kanila sa states....

Halos dalawang oras siyang nag jogging ng nagpasya niyang bumalik na dahil lumabas na rin ang haring araw at medyo mainit na rin...

Dahil hindi pa gaanong maliwanag kanina kata ng sumikat na ang araw ay hindi na alam ni Tiffany kung saang daan siya babalik sa bahay ng kanyang lolo at lola kaya walang kasiguraduhang binagtas niya ang isang makitid na daan...

Halos mag iusang oras na siyang naglalakad ngunit hanggang ngayon ay hindi parin niya marating ang bahay ng kanyang lolo at lola at napapansin niya na parang wala ng bahay ang kanyang nadadaanan kaya ipinasya niyang babalik na ng parang may marinig siyang parang lagaslas ng tubig..

Parang biglang naging intresado siya sa narinig na iyon kaya naman ipinagpatuloy niya ang paglalakad at binilisan pa nito ang kanyang mga hakbang at habang papalqpit siya sa lugar ay mas lalong lumalakas ang lagaslas ng tubig at ng marating niya ang lugar na iyon ay hinawi niya ang matataas na talahib at lumitaw sa kanyang paningin ang napakagandang tanawin na animo ay isang paraiso..

"Wow awesome!,..what a beautiful place!...humahangang sambit ni Tiffany saka nagmamadaling hinubad nito ang sapatos at naupo sa may batuhan at inilubog nito ang mga paa sa tubig sa may sapa na may punakadulo nito ay may bukal na nagmumula sa taas ng bundok...

Ang sapa ang kinaroroonan ni Tiffany na siyang umagaw ng kanyang atensiyon ay walang iba g nagmamay ari kundi ang FAMILIA BELTRAN,..at ang daang binaybay ni Tiffany ay siyang dinadaanan ng mga mamimili sa kanilang mga produkto...

Matapos ang kalahating minutong pamamahinga ay ipinasya ni Tiffany na maligo dahil napakalamig ng tubig at gusting gusto niyang magtampisaw at parang namiss niya ang lumangoy sa dagat na siyang hilig niya at kahit na gaano pa kalalim ay kayang kaya niyang languyin...

Dali dali niyang hinubad ang kanyang short at racer back shirt at inilagay sa malapit sa tabi ng kanyang sapatos at ang naiwang saplot sa kanyang katawan ay ang kanyang panty at bra nalang saka dahan dahang lumusong sa tubig...

"Wow ansarap ng tubig anlamig!...nakangiting wika ni Tiffany sa sarili...

....

Samantala ay nakailang ikot na sina Jacky at Neil sa hasyenda dahil sa pagte training nito sa kabayo at ng makita niyang medyo pagod na ang kabayo niya ay ipinasya niyang dalhin sa may sapa para makainom ito dahil malapit lang sila roon..

Agad na bumaba sa kabayo ni Neil at hinila ang kabayo palusong sa tubig ngunit humalinhing ang kabayo at parang mayroong kinakatakutan kaya napatingin si Neil sa paligid at laking gulat ni Neil ng may makitang babae na naliligo sa sapa sa may talon mismo,...akala ni Neil ay isa lang na guni guni ngunit ng ikurap niya ang kanyang mga mata ay naroroon parin ang babae at masayang masaya na nagtatampisaw at ni walang pakialam sa paligid...

Ngunit maya maya lang ay biglang lumusong ito sa tubig at ilang sandali na ang nakakalipas ay ni hindi man lang umaahon kaya kinabahan na si Neil na baka nalunod na ang babae..,
Sandaling nagpalipas siya ng ilang minuto pa ngunit wala parin kaya agad niyang itinali si Jacky at inalis nito ang suot na jacket at t shirt saka agad na lumusong sa tubig upang sagipin ang babae na sa palagay niya ay nalunod na....

ITUTULOY!!!...

Revenge 3....Paraiso sa Piling Mo..."Neil & Tiffany"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon