Chapter 2

11 2 0
                                    



Nagising ako sa paulit ulit na doorbell.

"Ang weird ng panaginip ko." Bulong ko bago tumayo.

Kase naman nagka scandal daw ako tas pumunta ako sa playground tapos may sumulpot na lalaki then bigla nalang siyang nawala.

Napailing iling nalang ako kahit panaginip di ako makapaniwala, parang totoo pero imposible naman yon, ano nag magic siya?

Narindi nako sa paulit ulit na doorbell kaya tumungo nako sa pinto.

"Saglit lang ano ba, sisirain mo ba yan Kenz—" Napahinto ako sa napakagwapong lalaki na nasa harap ko ngayon.

I cleared my throat, "Sino ka pala?" Wala naman akong pina deliver ha, kinuha ko ang phone ko para tignan kung may nakalimutan akong order.

"Sabi ko diba dadalaw ako rito?" Napatigil ako sa pag pipindot at napatingin sa kanya.

Kaboses niya yung lalaki sa panaginip ko, pero bakit?

"Sino namang nagsabi sayong panaginip 'yon?" Napa atras ako at bago pa man ako mapasigaw ay sumara na ang pinto ng condo ko.

"I-ikaw! Bakit mo bako pinepeste ha?! Ano ba talagang kailangan mo sa akin?"

"I just need an answer chill, hindi kita papatayin, hindi pa." Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi pero, dapat bakong magtiwala? Hindi niya daw ako papatayin, at mukhang maganda naman yung deal niya kagabi.

Napailing ako, Athena wake up hindi ka mamamatay tao.

Narinig ko siyang tumawa.

"Hindi naman ikaw ang papatay sa kanya, at hindi ka rin masasabit." Umupo naman siya sa sofa ko, wow ha feel at home.

"So anong kailangan kong gawin?" I asked.

"Ang gagawin mo lang ay sagutin ako at makipag deal sakin." Pasiguro niya.

Should i say yes? I mean, i also want my career back.

"F-fine." How could i say this? Kahit hindi ako ang papatay sa kanya feeling ko mamamatay tao pa rin ako.

"N-no i mean, ayoko final na." Napatitig lang siya sakin, at ngumiti. He looks really innocent so how can he kill someone?

"A-atsaka ang bata bata mo pa, mas matanda pa ata ako sayo, ganito naba ang mga kabataan ngayon?!" Sigaw ko sa kanya.

"Pfft, what are you? A grandma? And besides i'm far more older than you think." Well may mga ganon nga naman, mukha lang batang tignan pero matanda na.

"Bakit? Ilang taon kana ba?" Hindi sa iniisip kong may pag asa ako don't get me wrong, i don't wanna date a murderer.

"Pag sinagot ko ba 'yang tanong mo, papayag ka sa deal?" Ang kitid naman ng utak neto.

"Hindi ba't sumagot nako? Ayoko." Tumawa naman siya.

Baliw ba siya? Anong nakakatawa? Hindi ba dapat mainis siya kase 'no' ang sagot ko?

"What kind of receipt do you want? A picture of his head? hands? eyes? or do you want to see it with your own eyes?" Sabi niya habang nakangiti, okay he's really creepy.

I wanna get out of here, i should.

Dahan dahan akong naglakad patalikod, at dali daling tumakbo sa pinto pero hindi ko mabuksan, napatingin ako sa kanya na tumatawa ng malakas.

"Ayaw mo naba akong kausap? Nag effort pa naman akong puntahan ka." As if gusto ko namang puntahan moko.

"Umalis kana!" Sigaw ko sa kanya bigla namang umilaw ang singsing na ibinigay sakin ng papa ko dati, napatingin ako sa gawi niya pero nung nawala ang ilaw ay nawala rin siya.

What happened? Natakot ba siya sa singsing ko? Napatitig ako sa singsing ko.

"Pano ka umilaw?" Bulong ko sa hangin.

-

Nandito ako sa kwarto at parang baliw na kinakausap at inuutusan ang singsing ko.

"Umilaw ka." Dinilat ko ang mata ko pero hindi siya umilaw. Pumikit akong muli.

"Paliparin moko." Dinilat ko uli ang mata ko pero hindi parin ako nakakalipad.

Natawa nalang ako dahil mukha nga talaga akong tanga, pano naman magkakaroon ng kapangyarihan 'tong singsing ko? baliw nanga siguro talaga ako.

napahiga nalang ako at tumawa, siguro magpacheck nako sa psychiatrist nag iilusyon nako sa mga bagay bagay.

Pero baliw nga ba talaga ako? Kitang kita naman kase yung parang magic na pinapakita niya sakin, hindi rin naman ako nananaginip. Napabuga nalang ako ng hangin, naririnig kaya niya ako?

"Hi? Naririnig mo bako? Hindi ko alam kung naririnig moko, pero alam mo bang dahil sa ginawa mo ang daming katanungan ang nabuo sa utak ko? Kasalanan mo 'to eh, alam mo papatawarin naman kita, basta i eexplain mo sakin lahat. Gaya ng 'bakit may powers  ka?' 'bakit nakikipag deal sakin?' 'ano kaba talaga?' nakakagulo na." Para akong tangang nakikipag usap sa hangin kaya tumawa ako uli ng malakas.

"Omygod, nababaliw naba talaga ako━"

"You called for me?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses n bumulong sakin.

naka side pose siya habang nakahiga sa kama ko at bumabalanse gamit ang isang kamay sa ulo.

"I thought you want an answer." Sabi niya at umupo nang maayos sa kama ko, ang kapal rin ng mukha ng isang to eh 'no? kung wala lang talaga siyang kapangyarihan, malamang sinaksak q na yang pagmumukha niya.

"Ang brutal mo naman, hindi naman kita sasaktan." Pano ako makakasiguro eh puro pagpatay nasa utak niya?

"Wag mo ngang binabasa nasa isip ko, chismoso kaba?" Inirapan ko nalang siya.

"Bat ba sumusulpot ka nalang dito bigla? Sasagutin mo ba talaga mga tanong ko?" 

"Of course i will, if tatanggalin mo 'yang singsing mo for atleast ten minutes." Huh?

Hindi kaya tama ako? May kapangyarihan 'tong singsing nato? O kaya allergic siya dito? Kaya nung sinabi kong mawala siya umalis siya bigla? Omg.

"No, ayoko nga. Ang sus ng pinapagawa mo sakin."

"What? pwede mo rin naman ibalik agad ah? And baliw kaba? Walang kapangyarihan yan." 

"Hoy sinasabi ko sayo tigilan mo pagbabasa ng utak ko tatadyakan kita." Pinag cross ko ang braso ko, "So, sagutin mo ang mga tanong ko."

"Okay, I'm Asmodeus." Sabi niya habang nakangiti.

Ano ba Athena wag kang madistract sa mukha niya.

Tumawa siya ng mahina, bakit ba pati pagtawa niya ang pogi?! inaakit niya bako?!

"Ah okay, so uhm, bakit nakikipag deal ka sakin? wala kabang ibang maistorbo ha? kung bored ka sa buhay mag pakamatay ka, wag mo nakong dinadamay sa kalokohan mo." 

"It's because you're my wife, so i should help you right?" Nasamid ako sa sarili kong laway.

"ANO?! W-WIFE? A-A-AKO?" What? nagka amnesia bako bago ako maging artista? o gino good time niya bako?

"A-as far as i remember, hindi pako kasal no!"

"Nah, pinanganak ka palang kasal kana sakin." Bakit parang ang kalmado niya sa gantong sitwasyon? Hindi ba niya alam meaning ng kasal?

"E-eh bakit hindi tayo magkasama kung kasal tayo? No, ayokong maniwala sayo." Tsaka pinanganak palang ako kasal nako sa kanya? Gaga ba siya?

He sighed, "Athena, I'm Asmodeus the king of demons." Sabi niya bago mawala uli na parang bula.

-

Hi this is sio, may mga idadagdag nga pala akong characters na malamang hindi nag eexist sa demon world and then tatanggalin ko din ang anak ni asmodeus since ibang story to.

but that's all i'm also planning if ever na maka ahon ako sa chapters neto ay makagawa ako ng spinoff, i'll let everyone vote.

THANKYOU!!



Love InfernoWhere stories live. Discover now