"May nakakalat at nakatagong iba't ibang gulay at prutas sa loob ng campus at kailangan niyo itong mahanap. Bibigyan namin kayo ng 1 hour sa paghahanap at ang grade level na may pinaka madaming mahahanap ay syempre ang mananalo!" masiglang pag eexplain ng emcee sa'min.


Hindi kaya kami malugi neto? Malamang alam ng ibang SSG Officers kung nasaan ang ibang gulat at prutas dahil parang halos lahat ng Officers ay tumulong sa pagtatago ng mga 'yon.


Siguro naman hindi nila sasabihin kung nasaan at mananahimik nalang ang mga Officers para maging fair sa lahat ng estudyante ang Treasure Haunting na 'to.


"Students, your Treasure Haunting time starts... Now!" Anunsyo ng aming emcee.


Agad namang nagsilabasan ng gymnasium ang karamihan ng estudyante at nag-umpisa na sa paghahanap ng mga nakakalat ngunit mga nakatagong gulay at prutas sa labas,loob, gilid, harap at likod ng buong campus. Mukhang lahat ata ng estudyante dito competitive hays.


Hindi ko nga alam kung may price ba kapag ang level niyo ang nakahanap ng pinaka maraming gulay at prutas. Baka mamaya tamang frutos lang maging premyo, baka masakal kami ng grade level na 'yon. 


O 'pwede din naman na ang mga gulay at prutas na mahahanap nila ay paghahatian na nila at pwede na nilang iuwi sa mga bahay nila. Ewan, hindi ko talaga alam.


Yung totoo? SSG Officer ba talaga ako? Aba hindi ko alam kung anong tunay na rules dito at premyo eh, grabe na talaga 'tong utak ko. Hindi na ako natutuwa.


Inuna namin maghanap sa loob ng gymnasium total andito na din naman kami. Nilibot namin ito hanggang sa...


"Hoy! May ampalaya dito, guys!" sigaw sa'min ni Gerald, isa sa classmate namin.


"Ay ampalaya! Mga bitter kasi kayo, anak!" pang-aasar sa'min ng Adviser namin.


"Syempre, Ma'am! Aba mana kami sa inyo eh!" sabi ni Yssiah sabay kindat kay Ma'am.


Kapag itong si Yssiah nahambalos ni Ma'am ng wala sa oras tatawanan ko talaga 'to.


"Itong batang 'to!" sabi ni Ma'am kay Yssiah.


HAHAHA!, napapala mo Yssiah, my friend!


"May plastic ba kayong dala?" tanong ko muna kay Gerald.


"Meron naman, maghiwa hiwalay tayo para mas madami tayong makita at maipon." sabi niya sa'ming lahat.


Tumango lamang kami at nag-umpisa na din pumunta ang iba naming classmates sa ibang parte ng campus para maghanap. Samantalang kami ay pumunta sa bandang canteen para doon maghanap.


"Ang hirap pala nito, paano kapag wala tayong nakita at makuha kasi naunahan na tayo ng iba?" saad bigla ni Valerie habang papunta kami sa loob ng canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Right Time [Prayer of Love #1]Where stories live. Discover now