"PAMILYA"
✍️: LadyAilouros
Lagi tayong pinapasaya
Lagi tayong binibigyan ng pag-asa
Lagi tayong tutulungang bumangon
Hindi hahayaang matangay tayo ng alon
Ito ba ang tinatawag na pamilya?
Marahil ito na nga
Lahat tayo mayroon nito
Lahat tayo kasama dito
Minsan ay nagkakagulo
Dahil lahat hindi papatalo
Minsan pa'y magtuturuan
Dahil ayaw na mapagalitan
Ngunit sa kabila ng kaguluhan
Nanaig parin ang pagmamahalan
Pipiliin paring magkaisa
Dahil iyon ang tunay na pamilya
Sa pamilya dapat ay pantay-pantay
Dapat ay makikinig lagi kay Nanay at Tatay
Hindi dapat tayo namimili
At lahat dapat ay matutong tumanggap ng pagkakamali
Kapag may hindi pagkakaintindihan
Hindi pwedeng may pinapaboran
Lahat dapat walang kakampihan
Sa gayon ay problema madaling masulosyonan
Matutong pakinggan ang hinaing ng bawat isa
H'wag magpapadala sa mga problema
Hindi lahat nadadaan sa maayos na usapan
Ngunit sana huwag nating kakalimutan,
na mas mahalaga ang pamilya higit kanino man
YOU ARE READING
POEMS [Collection]
Poetry🐱, :: These poems were already posted on my writer account (rpa). So don't be shock anymore if some of them may familiar to you. :: All photos in this book aren't mine. They are all from Pinterest. Credits goes to the real owner. All rights reserve...
![POEMS [Collection]](https://img.wattpad.com/cover/319698243-64-k3a7a72.jpg)