DADDY'S SECRETARY III

Start from the beginning
                                    

"Kain na daddy." saad ni karylle. Nag titinginan silang dalawa at hinihintay ang reaction ng kanilang anak. Palipat lipat rin ang tingin nila dito.

Tumingin tuloy sa kanila si via bago sila nginitian.

"Ang cute nyo po. And mommy K alam mo bang may sinabi sakin si daddy?" naka grin na saad ni viana.

"Viana Marieylle." may pagbabanta na sabi nito pero tumawa lang sya.

"Yes? Ano yon via ko?" nakatitig na sabi ni karylle kay via.

"Daddy said you always makes him happy."

Tumingin naman si karylle kay vice bago niya ito ngitian ng sinsero.








Gabi na at nasa park pa silang tatlo. Naka hilig naman si via kay karylle habang nakayakap ito sa kanya.

"Kwentuhan mo po ako." sabi ni via kay karylle bago ito tumitig sa kanya.

"Anong gusto mong ikwento ko sayo?"

"Anything po." nakangiti niyang sabi. Tumingin naman si karylle kay Vice at nag nod ito.

"When I was fifteen years old, I had a boyfriend. And after a year nag buntis ako. I was sixteen that time." napatingin si viana at napatitig kay karylle.

"Po? May anak ka na?"

"Yes. May baby na ako. Pero patapusin mo muna yung kwento ko, baka mag tampo ka sakin."

Hinayaan naman ni vice si karylle na mag kwento sa anak nila.

"Sabi nung daddy ng baby ko, papanagutan nya ako. Magiging kami na, as in titira sa iisang bahay. Yung daddy ng baby ko seventeen lang that time. Pero hindi ko yon naibigay sa kanya, hindi ako pumayag. Kase pakiramdam ko hindi pa ako handa maging mommy nya. Kaya binigay ko sya sa daddy nya. Pero ngayon alam mo ba gustong gusto ko na sya makasama? Kung pumayag lang pala ako na sumama sa daddy nya at hinayaan kong maging kami. Baka wala akong namissed sa buhay ng baby ko. " saad ni karylle sa kanya habang pumapatak ang luha niya.

" Nasaan yung baby mo po? " naluluhang tanong ni via sa kanya.

"Nandito sa tabi ko ngayon, kausap ko." naka ngiting saad ni karylle. Tumingin si viana kay daddy nya na parang nag tatanong.

"She's your real mom, viana." Vice.

Nanginginig man, hinawakan ni karylle ang kamay ng anak. Hindi pa rin niya mabasa kung ano ang totoong reaksyon nito sa kanya.

"Mommy," saad ni via at agad na niyakap si karylle. Hinalikan nya rin ito sa pisngi.

"I told you. If makikilala ko ang mommy ko, I'll grab the chance to know her more." Naka ngiting sabi ni viana sa kanya.

"May mommy na ako for my seventeenth birthday. Thank you daddyyy" hinalikan rin nya sa pisngi ang ama at niyakap ito ng mahigpit.

"Hindi ka nag tatampo sakin?" tanong ni karylle sa anak.

"Nope. Hindi mommy. Bakit pa ako mag tatampo, nandito ka na samin ni daddy."













"Happy birthday anak ko!" may hawak na cake si karylle habang paupo sya sa bed ni viana habang si vice naman ay may hawak na balloons.

"Huhu mommy and daddy thank you." niyakap nya agad si karylle at hinalikan ito sa pisngi. Bumangon rin sya at inabot ang daddy nya bago nag lambitin ito sa ama.

"Mukhang hindi sya seventeen years old, love. She's enjoying her teenage years. Hindi ako nagkamali na ibigay sya sayo. Ang baby nya tignan oh." sabi ni karylle at nilapag ang cake sa bed. Lumapit naman sa kanya si viana at niyakap sya.

"Baby mo ko kahit kasingtangkad mo ko mommy?"

"Oo naman!" niyakap nya rin ito pabalik.






"Ah daddy! Now I get it kung saan nakuha ang pangalan ko!" sabi ni via habang nakatitig sa ama at sa mommy nya.

Natawa naman ang mga ito sa kanya.

"Viana from Vice and Ana. And Marieylle from Marie and Karylle."

"Yes baby. Kami ni daddy nakaisip ng name mo nung nalaman namin na babae pala ang magiging baby namin."

Maya maya pa ay may kinuha na envelope si karylle at nilabas mula roon.

"Pero mukhang ngayon kailangan na naman natin mag isip ng name love." pinakita niya yung ultrasound at ang picture nun.

"See this lil' pea, love? It's our baby." sabi ni karylle at lumipat ang tingin nya kay viana.

"Oh my, mommy! May kapatid na ako!" niyakap nya ang ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Daddyyy, baka mag tumba ka!" saad ni viana ng makita ang reaksyon ng ama. Niyakap rin naman niya si karylle.

"I love you so much, Karylle. I promise, ikakasal ka sakin after that itutuloy mo na yung pag aaral mo kapag nakapanganak ka."

Lahat ng pangako ni vice kay karylle ay natupad nga. Kinasal sila habang buntis si karylle sa second baby nila. Nanganak si karylle sa second baby nila at matapos noon ay pinag aral sya ni vice. Hindi rin naman sya nag kukulang ng oras kay viana, palagi pa rin siyang kasama nito.

Hindi niya alam kung paano niya napagkakasya ang oras nya bilang asawa, ina at bilang estudyante pero masaya sya.

"Thank you love, for making me your secretary." Karylle. Agad naman sya niyakap ni vice at hinalikan sa labi.

"Dun lang pala mag sisimula ang lahat. Thanks to viana." natatawa niyang sabi. Tinitigan nya si Karylle sa labi at ngumisi.

"Room?" tanong ni vice sa kanya.

"Yes room.. Room ni Vrylle." nakatawang saad ni karylle. Napakamot naman ng nape si vice.

"Love pleaseee."

Tinetease lang naman nya talaga ang asawa, pero maya maya lang ay nakita niyang buhat ni Viana ang kapatid at umiiyak ito.

"Mommy, gutom na si vrylle."

Tumitig si karylle sa asawa at tuluyan syang natawa. Kinuha naman nya ang bunsong anak mula kay via.

Bumulong rin sya kay vice, "Later love, when our kids are sleeping."

Nag wink pa sya dito at pumunta sya sa nursery room para patulugin ang bunsong anak.











-the end

A/N:
Hayyyy, dito lang ako sinipag mag ud. Quite long! Naka tatlong ud pala ako dito. Sana nagustuhan nyooo. Thanks for reading. Do vote! Thank you!

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now