DADDY'S SECRETARY

Start from the beginning
                                    

"okay. Ako na lang pupunta. Uuwi ako before mag gabi. I promise." niyakap niya ang ama at nag lambitin pa sa leeg nito bago niya yakapin.

Pinayagan naman na ni vice ang anak at nag bilin dito na wag magpapakagabi sa pag uwi. Alam naman nya na sumusunod ito sa kanya.

Sa paglalakad ni Viana, nakakita naman sya ng isang aso na parang naka kawala mula sa may ari. May tali kasi ito.

Tinawag nya ito at sinundan hanggang sa maabutan nya ito. Binuhat nya ito at hinalikan sya sa pisngi.

"Finn??" napatingin si Viana sa isang kulot na babae.  Nginitian nya ito.

"Hi po. Aso nyo po? Nakita ko kasi po tumatakbo eh, baka po mawala." sabi niya dito at inabot sa babae ang aso.

"Thank you. I'm Karylle." kinamayan naman sya ni viana.

"I'm Viana Marieylle Viceral po." napatitig naman si Karylle sa kaharap nya.

"Viceral.."

"Yes po viceral po. Bakit po?"

"Wala naman. Wala." umiiling na sabi ni karylle habang nakatitig pa rin sa kanya.

"You look unease po. Gusto mo upo muna tayo dun. Gusto rin yata ni finn na mag play" Viana. Tumango lang naman si karylle at nag patianod kay viana hanggang sa makaupo sila sa bench.

Ilang oras rin silang nag kukwentuhan. Si Viana lang ang makwento at sumasang ayon o hindi lamang naman si karylle sa kanya. Minsan may ilang tanong lang din ito sa kanya.

"So nag hahanap ka po ngayon ng work?" tanong ni viana sa kanya. Tumango naman si karylle.

"Oo, kailangan ko ng work para makapag ipon na ako."

"Si daddy po yata nag hahanap ng secretary. Nag resign na po yata yung dati niyang secretary kasi pumunta na po sa ibang bansa." sabi ni viana sa kanya.

Agad naman napatitig si karylle sa bata na kausap nya.

"Uhm, pwede kaya ako mag apply ng trabaho dyan sa daddy mo? Kahit secretary kaya ko."

Hindi niya alam kung bakit gusto rin niya na magkaroon ng trabaho sa ama ni viana. Ngunit kahit ganoon ay nakakaramdam sya ng kaba.

"Sasabihin ko po kay daddy, eto po yung contacts ko. Pwede nyo po ako icall or imessage mamaya. Nandyan rin po yung social media accounts ko, you can message me there po." tumayo na sya at nilingon ulit si karylle bago niya ito ngitian.

"Baka po hinahanap na ako ni daddy. Pagabi na po kasi." Viana. Hindi naman naka tiis si karylle at hinaplos niya ang buhok nito.

"We have the same hair. Ang ganda ganda mo." Karylle.

"Salamat po, siguro po nagmana ako sa mommy ko." saad niya. Hinawakan nya si Finn at nag bye na rin dito.

"See you sa office ni daddy, tita Karylle!" nag wave na ito at patakbong umalis.

"Daddyyy, yes I'm pauwi na poo" rinig pa niyang sabi ni viana habang may kausap sa phone at tumatakbo.



"Anong binili mo sa mall?" tanong ni vice sa anak. Pinuntahan nya ito sa kwarto at naka pang tulog na ang anak.

"Wala po. I met a girl and she is mabait. Daddy, pwede mo sya ihired na secretary mo. Kasi diba umalis na yung dati mong secretary tapos hanggang ngayon wala kang mahanap?"

"Yes wala pa nga anak. Paano ako makakasiguro na mabuting tao yan?"

"Daddy, kasama ko sya the whole time. Kase yung dog nya tumakbo, nakawala. So napunta sakin at kinarga ko pa nga eh. Daddy, mabait sya. Hired her please? Makakasundo mo sya, nakasundo ko nga po eh. And malay mo, sya na yung maging girlfriend mo." pang aasar ng anak kaya naman ginantihan nya ito at kiniliti sa tagiliran ang anak.

"Daddyyy!" natatawang sabi ni viana at niyakap ang ama bago pupugin ito ng halik sa pisngi.

She's comfortable with him. Sa labing anim na taon nilang pag sasama nilang mag ama, wala silang sikreto sa isa't isa. kitang kita rin na kung gaano nila kamahal ang isa't isa.


"Hi tita karylle, naka ayos na po ba mga requirements mo?" tanong ni viana sa call habang nag susuklay sya ng kaniyang buhok.

"Yes. Medyo kinakabahan ako baka mareject ako ng daddy mo agad."

"Hahahaha no tita, he is mabait."

Ilang minuto pa sila nag usap hanggang sa mag paalam na si Viana na papunta na sila ng daddy nya sa firm.

"Daddy. Actually she can be your secretary and can have another position sa firm. Nasabi niya na undergraduate sya ng architecture. Atleast may alam sya daddy in case na sasabihin mo na paano sya makakatulong sayo."

Kilalang kilala na nya ang ama. Alam nyang may kontra ito. Kung makipag usap din naman sya kanyang ama ay parang hindi siya sixteen years old.

Pag dating nila sa company ay agad na tinungo ni viana ang office at nag hi sa mga ka trabaho ng daddy nya. Nakipag beso pa nga sya sa mga ito.

Hanggang sa tumunog ang phone nya at nag text si karylle.

Nandito na ako sa lounge.

Agad naman pinuntahan ni via ang ama sa pwesto nito.

"Daddy, nandyan na po sya."

Nag thumbs up naman si vice dahim may kausap rin sya sa telephone mula sa front desk ng kompanya.

Umalis naman na muna si Viana dahil alam niyang mag iinterview ang daddy nya. Pumunta sya kina vhong at kay anne bago nakipag kwentuhan dito.

Hindi naman napansin ni viana na dumaan na pala si karylle at nag punta na ito sa office ni vice.

"Have a sit." saad ni vice habang nakatutok ang tingin nito sa laptop at di pa nag tataas tingin kay karylle.

Umupo naman si karylle at nilapag ang kanyang mga requirements sa table.

Malakas ang kabog ng dibdib ni karylle ng mga oras na yon. Kilala niya kung sino ang nasa harapan nya. Parang mabilis na tinatahip ang kaniyang dibdib habang pinag mamasdan si vice.

Hanggang sa nag angat ng tingin si vice sa kanya at mas lalong nahigit nya ang hininga. Hinawakan ni vice ang kanyang resume. At binasa ito.

"Ana Karylle Tatlonghari" pag basa sa kanyang pangalan. Natigilan ito bago nag angat ng tingin sa kanya.

"What are you doing here?" tanong agad ni vice sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Nag hahanap ng trabaho. Mag aapply sayo." Sagot ni karylle. Maya maya pa ay napatingin sya sa glass wall at nakita nya si Viana na nakatitig sa kanya habang nakangiti.

"You can't. Hindi ka college graduate. Anong alam mo sa architecture?" saad ni vice sa kanya.

Hindi naman sya nakikinig dahil nasa iba ang focus nya.

"Anak mo si viana?" Karylle. Tila nangangausap ang kaniyang mga mata.

"Oo." tipid niyang sagot sa kaharap.

"Vice.. sya ba ang anak ko?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman karylle. At kung anak mo man si viana, kailanman hindi ka niya hinanap sa akin." nilapag nya ulit ang resume ni karylle.

"makaka alis ka na."

Tumayo naman si karylle habang marahas na pinunasan ang kanyang luha.

"Makakatapos na sana ako ng pag aaral kung hindi lang din naman dahil sayo. Ginulo mo yung buhay ko noon, and ngayon ni ayaw mo ko makita? Pati paglapit kay viana hindi pwede?"

Tinitigan sya ni vice sa mata, "Hindi ka kailangan ng anak ko."










-to be continued....

A/N:
Mag comment kayooo ;)) thank youuu

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now