CHAPTER TWENTY-EIGHT

Start from the beginning
                                    

Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. Ilan pikit na ang ginawa ko dahil ayaw maproseso sa utak ko. Nang matauhan na ako ay ilang patak nang luha ang nasa screen ng phone at sabay punas sa kumot.

"H'wag na. Ako na bahala." I replied.

[Sure ka? Sabihin mo kapag kailangan mo nang back-up para makatikim siyang sapak galing sa lasing.] message niya sa akin.

Hindi ko na ni-replyan si Lyzza. As I swallowed nervously, I quickly dialed Lance's number, my heart pounding with anticipation. The phone rang incessantly before he finally answered.

I cleared my throat. "Saan ka? Sobrang ingay 'ata d'yan."

[Nothing. My Mom's birthday,] Lance replied.

Pumikit ako marahan upang pigilan ang hikbi ko. I bit my lower lip to stop making a noise. Hindi ako makapagsalita ng maayos kaya tumatango-tango na lang ako bilang sagot kahit na alam kong hindi niya nakikita.

"I’m sorry for not having you here because I understand you're busy," he added.

"Okay lang, naiintindihan ko. Mag-enjoy ka riyan."

Ako na mismo nag-end call. Hindi na rin ako nakapag-isip ng maayos. Sobrang gulo ng utak ko ngayon.
Umiyak akong umiyak dahil hindi ko matanggap ang pagsisinungaling niya sa akin nang ganu'n, tila bang nakalimutan niya na may naghihintay sa kaniya. . . na may naghihintay sa mga text at tawag niya, na may naghihintay sa presensiya pero hindi niya ako inaalala.

Hindi man lang niya ako inisip.
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo pero wala din silbi ang pagpunas kung sa bawat punas ay may paparating ulit ng luha.

Shainny. . . problema lang 'to.

I attempted to carry on with my days and weeks as if nothing had happened, convincing myself that I was fine on my own. I kept reassuring myself that things would eventually return to normal, that he would love me like before. I longed for the days when he would gaze into my eyes, when he would worry if he didn't come home, and when he would want to be with me.

Me:
Good morning, honey!

Lance:
Morning.

Ako:
Nasaan ka? Tara, Unli Wings. Date tayo roon.

Lance:
Busy ako, eh. Next time na.

I let out a deep sigh as I stood at the counter, feeling lost in thought. A couple approached, placing their order, and I couldn't help but notice the man. He seemed familiar, but I couldn't find a place where I had seen him before.

"Ano'ng mukha 'yan, Shainny?" tanong ni Erica, kumukuha isang upuan sa kabilang lamesa.

Nandidito kami ngayon sa harap ng System Plus upang kumain ng Tres Pares Unli Wings.

"Kaya nga, ano'ng klaseng itsura 'yan?" takang tanong ni Kenzo. "Mukhang, ano 'yan?"

Sinamaan ko lang siya tingin at napatingin lahat kami kay Lyzza nang magsalita ito.

"Mukhang titi lang, bhie!" Nanlaki ang dalawa kong mata sa naging sagot nito, tinignan ko lang siya ng masama habang ang dalawa ay patuloy pa rin tumawa.

"Gago ka! Kapag ikaw ang pinag—"

Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko nang biglang lahat ng kasama ko ay napatigil sila sa kakatawa at nasa entrance ang atensiyon nina Kenzo.
Tinignan ko naman kung sino ang nandoon. Sobrang pinagsisihan kong tumingin pa ako sa kanila tila binuhusan ako ng malamig na tubig na punong-puno nang yelo.

Gusto ko tumayo ngunit ayaw gumalaw ng paa ko. Gusto ko siya sugurin ngunit parang may pinipigil sa akin. Gusto ko saktan ang kasama niya pero ayaw ko madumihin ang palad ko at lalong gusto kong manakit ngunit pinangungunahan ako nang takot at sakit.

Cupid Stupidity (Love Material Series #1)Where stories live. Discover now