"Hey. Hey! Autumn, okay ka lang ba?" I thought he left already. Sasagot na sana ako pero biglang nandilim ang paningin ko.




SPRING's


No one knows that I am the man behind GP Photography and I'm good with that, let my identity not be known.


I volunteered myself to be assigned here in the reception. Well, wedding aren't my thing. Kaya mas pinili ko na lang dito sa reception.


I was busy taking some snaps. Well, I can say that the designs are excellent, lalo na ang color combination.


"Excuse me?" I heard a familiar voice or baka guniguni ko lang din. "Sir? I assume you are one of the official photographers of this event... I would like to as—IKAW??!" Siya nga. Autumn, tama nga ako. Magkikita at kikita pa rin kaming muli.


I secretly examined her features especially her face. I didn't mean to, but I smirked when I saw how beautiful she is.


"Ano nga ulit yung tinatanong mo, miss?" I asked her at kita ko naman ang inis nito. She even rolled her eyes on me.


"Nevermind." She turned her back on me. Mukhang nabwisit nga sa akin.


Napansin ko naman na nakatalikod lang ito pero hindi humahakbang palayo. Nakasapo pa ito sa ulo niya.


"Hey. Hey! Autumn, okay ka lang ba?"


Hinihintay ko ang sagot niya pero wala, akmang aalis na sana ako dahil baka talagang nasira ko ang araw niya but I jolt in place when I saw her slowly loosing her balance.


I was quick to catch her.


"Autumn?!? Hey, Autumn!" I tried to shake her and tap her face pero walang response. I decided to carry her and bring her to the clinic.


"Hala! Si Miss Autumn! Nahimatay!" One of her staffs, I assume. Rushed to us.


"Can you come with us?" I asked her staff.


"Ay kuyang photographer, tatawagan ko na lang po yung kaibigan ni Miss Autumn, iinform ko na lang po siya para—"


"Then call her now!" Ang dami pa kasing sinasabi. Dinala ko na si Autumn sa clinic.

-

I was just looking at her.


I was thinking of possibilities. "Hindi ka ba kumain? Or baka kulang ka sa tulog? O baka naman hindi ka pa natutulog kaya nahimatay ka?"


"TUM??! AUTUMN??!" A woman barged inside. Baka ito na yung sinasabi nung staff nila kanina na kaibigan ni Autumn.


She runs beside Autumn's bed. "Hay nako! Ano ka ba namang babae ka! Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula eh!"


"Uhm Miss—"


"Sinabi na kasing kumain kanina! Oh ayan tignan mo tuloy kung anong nangyare!" The woman continuously ranted as if Autumn could hear her.


"Miss, excuse me—"


Finally I got her attention. "Kuya, pwede bang mamaya na lang?? Can't you see?—"


"Uhm, Miss. Sasabihin ko lang sana na huwag mo na munang pagalitan kasi unang una sa lahat, walang malay yung kausap mo pangalawa baka magising yan ng wala sa oras dahil... dahil sa lakas ng boses mo." I explained.


That One NightWhere stories live. Discover now