Simula

1 1 0
                                    

Trigger Warning: Harassment.

READ AT YOUR OWN RISK!

*********

Third Person Point Of View.

Sanggol pa lang si Rebecca ay naulila na siya sa Ina. Ang ama niya na lang ang tumayo niyang magulang kasama ang kaniyang Tiya na kapatid ng ama niya sa kanilang ama.

Noong nag kaisip na siya ay napagtanto niya na kung bakit ama lang ang kasama niya at walang nanay o mama siyang tinatawag gaya ng mga batang nakakasalamuha niya.

Hindi niya madalas makita ang ama niya sa loob ng bahay dahil sa wala daw ito palagi at nakikipag sugal o inuman sa ibang lugar na hindi naman niya alam. Iyon lang ang sabi ng kaniyang Tiya.

Nag aral siya at nagsikap na magtapos. Itinatak niya sa kaniyang utak na kailangan niyang mag aral ng mabuti upang makaahon sila sa isang kahig-isang tuka na sitwasyon nila.

Noong nag sampo na siya ay doon niya na madalas na makita ang ama niya. Para bang kahit na nandiyan ito ay hindi niya ramdam na may ama siya, hindi niya maramdaman ang presensya ng isang ama rito.

Pansin niya rin ang kakaibang tingin nito sa kaniya lalo kapag naka-inom ito. Nakakailang ang ibinibigay nitong tingin sa kaniya.

Takot at pagkabahala ang kaniyang nararamdaman sa tuwing nasa paligid niya ito. Mabuti noong wala ito palagi sa bahay ay wala siyang takot na nararamdaman.

Kahit na hindi mapakali ay nagpatuloy lang siya sa pag aaral. Nasa isip pa rin niya ang tingin ng kaniyang ama sa kaniya hanggang sa eskwelahan.

Hanggang sa mag dose siya ay ganoon pa rin tingin nito sa kaniya. Para bang hinuhubadan na siya nito sa isip sa pamamagitan ng mata.

Isang araw habang nag huhugas siya ng plato ay ramdam niya ang titig nito at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Sila lang dalawa ang nasa bahay dahil nga nagtrabaho ang kaniyang Tiya at nagkataon naman na umuwi ang kaniyang ama.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang binabanlawan ang mga platong ginamit. Kinagat niya ang kaniyang labi dahil kahit ito ay nanginginig din dulot ng takot na nararamdaman niya.

"Tapos ka na?" halos mapatalon siya dahil sa biglaang paglapit nito sa kaniya. Nasa harapan nito ang likod niya at ramdam niya ang pagdikit pa nito sa kaniya lalo.

Sa takot ay mabilisan niyang tinapos ang huling plato na binabanlawan at umalis sa harapan nito para makaiwas dito.

Nagtagumpay naman siya at dumiretso sa kuwarto niya pero ramdam niya pa rin ang tingin nitong kakaiba habang naglalakad siya.

Hind niya maiwasang maiyak dahil sa takot pagtapos ng nangyari. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang nangyayari sa paligid niya.

Sa ginagawa nito mas lalong umigting ang pakiramdam na wala siyang ama. Hindi ama ang tingin niya rito kundi isang halimaw na kumukuha lang ng tiyempo para sunggaban ang biktima nito at siya ang biktima ng halimaw.

Nag patuloy lang iyon hanggang sa magkatorse na siya. Minsan ay nakikitulog na lang siya sa kaniyang dating mga kalaro tuwing gabi na pinapayagan naman siya ng magulang ng dating kalaro niya. Pansamantalang naging payapa ang pagtulog niya.

Nang dumating na ang Tiya mula sa isang linggong pag stay sa trabaho nito ay sa bahay na nila siya natutulog. Panatag ang loob niya dahil nasa iisang bahay lang sila ng Tiya niya.

Ngunit nang gabing iyon ay hindi niya inaasahan na mangyayari iyon sa kaniya. Bumukas ng marahas ang pinto niya at nakita niya ang bulto ng pinakakinakatakutan niyang nilalang sa mundo.

Matinding takot ang lumukob sa kaniya. Patay ang ilaw sa kuwarto niya kaya hindi niya masyadong makita ang dadaanan. Agad namang pumunta sa gilid niya ang halimaw at nang akma na siyang sisigaw ay tinakpan nito ang bibig niya. May naramdaman siyang malamig na bagay sa kaniyang tagiliran na ikinaiyak niya na ng tuluyan.

'Tiya Jeya...' Piping tawag niya sa kaniyang Tiya. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang magagawa.

"Huwag kang maingay..." Bulong nito sa kaniya. Umiling iling siya upang sabihing 'huwag' pero hindi ito natinag.

Sinimulan nitong halikan ang leeg niya na ikinapasag niya. Kumpara sa laki niya ay 'di hamak na mas malakas ito kesa sa kaniya. Naiinis siya sa kaniyang sarili at wala siyang magawa para man lang makawala.

Patuloy sa pagiyak ay kinagat niya ang palad nito na nakatakip sa bunganga niya kaya ito napabitiw sa kaniya. Sumigaw siya ng malakas at doon niya na tuluyang tinulak ang halimaw sa ibabaw niya.

Ilang minuto lang ay dumating ang Tiya nito at galit na tinignan ang kapatid nito. Kinuha siya agad ng tiya niya at inilabas sa bahay na iyon. Hindi niya na masundan ang nangyari sa paligid dahil tulala lamang siya. May takot pa rin na nararamdaman dahil sa kaalamang hindi naabutan ng mga pulis ang ama nito.

Sa isang bayan sila pumunta na magtiya. Alam niya na ibang bayan na ito dahil paunti unti ay bumabalik na siya sa katinuan. Alam niyang nagbiyahe sila at sumakay ng kung ano-anong sasakyan para makapunta dito.

"Nasaan po tayo, Tiya?" tanong niya sa kasama habang nililibot ang paningin sa paligid. Marami ang mga taong naglalakad bitbit ang kanilang malalaking bag.

"Nasa bungad na tayo ng bayan ng Dahlia." sagot sa kaniya niyo. Tumango siya.

Ngayon mas malinaw na wala na sila sa bayang tirahan nila kundi nasa ibang bayan na.

"Dito na po tayo titira?" tanong niyang muli. Nagumpisa na silang maglakad dala-dala ang kanilang gamit at damit.

Alanganing itong ngumiti at tumango. "O-Oo, Ikay. Dito na ang bago mong tirahan."

Bagong tirahan na niya ito at aasa siyang magbabago rin ang buhay niya sa lugar na ito.

********
Thank you for reading!
Please vote, comment and share.

Oct. 29, 2022

To Fix You (Red String #1)Where stories live. Discover now