"Gusto ko siya at ang definition ko ng gusto ay para lang sa mga kaibigan." pagtutuloy ko sa sinabi ko bigla namang parang umaliwalas ang mukha nitong si Blue

"Is that so?"

"Oo nga, gusto ko si Eli bilang kaibigan ko. Tsismoso mo naman! Alis dyan!"

Bigla nalang siyang nagsmile then *chup* he kissed me, my second kiss. First kiss ko siya tapos siya din second kiss ko? >////////<

Bigla nalang akong napapikit. This kiss is different. Ibang iba sa nauna, bakit parang sweet and soft? Bakit ganito?

Tumigil na. Medyo inilayo niya na ang mukha niya sa mukha ko pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Nahihiya ako! >_<

"I don't like you." anung sabi niya?

Napadilat naman ako bigla "Tsss. Alis na dyan!" sigaw ko sa kanya. Hahalik halik tapos sasabihin na I don't like you?

"I don't like you as a friend because I like you as my special someone."

Sinabi niya bang gusto niya ako bilang special someone niya? Sinabi niya ba talaga yun? Yung totoo? Sinabi talaga? Paulit-ulit ako! Sagutin niyo kasi ako!

"Apo! What are you doing?!" biglang bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang pumasok, agad naman kaming napaayos ng upo

"Ah lolo, nothing."

"Nothing? Nakapaibabaw ka sa kanya?" anu ba naman yang term ng lolo niya >_<

"Lolo, wala kaming ginawang masama. I just kissed her, wala naman sigurong masama kung halikan ko ang babaeng nagugustuhan ko?" napatingin naman ako kay Blue at mukha naman siyang seryoso. OMO!

"Yeah, walang masama dun as long as the feeling is mutual. *tumingin sa akin yung lolo niya na nakapagpalaki ng mga mata ko* Do you like my apo?"

"Ah eh, hmmm." anung isasagot ko?

"No. Hindi niya pa ako gusto sa ngayon, but I'll make sure na magugustuhan niya rin ako."

"Okay then. Bumaba na muna kayo para makakain na siya."

"Sige lolo." umalis na yung lolo niya tapos bigla naman tumingin sa akin tong si Blue

Imbis na makipagtitigan ako sa kanya agad akong napatayo at lalabas na sana nang bigla siyang magsalita.

"I'm dead serious about that."

Tapos tumayo na siya at naunahan niya pa ako sa paglabas dahil nastock ang paa ko dito.

I'm frozen!

***

CARSE's POV

Panay ang hatid sundo sa akin ni Nick pero hindi naman kami naguusap ng matino. Isang sagot at isang tanong ang peg namin. May ilangan kasing nagaganap.

"Nandito na tayo." nagsasalita lang yan tuwing nandito na kami sa apartment

"Ah sige salamat." agad naman siya tumalikod at paalis na ng bigla kong hawakan yung dulo ng damit niya sa likuran kaya naman napatigil siya

Humarap siya at tumingin sa akin.

"Hmmmm Nick, yung tungkol dun sa ginawa ko."

"Wag na natin pagusapan yan. Pumasok ka na sa loob." hinawakan niya ang kamay ko para alisin ang pagkakahawak ko sa dulo ng damit niya, sandali lang yun pero naramdaman ko yung coldness. *sigh* Bakit ko ba kasi siya napahirapan ng ganun? Alam kong nasaktan ko siya.

Tumalikod na ulit siya para lumapit sa kotse niya.

"Teka!" nagstop ulit siya pero hindi na siya humarap sa akin

"Alam kong ayaw mong pagusapan yun pero gusto ko kasing humingi ng sorry sa nagawa ko. Sorry kung naging childish ako. Sorry kung pinahirapan kita."

"Wala kang dapat ikahingi ng sorry sa akin. Kasalanan ko naman, I deserved that. Kaya kung ayaw mo na talaga sa akin, sabihin mo lang anytime at ititigil ko na to." tsaka na siya tuluyang sumakay sa kotse niya at umalis na

Habang tinitignan ko siya palayo. May narealize ako.

Akalain niyong nakakarealize na pala ako? Ako nga rin di ko akalain na marunong pala ako nun. Nakakabigla diba?

Kung anung narealize ko. Teka, nakalimutan ko! Isipin ko muna ulit. ^_^

***

MILLE's POV

Paano ba makakapagsorry sa taong nasaktan mo ang damdamin?

Paano ka makakapagsorry kung hindi mo man lang magawang makatingin sa kanya at mas lalong kahit makalapit man?

Paano kung napapangunahan ka ng takot na kausapin siya?

*Sigh*

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" nang mapaharap ako si Dustin pala yun na biglang umupo dito sa inuupuan ko sa may labas ng school, sa waiting shed.

"Nagpaiwan lang ako saglit dito. Tahimik, masarap mag-isip sa mga ganitong lugar."

"Hindi ka ba natatakot? Baka may mga masamang loob dyan na biglang sumulpot." ako natatakot? Bigla nalang akong napangiti.

"Oh bakit napangiti ka?"

"Naisip ko lang kasi kung bakit hindi ako natatakot mag-isa."

"Bakit nga ba hindi?"

"Alam ko kasi na may isang taong nagbabantay sa akin."

"Sino?"

"Si Blackstar." sabay harap ko ng nakangiti kay Dustin. Diba siya ang blackstar ko? Ayan at nandyan nanaman nga siya, pero may aaminin ako, nagexpect ako ng ibang tao para maging si blackstar. Mali talaga ang magassume ng magassume.

"Kamusta na nga pala kayo ni Ash?" tanong niya bigla sa akin

"Hmmm, okay naman yata? Kung okay ang matatawag mo sa hindi namin pagpapansinan edi okay nga kami."

"Hindi pa rin talaga siya nagbabago."

"Bakit? Paano mo nasabing hindi pa rin siya nagbabago?"

"Ganyan pa rin kasi talaga siya gaya ng dati. Hindi niya kayang iexpress ang mga nararamdaman niya. Mas gugustuhin niya pang itago yun."

"Kilalang kilala mo talaga ang Kuya mo." kahit na magkagalit sila, nakakatuwang isipin na kilalang kilala niya pa rin ang Kuya niya

"Bago kasi kami naging magkapatid, naging magbestfriend muna kami."

"Oh talaga?"

"Halos isang taon lang ang agwat niya sa akin. Pareho kami ng school simula elementary. Hindi pa namin alam na magkapatid kami nun, hanggang isang araw nalaman nalang namin na magkapatid pala kami." ganun pala yun. Ngayon alam ko na.

"E yung tungkol sa babae? Pareho niyo siyang gusto?" teka! Ang daldal ko naman yata masyado!

"Yung tungkol dun wag mo nalang palang sagu---"

"Pareho nga namin siyang gusto." yan kadaldalan mo kasi Mille

"Hindi namin alam na pareho pala kami ng tinutukoy na babae nun, pareho pa naman kaming masaya pa rin sa isa't isa kaso nang malaman namin na iisa lang pala yung tinutukoy namin, naging medyo ilag na kami. Pareho din kasi namin na hindi alam kung anung dapat gawin. Hanggang sa nalaman namin na magkapatid kami, nagalit siya lalo nun sa akin, kaya mas pinili kong umalis."

"Ganun pala ang nangyari. Kaya pala ganun nalang ang galit niya sayo."

*BRUUUUUUM* malakas na tunog yun ng motor na huminto sa harapan namin

Pareho kaming napatingin sa nakasakay sa motor na yun.

Nakahelmet siya kaya hindi makita ang mukha. Pero nang magsalubong ang mga mata namin.

Bigla akong napatayo.

"Siya yun!" at bigla ng umandar yung motor

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga yun!

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon