For Eternity.. (A BTCHO special chapter) -- Married Life

Magsimula sa umpisa
                                    

“daddy! Daddy! Maganda na ba ko?” tawag sa kanya ng anak niya

“oo naman!” sagot niya dito atsaka niya ito nilapitan “ang baby Timi ko ang pinakaaaaaaa magandang babae sa balat ng lupa”

Biglang nag pout si Timi “hindi kaya! Si Mommy kaya ang pinaka maganda!” sabi ni Timi

Natawa naman si Naomi sa sinabi ng anak “pangalawa lang ako sayo baby. Para saamin ng daddy mo, ikaw ang pinakamaganda”

Ngumiti sa kanila si Timi “mommy! Daddy! I love you!!!”

At 32 years old…

It’s Stephen and Naomi’s 11th wedding anniversary.

Nasa Palawan silang dalawa ngayon. Ipinangako kasi ni Stephen kay Naomi na babalik sila dito para sa 11th wedding anniversary nila. Dahil hindi nila pwedeng isama si Timi at may pasok sa school, iniwan muna nila ito sa mommy nila Stephen at Naomi for a week.

“Babes naalala mo nung pumunta tayo dito nung college tayo? Dito din yun sa snake island. Takot na takot kang mag snorkeling. Hahahaha” sabi ni Stephen habang nakaupo sila sa isang puno sa Snake Island at inaantay ang paglubog ng araw

“oo! Tapos sinamantala mo ang pagkakaroon ko ng phobia sa tubig para ma-chansingan mo ko! Makakalimutan ko ba yun!”

“grabe ka hindi kita chinansingan nun no! sadyang gusto ko lang talaga ipakita sayo yung ganda ng dagat!” =___=

“hahahaha joke lang babes” sabi niya sabay kurot sa pisngi ng asawa niya “Stephen alam mo ba sobrang saya ko. I have a handsome and loving husband, tapos dumating pa sa buhay natin si Timi. Napaka-bait talaga saakin ng Diyos no?”

Bigla naman niyakap ni Stephen si Naomi “hindi lang sayo babes, pati rin saakin. Sa dami ng babaeng pinaiyak ko, napakabait parin ng diyos na ipinakilala ka niya saakin” humiwalay siya sa pagkakayakap nito kay Naomi at hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi “I love you very very very much babes… hinding hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sayo… sa inyo ni Timi… kung gaano ko kayo kamahal.”

Ngumiti si Naomi “I love you too babes. I love you very very very much… you and our baby Timi…”

Dahan-dahang naglapit ang mukha ni Stephen at ni Naomi hanggang sa maglapat ang mga labi nila.

Ilang taon na nga ba silang magkasama? Ilang beses na nga bang nahalikan ni Stephen si Naomi? Pero kahit na matagal na nilang ginagawa ito, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ni Naomi kada maglalapat parin ang mga labi nila. Kada hinahalikan siya ng asawa niya, nararamdaman niya kung gaano siya nito kamahal.

 

‘Thank you God for giving me a guy like him’  bulong ni Naomi sa sarili.

For Eternity.. (A BTCHO special chapter) -- Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon